|| EPILOGUE ||

12.7K 372 32
                                    

"How many times do I have to tell you." nakayuko lang ako habang sinasabi niya yun. Hindi ko naman siya masisisi dahil ako din naman ang may kasalanan. "You're the president, you have to keep them in tact." hindi ko diretsang nakikita pero alam ko na naiinis na siya sakin, dagdag na din dun ang paglalakad niya ng pabalik-balik sa harap ko.

"Ah kasi-----." Humarap na din ako sa kanya sa wakas, pero hindi ko pa din mahanap ang tamang salita na dapat kong sabihin sa kanya.

Wala talaga akong maikontra dahil ilang beses ko na ding hinayaang mangyari 'to. Kasalanan ko talaga.

"Alam mo ba kung ilang beses na 'kong pinatawag sa office dahil sa mga kalokohan niyo?" halatang galit siya sa tono ng pagsasalita niya, kasabay din nang halos pagsigaw niya ay ang paghampas niya ng kamay niya sa lamesa.

"Hind--" nang sasagot na sana ako, bigla siyang sumigaw ulit. Bastos 'to ah.

Buti pa si Teach.

"13 times." sigaw niya. "13 times since I was assigned to be your adviser." ulit niya, with emphasis sa number 13. Ha! Unlucky number. "And that was just 3 weeks ago!"

Ano ba yan.

Wag na nga lang akong makinig.

Paulit-ulit naman yung sinasabi niya eh.

Namiss ko tuloy si Teach.

Nasan na kaya siya?

Nang mapansin siguro ni Ma'am Terra na hindi na ako nakikinig sa kanya, naisipan niya na lang na tumigil na at palabasin na ako ng office niya. Pagkalabas na pagkalabas ko ng office, nakita ko agad sa gilid yung mga orangutan na nakadikit ang mga tenga sa pader.

Ha! Mga unggoy na 'to, hindi na talaga nagbago.

"Hoy mga gunggong! Tapos na ang play, tara na sa room bago pa tayo maabutan ni Terror(Terra) dito!" sigaw ko sa kanila sabay sigaw. Nginitian ko sila saka ako naglakad, sinabayan naman nila ako nang gawin ko 'to.

"Kamusta naman?" tanong ni Nathan.

"Galit na galit na siya." natatawang sabi ko.

"Pasensya na Pres." nakayukong sabi ni Chester.

"Oo nga Pres." sang ayon naman ni Josef

"Gusto lang naman talaga namin tumulong sa paghahanda ng graduation ceremony ng mga 4th year eh." si Jasper

"Pero tuwing lalapit kami, bigla na lang silang tatakbo." si Daichi

Nagpatuloy ako sa paglalakad, pero napahinto na din ako nang tumigil sila, mga nakayuko.

"Sinusubukan naman naming magbago Pres." humarap ako sa kanila na nasa likod ko at saka ko sila tinitigan ng mabuti.

Napangiti ako sa mga salita nilang yun. Ibang iba na talaga sila. "Kayo talaga." tumakbo ako papalapit sa kanila at ginulo ang mga buhok nila. "Mga batang 'to oh." napatingin silang lahat sa akin, gulat ang mga mukha. "Wag niyo na lang silang pansinin, gusto niyo bigyan ko na lang kayo ng tigitig-isang halik sa pisngi." pumikit ako sabay pacute.

Pero walang nagsalita.

Nang idilat ko ang mga mata ko, nakita ko ang mga hindi maipintng parang nandidiring mga larawan sa mukha ng mga bwiset kong kaklaseng oranggutan na nakatingin sakin.

"Kadiri ka talag Pres."

"Mahiya ka nga samin!"

"Buti na lang walang ibang taong nakarinig nun."

"Wag ka nang magjojoke ng ganun Pres. Muntik na kaming himatayin dito eh."

Tss. "Mga bwiset!"

"I wouldn't mind though." at nung sandaling yun, napatigil kaming lahat. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hanggang sa marinig ko ang paglapit niya sa akin. Biglang tumibok nang malakas yug puso ko, dagdag pa dun yung mukha kong namumula dahil sa mga pang-asar na ngiti ng mga orangutan dito.

Delinquent High [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon