Riza's POV
"You are an idiot Mihael!" nanggagalaiting sabi ni Rian kay Mino na nakangisi pa.
May tiwala ako sayo Mino.
"So I've been told." tumawa siya,yung may pagkasarkastiko na nang-aasar na kung sakin mo ginawa ay baka hampasin kita ng martilyo, buti napigilan pa ni Rian gawin yun. "I need your answer." saad niya with authority.
Nagtitigan lang sila, pero di nagtagal ay umiwas din si Rian. "Tsk! You know my answer." saka siya tumingin ulit kay Mino, pero nagulat ako.
Nagulat ako nang bigla na lang may tumutulong luha sa mga mata ni Rian. "Alam mong hindi ko kayang pabayaan ang ADMIRE. Alam mong kahinaan ko yun. Alam mong wala akong magagawa pag dinamay mo na ang kompanya namin." umiiyak si Rian."I hate you."
Nagulat na ako nung umiyak siya, pero hindi ko na alam kung namamalikmata lang na ako o may sira na talaga ang mata ko nang makita ko siyang mapaluhod sa sahig. Hindi naman siguro lumuhod ng sadya, baka nanghina lang, pero---
Hindi ako makapaniwala.
"I hate you."
"Somehow, I knew that already." tiningnan ko si Mino, alam kong may iba sa tingin niya kay Rian. Kaya naman bumitaw ako sa pagkakahawak ni Chris sa akin at lumapit kay Mino.
"Trust me." bulong ko kay Chris bago ako pumunta kay Mino. Nang nasa likod na ako ni Mino, hinawakan ko ang balikat niya at tiningnan ng seryoso.
Tumango siya, alam na niya ang ibig sabihin ng tingin ko na yun. Saka siya tumingin sa paligid at tumingin sakin. Alam ko naman na ang gagawin ko nun. Tumango ako sa kanya. "But she's just a friend Chief, itigil mo yang iniisip mo."
Tumawa ako, Sus! Maniwala ako sayo. "May isang minuto kayong lahat para makaalis dito, pag hindi pa kayo umalis, bubugbugin namin kayong lahat!" sigaw ko sa lahat ng taong nasa loob.
Ayaw pa nilang maniwala nung una kaya sumigaw ako na sasapakin ko ang kahit sinong mahawakan ko ay nagsilayasan agad sila.
Naiwan ang mag-aamang Salazar at tinawanan muna ako bago umalis. Si Chris naman ay tiningnan lang ako at saka lumayas nang hindi man lang ako hinihintay.
"Christopher! Hintayin mo ko!" sigaw ko, kasabay ang pagtakbo palabas, pero bago yun, tiningnan ko muna si Mino at sinabing "Kaya mo yan Mino!" at saka ako ngumiti, ganun din ang ginawa niya.
"May future 'to." bulong ko sa sarili ko saka ako natawa.
Nang tuluyan na akong makalabas, hinabol ko agad si Chris na naglalakad na palabas mg gate.
Sinundan ko lang siya kahit na hindi ko alam ang pupuntahan niya. Basta ang gusto ko lang ay makasama siya.
Matagal tagal na din kaming naglalakad ni Chris at kanina pa din niya ako hindi pinapansin. Tuwing madidikit naman ako ng konti sa kanya, sasamaan niya ako ng tingin at saka ako iirapan.
Bakla ata 'to eh.
Ano ba problema nito?
Simula na lang nung lumabas kami galing sa office kanina, bigla na lang syang naging ganito, ayaw ako kausapin.
"Chris." hindi siya sumagot. "Hindi ka ba masaya na ayos na ang lahat?" tiningnan ko siya, hindi man lang sya umiimik o tumitingin sakin, binilisan pa nya yung lakad nya.
Meron nanaman yata si Chris eh.
"Chris!" huminto ako pero siya hindi. Naiinis na ako. "Ano bang problema mo? Bakit hindi mo ako kinakausap? Nagmumukha nanamam akong tanga dito eh." sigaw ko kanya, pero hindi man lang sya tumigil.
BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
AcciónWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.