|| SIXTEEN ||

17.7K 520 13
                                    

Happy New Year!

Para sa buong week ng School Festival—hindi muna kasali yung Sports Fest--- napagkasunduan namin na magTheater play na lang para sa dalawang huling araw namin, at sa five days na una, magca-café kami habang nakacostume ng mga role namin para sa play.

Haha!

Sino bang niloloko ko? Napagkasunduan?

Weh?

Nagbunutan lang naman kami eh, malay ko ba kung sinong ewan yung nagsulat ng PLAY. Hindi naman halata sa kahit kanino sa kanila na gusto nila nun eh.

Hindi pa namin napapag-isipan kung anong play ang gagawin namin pero ang bida namin ay si Daichi at Nathan. Syempre dadayain na lang namin yung ibang scenes niyan.

Ala eh, ayaw nila na ako, ang panget panget ko daw tapos mas maganda pa daw si Daichi sakin. At ayoko din nuh, pag naging bida ako, kakailanganin kong magsuot nung mga dress dress na yan, tapos lalagyan pa ng make-up.

Tigilan lang nila kung ayaw nilang maghalo ang balat sa tinalupan!

Hay! Kinikilabutan na ko, iniisip ko pa lang.

At ok na din yun, cute naman si Daichi kapag inayusan ehh, totoo namang mas mukha siyang babae sakin eh.

Sa sports naman:

(Syempre yung sinalihan lang nila ehh yung gusto nila)

Baseball –Favorite sport ko yan, umayaw lang ako dati dahil muntik ko nang hindi maigalaw yung kanang kamay ko dahil pinagtripan ako ng mga kalanban ko sa last school ko. Secret lang natin yun ah.

Basket ball – ok lang naman, naglaro ako dati niyan sa schoo, pero yung mga laro laro lang sa kalye. Minsan nagpapatulong sa practice yung varsity ng school namin. May mga nagrecruit din sakin pero tinanggihan ko kasi member na ako ng soft ball team naming nun.

Archery – Noon pa man, kinailangan ko nang matutunan ang Archery. Kasi yun ang pinakaiingatan ng mga ninuno naming. Para sa amin, ang Archery ay hindi lamang sport kungdi isang mahalagang aspeto ng buhay namin.

Yun ang sabi sa akin ni Papa.

Soccer – Ala, hindi din ako pwede diyan. Pangcheerleader na lang ako, pero ayaw din nila ako magcheerleader ehh, hindi daw bagay sakin yung damit ng cheerleader.

Yun nga, sila na bahala dun sa mga members na kasali sa team nila, sila yung players ehh. Bahala sila sa buhay nila.

"Ok guys!" napatigil sila sa pag-iingay. "Magpractice muna kayo ngayong araw, pag-iisipan ko muna yung gagawin nating play." Hindi naman ako magaling sa mga ganito kaya kakailanganin kong humingi ng tulong.

At san pa nga ba magandang humingi ng tulong kundi sa isang sikat na artista at Theater Actress na kakilala ko.

Nagulat ba kayo? Ok, wag niyo ng sagutin dahil alam ko namang hindi.

Pero Oo, meron akong kakilalang sikat na artista, ate siya ni Henry, minsan bumibisita siya samin para dalawin si Henry. Ang sweet nga ehh, dinadalhan pa niya kami ng pagkain. Para tuloy may fiesta samin tuwing pumupunta siya.

Gulat na gulat pa ako nung unang beses siyang pumunta sa amin kasi halos lahat ng palabas niya pinapanood ko. Idol ko yun eh! Nanghingi pa ako ng autograph niya at nagpapicture sa kanya.

Haha.

Nang makalabas na ako ng building naming, inilabas ko agad ang cellphone ko na niregalo lang sa akin nila Mino at tumawag sa kanya.

Delinquent High [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon