Chris' POV
Ano bang problema ng bwiset na babaeng yon?
Pagkatapos kong ipunin lahat ng lakas ko para lang sabihin ko sa kanya na gusto ko siya, makikita ko na lang na magkasama sila ng isa pang bwiset na Xeron na yon!
Tch! Mga bwiset talaga.
"What are you looking at?" sigaw ko sa babaeng baliw na tinitingnan ako ng masama.
"Wala! Gusto ko lang sabihin sayo na may meeting mamaya!" pasigaw niyang sabi sabay hatak ng upuan niya.
Sinusubukan yata ako ng babaeng 'to eh. "Hindi ako pupunta." Walang emosyong sabi ko, para lalo siyang mainis. Hah! Hindi pwedeng ako lang ang naiinis, damay damay na 'to.
Pagkatapos nun, nagkalat siya ng lagim sa room at lahat na yata ng kakausapin siya ay sinisigawan niya. Hanggang sa umepal si Xeron."Ahhh. Pwede bang makisali sa usapan niyo?" You already did "I can play the main lead if you want."
Sapak gusto mo? Baka naman gusto mong maging main lead ng storya ko, isang storya kung saan ikaw ang laging binubugbog.
"Hindi pwede." Sabi nung panget na artistang kaibigan ni Alvarez.
"And why is that?"Don't try to get yourself in this play Xeron or else, I will definitely kick your ass.
"Simple,Mas mukha ka pang matanda kay Jasper! Si Aster, ang main lead, ay nakababatang kapatid ni Lloyd kaya hindi ka bagay don!"
Bull's Eye!
Hah!
"Fine then."
Napatingin ako kay Alvarez dahil sa biglang pagkaiba ng mukha niya. Bakit mukha siyang disappointed?
Bakit? Ganun ba niya kagustong makapartner yung lalaking yun? Eh di kung ganon, magsama silang dalawa! See if I freaking care!
Tumingin sakin yung palakang kaibigan ni Alvarez at nagsalita. "Christopher! Will you do it?" Tiningnan ko siya ng ilang segundo, pagkatapos ay tumingin ako kay Alvarez.
Bakit ganyan ang tingin mo sakin? Ayaw mo ba talaga akong makapartner?
Fine then. If that's what you want. "No." seryosong sabi ko, saka ako tumayo sa kinuuupuan ko at lumayas sa walang kwentang room na yun.
Pagkatapos ng pangyayaring yun, hindi na ako pumasok. Nawawalan ako ng gana pag nakikita ko siya, alam niyo na kung sino yung tinutukoy ko.
Shit! I sound like a girl!
But it's the truth anyway, I can't lie to myself.
I really, really like her. Even though she's an idiot.
Lumipas ang unang limang araw ng School Festival, ibig sabihin, ang natitira na lang ay yung araw ng play. And that day, Jasper called me.
"What do you want?" I threw him a straight question.
[Chris! Bakit hindi ka pa rin pumapasok? Hindi ka ba manonood ng play?]
"Like I freaking care!"
[Whoah! Nababawasan na ang pagmumura mo ah! Very Good!]
"Shut up Jasper!" Dahil 'to dun sa bwiset na Presidente namin! She said that if I ever curse again, she'll never talk to me. Can you believe it? Riza Alvarez, treathening me? You have got to be kidding me.
Pero kahit na ganun, her treath worked and I really am stupid.
[Setting that aside, alam mo ba na si Ivan ang gaganap na Aster?] What? [At nabago na yung play, may kissing scene sila sa ending ng play!]
BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
AcciónWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.