|| PROLOGUE ||

62.3K 1.1K 43
                                        

"You're a demon!"

Tangay ng malakas na hangin ang buhok ko, tumatakip sa karumal-dumal na tanawin na pumapaligid sa amin.
Sa kaliwang kamay ko, hawak ko ang kahoy na espadang hinablot ko mula sa dojo namin. Sa kanan naman, ang taong nagtangka at nanakit sa buhay ng mga kaibigan ko.

Bilog ang buwan ngayon.
"Haaaaaa..."
Sabi na nga ba may masamang mangyayari kapag lumabas ako ng bahay ngayon.

Ano na nga ba ang dapat kong gawin ngayon?

Kung ako pa ang dating Riza na kilala ko, hindi ko hahayaang makaalis dito ang taong 'to nang walang kahit isang galos.
Pero iba na ako. Nagbago na ako.
Kinalimutan ko na ang lahat ng kung ano man ako dati.
Wala na siya. Hindi na siya babalik.

"Umalis ka na!"
Binitawan ko ang kwelyo niya at tinulak siya palayo.
"At 'wag na 'wag ka nang magpapakita sa akin—lalo na sa kanila. Kung hindi—" tinutok ko ang dulo ng espada sa mukha niya,
"—itong kahoy na lang na 'to ang huli mong makikita sa buong buhay mo."

Tinalikuran ko siya at hinawakan ang kaliwang braso ko.
Mabilis ang agos ng dugo mula sa hiwa ng kutsilyo.
Bakit ba ngayon ko lang nararamdaman 'yung sakit?

Nawawalan na ako ng lakas.
Chris... nasaan ka na ba? Kailangan kita ngayon...

Tiningnan ko ang braso ko—sobrang daming dugo.
Hindi ko na kayang maglakad. Napapapikit na ako.

"Haha... ito na siguro ang dulo."
Dumidilim na ang paningin ko.

Hindi ko na namalayan na susubsob na pala ako sa lupa.
Pero... bakit hindi masakit?

Naramdaman ko na may nakasalo sa akin.
Ginamit ko ang natitirang lakas ko para maibuka ang mga mata ko.

At last, you're here...

"You stupid idiot! Why do you always make me worry?"

—Christopher Salazar

Delinquent High [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon