"His dad and my dad were business partners and bestfriends kaya naman parang ganun na din kami ni Ichi, we grew up together, we were a big happy family until------" napigil ang pagsasalita ni Josef, nag-iba ang mukha niya at bigla na lang siyang yumuko.
Nacurious ako lalo sa kung anong nangyari. Pero nararamdamaman ko na isang bad memory ito kaya naman iniba ko ang topic.
Ayaw kong malungkot siya, lahat naman sila ehh, kaya sila ganun umasta dahil may kulang sa buhay nila. Kahit na tinatawag nila kong tomboy, panget, pandak. Ok lang, basta dapat lahat masaya.
Lumapit ako kay Josef at niyakap ko siya na parang Mommy na niyayakap ang anak niyang umiiyak, hinimas himas ko ang likod niya. "Hindi ko pa nagagawa 'to sa iba dahil hindi ko alam kung paano, dahil lumaki ako na wala ang Mama ko. Pero kahit na ganun, masaya pa rin ako dahil nandyan sina Papa at ang mga bago kong kaibigan." Tinanggal ko ang pagkakayakap ko at tumingin sa mga mata ni Josef. "Mga Panget na orangutan na kahit na sinasabihan akong panget at pandak, mga kaklase kong inuunawa at inaalagaan ko."
Nag-iba ang tingin ni Josef, nagtataka siya. "Pres, ang ikli lang nung sinabi ko, ang haba na nung nireply mo." Pinunasan niya ang kaninang luha na tumutulo sa mata niya at tumawa. Napatawa na din ako, pero natigil ito nang may magsalita.
"Ikaw nanaman? I already made it clear na hindi na papasok ang anak ko so leave!" napatingin kami sa loob ng gate, nakatayo sa malayo ang mama ni Daichi
"Wait tita!" napatigil yung Mama ni Daichi nang magsalita si Josef. "Atleast hear me out."
Hindi humarap samin ang Mama ni Daichi at umalis na, pero sinenyasan niya yung guard na papasukin kami kaya naman pagbukas ng gate ay sinundan namin siya kung saan man siya pupunta.
"Speak." Sabi niya nang makaupo na kaming tatlo sa sofa. Nagkatinginan kami ni Josef, una siyang nagsalita.
"Tita,papasukin niyo na po si Daichi."
"Why?" binuksan niya yung pamaypay niya na hawak niya kanina pa, yung parang maldita na mga kontrabida, ganun yung ginawa niya. "Para masira ang kinabukasan niya?" sarkastikong sabi niya.
"Tita please, can't you see? Daichi loves going to school. Minsan ko lang siyang makitang mag-enjoy ever since that accident happened."
Nagalit ang Mama ni Daichi, sinara niya ang hawak hawak niyang pamaypay at binambo ito sa lamesa kasabay ng pagtayo niya.
"Enjoy? Are you kidding me? Sa paningin ko, pakikipag-away lang ang pinaggagagawa ninyo. Wag niyong idamay ang anak ko sa kalokohan niyo! Lagi na lang, tuwing uuwi si Daichi, may makikita akong pasa sa braso niya, minsan sa mukha pa niya. HE is a public figure! Pag nahuli siya ng camera na ganun, his career is as good as dead. And so is mine! Kaya please get out." Nagsisulputan ang mga lalaking nakasuot ng suit at hinawakan kami sa braso, saka kami sinubukang kaladkarin sa labas. Wala na akong nagawa, tumayo na ako sa kinauupuan ko, pero si Josef hindi.
Nagulat na lang ako sa sumunod na ginawa niya.
Lumuhod si Josef sa harapan nang Mama ni Daichi. "Sige na po tita! Payagan niyo na po si Daichi!"
"Sorry Josef," saka siya tumalikod. "I used to treat you like a son of my own too, but that was all in the past. You've changed, pero hindi ko hahayaang isama mo si Daichi. I'll give you some advice before you leave. Iwan mo na yang kabarkada mo, wala silang patutunguhan." Saka siya at naglakad pabalik sa isang kwarto. Pero bago niya pa mabuksan ang pinto---
Nablanko ang utak ko at hindi ko namalayan na naitulak ko na papalayo yung mga lalaking nakahawak sa braso ko kanina.
"Tama na." hindi na ako nakapagpigil. "Mawalang galang lang ho! Pero noon pa po ako nagtitimpi, hindi tama na manghusga kayo ng ibang tao, hindi niyo po kilala sila. Sure, mahilig silang makipag-away pero sa tingin ko may malalim na dahilan para dun. At wag niyo pong sabihin na wala silang kwenta, dahil hindi niyo po sila nalalapitan para malaman kung gaano sila kahalaga. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong isipin, pero unti-unting nagbabago ang pananaw ko sa kanila. At si Daichi, ni minsan po ba tinanong niyo kung ano talaga ang gusto niya? Public figure? Hindi ko man alam kung ano siya pero clearly, ang iniisip niyo po ay ang sarili niyong career."

BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
AksiWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.