Chris' POV
"Hindi na ako babalik dito kaya kalimutan niyo na ako!"
This is freaking bullsh-t. There are limits to where one can cross the line and this girl has already gone past it.
"Cut this crap and Come back here this instant!" sigaw ko sa kanya. What the hell is wrong with her right now? One day she was smiling with us, tapos bigla na lang siyang aalis at iiwan kami? You have got to be kidding me.
"C-Chris." mahinang sabi niya, but loud enough for me to hear. Lumakad ako ng dahan dahan papalapit sa kanya. If we were in a different scenario, I'd probably kiss her on the spot. I can't believe I missed this idiot in just a freaking day.
Nang naglalakad ako papalapit sa kanya, napansin ko na nanginginig ang kamay niya. What's wrong? Is she hurt somewhere?
"Nababaliw ka nanaman ba? Bumalik ka na nga dito! Ano ba yang ginagawa mo?" mahinahong sabi ko sa kanya, kasabay nito ang paghawak ko sa nanginginig niyang kamay. Pero nagulat na lang ako nang bigla niyang bawiin ang kamay niya sakin na parang ayaw niya akong hawakan.
Sh-t! Is she crying? What's wrong?
"Chris." sabi niya sabay yuko.
She called me by my name many times ever since we first met. Simula nung araw na tawagin niya ako sa pangalan ko, I 've been wanting to hear her call my name every second. I know it sounds crazy, but I can't help it.
Lumapit ako sa kanya at saka ko pinatong ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya, niyuko ko ng konti ang sarili ko para magkalebel ang mga mata namin. "Look at me." pero hindi niya ako sinunod. "I said look at me." nagmatigas pa din ng ulo.
"Bitawan mo ko Chris" nagulat ako sa sinabi niya. Tama nga ba yung narinig ko? Baliw na yata 'tong babaeng 'to eh.
"Ha?" kung nagulat ako sa ginawa niya kanina, mas nagulat pa ako sa sunod niyang ginawa. Aba! Tingnan ba naman ako ng masama. Kapal ng mukha ng babaeng 'to eh. Porke't alam niya lang na mahal ko siya, titingnan na niya ko ng masama?Abuso 'to ah Tch! "Ano bang problema mo?"
"Tama na." mahinang sabi niya. Bakit ba ang hina niya magsalita?
"Ano?"
"Tama na!" sigaw niya. "Gusto mong malaman kung ano ang problema ko?" galit siya kung sumigaw, pero kitang kita sa mata niya na nalulungkot siya. "Kayo!" hindi nagtagal ay dinamay na niya sa kabaliwan niya yung mga nasa likod ko. "Kayong lahat ang problema ko." kaya lang, nang pipigilan ko na dapat siya. "Wag kang lalapit!" sinigawan nanaman niya ako.
"Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Nababaliw ka na nga siguro!"
"Pres, tara na, bumalik na tayo sa school"
"Oo nga, may game kami mamaya laban kina Ivan."
"Kung gusto mo pa, hahayaan ka namin maging batter para mapamukha mo sa unggoy na yun kung gano siya kahina!"
"Riza." nag- aalalang sabi ko.
"Aalis na ako, wag niyo na akong pigilan, nagmamakaawa ako Chris." hinawakan niya ang damit ko at tiningnan niya ako ng diretso sa mata. "Wag mo na akong pahirapan."
Wala akong nasabi. Hindi ko maisip kung ano ba ang tumatakbo sa utak ngayon ni Riza. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'to. Pero isa lang ang alam ko, nababaliw na siya kaya kailangan namin siyang ibalik sa katinuan.
Pero wala pa din akong masabi. Hanggang sa -----
This is the final boarding call for passenger Riza Alvarez booked on flight 312 to Tokyo, Japan. Please proceed to gate 4 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately five minutes time. I repeat. This is the final boarding call for Riza Alvarez. Thank you.

BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
ActionWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.