|| THIRTY ||

16.1K 435 13
                                        

"Rio Kristoff Salazar" ngumisi siya, tumayo ng maayos na parang tinatamad pa rin at saka siya lumapit samin. "Wag mong sabihing, matagal niyo na akong Homeroom Teacher, hindi mo pa din alam ang buong pangalan ko. Miss Alvarez" tumingin siya ng seryoso sa mga mata ko.

Nakakatakot siyang tumingin, para talagang zombie. Umiwas na lang ako ng tingin at sinabing "Hindi mo naman kaya binanggit." ni minsan hindi nasagi ng isip ko na magkapatid sila. Ehh pano naman kasi, kung mag-usap silang dalawa, kala mong mga nasa bundok, laging nakasigaw.

Normal lang naman kasi kay Christopher ang ganun sumagot kaya akala ko hindi iba si Teach.

"Sa pagkakatanda ko, binanggit ko yun nung unang araw ng second month, hindi ka siguro nakikinig." Anong hindi nakikinig! Palagi kaya akong nakikinig! Tiningnan ko si Nathan para makasiguradong sinabi nga ni Teach yun.

"Yup, sinabi niya yun, natutulog ka lang." Ako? Natutulog? Seryoso ka ba? Hindi ako natutulog sa klase no! Hindi ako si Daichi.

"Nathan, sigurado ka ba na nakita mo akong natutulo-----"

"That aside, ano na ang plano mo?" Sasapakin kita Teach. eh. Kaninang umaga pa pinuputol yung mga sasabihin ko ah! Una yung Principal natin, kani-kanina lang si Nathan, tapos ngayon ikaw naman. Nananadya ba talaga?

Pero tama na muna, seryoso muna dapat. "Anong plano?" tanong ko naman sa kanya.

"To save Christopher, of course." Mukha pa rin siyang tinatamad, pero bakit parang ang cool niya pag nagsasalita siya, parang si Christopher lang. Tapos yung boses nila, sobrang-------sobrang----teka ano nga ba yun? Parang, pag narinig mo para kang matutunaw? Yun nga siguro. Pareho pa silang gwapo. Hay nako!Magkapatid nga sila, bakit ba hindi ko kaagad nakita yun?

"Plano? Haha! Ang balak ko sana, sumugod na lang at pilitin siyang tumakas eh!" Tama! Yun nga ang gagawin ko!

"Ha?" halata yung gulat niya sa sinabi ko na yun. Napa-facepalm na nga lang siya nun eh. Natawa naman ako. Hindi ko pa kasi iniisip kung ano ang gagawin ko eh.

"Teka nga lang." sabi niya, napatigil naman ako sa pagtawa. "Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" tanong niya, umiling lang ako. "Eh kung bakit niya ginagawa yun?" umiling ulit ako. "Eh kung sino ang may pakana ng lahat ng ito?" umiling ulit ako. At napa-facepalm na ulit siya.

Sorry ah! Hindi ko naman kasi talaga alam ehh, pano naman kasi! Galing kaya ako sa ospital, dinadalaw dalaw pa niya ko nun. Tapos bigla na lang ganun yung nadatnan ko, pagkatapos nun ay umalis na siya ng wala man lang sinasabi kung anong meron.

"Alam mo ba Rio kung sino ang pumipilit sa kanya na gawin 'to?" tanong ni Nathan. Tinanggal ni Teach yung kamay niya sa mukha niya at tumingin samin ng seryoso, saka siya tumango.

"Riza, naaalala mo ba nung sinabi ko sayo noon sa Chapter six tungkol kay Christopher?"

Christopher hates me, he hates teachers. Ayaw niya na may nag-uutos sa kanya kahit sino man yun. Magpaabot ka lang ng libro sa kanya magagalit na yun at ibabato niya sayo yung libro. He doesn't care about anyone's feelings. Siguro dahil yun sa Papa niya. He's been his father's robot ever since he was a kid. Maybe he just got tired of it kaya nagrerebelde na siya.

Tumango ako. Wow! Naalala ko pa yung buong sinabi niya na yun? Thank you talaga sa magaling na Author ng storyang 'to at binigyan ako ng isang matalas na memorya.

"Our father owns this school, pumupunta siya dito minsan para i-check kung ano na ang mga kaganapan dito. But he is also a politician." Napangisi siya. "You know politicians, ayaw nila ng mga bagay na makakasira sa kanila. They always get what they want, even if it means doing the wrong thing." Lumakad siya dun papunta sa mesa niya sa harap. "Well, It might not be true for all politicians, but that's our father." Umupo siya sa lamesa at tiningnan kung ano yung mga papel na nakapatong dito. "He never liked how Christopher acted in front of him. He sees Christopher as a big flaw in his life. Pero hindi naman ginusto ni Christopher na maging ganun ang tingin ni Dad sa kanya."

Delinquent High [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon