Nung sumunod na araw, umattend na si Chris sa practice. Pero dahil hindi siya kasali, nanood lang siya, minsan nakadukdok lang sa tabi, minsan naman nagbabasa ng libro.
Ganun din ang nangyari sa mga sumunod na araw. Practice, Practice, Practice. Hanggang sa matapos na namin yung play. At kahit na nag-aalangan si Sherry sa pag-acting namin ni Daichi, napapansin naman niya na nag-iimprove kami bawat araw na dumadaan.
Hinati namin ang oras ng practice sa Play at sa sports fest. Pero syempre, kahit na ayaw nila, pinilit ko silang pumasok muna at mag-aral bago kami magsimulang magpractice.
Nagprapractice lang kami ng buong araw tuwing wala yung mga teachers namin.
Syempre naman, bakit pa sila pumapasok kung hindi naman pala sila mag-aaral diba?
Pero ayos naman ang nangyari, sumunod naman sila. May secret weapon kasi ako eh.
"Pagka-pumasok kayo, bibigyan ko kayo nang isang halik sa pisngi." Sabi ko habang nakahawak sa bewang ko at nakangiti.
"Eww! Wag Pres!" sigaw nung iba.
"Ayaw mo yata talaga kaming pumasok eh!"
"Kadiri ka talaga Pres!"
Mga bwiset kayo! Katagal-tagal na nating magkakasama ginaganyan niyo pa din ako. Ingungudngod ko yang panget niyong pagmumuka sa sahig ehh.
"Sige na! Ililibre ko na lang kayo." Napasigaw naman sila dun, at yun na nga ang dahilan kung bakit sila nag-aaral.
Sa bilis lumipas ng oras, hindi namin namalayan na dumating na pala ang Sports Fest. Nagkaroon ng opening ang school. Nagperform ang iba't-ibang clubs ng school para sa ceremony.
Five days ang Sports Fest namin na open sa mga bisita. Nung nakaraang linggo naglaban laban ang mga teams ng iba't ibang class para mapili kung sinu-sino ang mga masasali sa official games na mapapanood ng mga tagalabas.
Monday to Friday ang official games.
At sa kasunod na dalawang araw - Sabado at Linggo - ay ang araw na nakalaan para sa pagse-set ng mga classrooms at kung ano man ang plano nila para sa School Festival.
Sa unang araw ng Sports Fest, nagkaroon ng game ang basketball at soccer team namin----pinanalo naman nila lahat nung game, tambak pa kamo.
Sa second day, may baseball at basketball.
Sa third day, may Soccer at Archery, kami yun ni Daichi. Isang araw lang ang tinagal nung game namin.
"Whooh! Go Pres!" yan nga pala ang mga gunggong kong kaklase na pumunta para suportahan ako. Sobrang ingay nila, naiinis na nga yung ibang nanonood ehh, magkateam kami ni Daichi kaya naman nanalo kami ng Gold. Ang galing talaga ni Daichi.
Sa fourth day ang Baseball, Basketball at Soccer, pero hindi naman magkakasabay kaya nakapunta pa din yung mga players sa laro ni Christopher.
Sa last day ng Sports Fest yung Finals, sabay ginanap yung laban ng Basketball at Soccer kaya naman naghiwalay kaming dalawa ni Daichi, nanood siya ng Soccer at ako naman ay yung Basketball.
Natapos ang game nang hindi ko man lang namalayan, nakanganga at gulat na gulat.
Paano?
Natalo sila Chester. Bakit? Sa mga nakaraang game nila laging tambak yung kalaban sa kanila kaya bakit?
"Alam mo na ba? Lahat ng mga huling nakalaban ng 4-A wala man lang nakaabot kahit sa kalahati ng score nila?"
"Oh? Ang galing ah."
"Oo, balita ko, ganun din yung nangyari sa lahat ng games na sinalihan nila ehh, ngayon lang may nareceive akong text na kakapanalo lang nila ng Tennis match, Soccer match at Badminton match."
BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
ActionWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.