|| TWENTY SIX ||

14.2K 482 18
                                    

Napatingin ako kay Sherry.

Continue

Ha? Teka, pano gagawin ko dito?

Ibinalik ko ang tingin ko sa grupo ng lalaking nakatayo sa pinto ng lugar kung saan kami nagpeperform.

"Sino kayo at ano ang kailangan niyo dito." sigaw ko, rinig na rinig sa buong gym ang boses ko na dinirekta ko sa likod.

Lumakad papalapit ang grupo ng mga lalaki papunta sa harap ng stage, napatingin ang mga tao sa kanila. Narinig ko ang mga bulungan ng mga manonood na nagtataka kung bakit ganito ang nangyayari, habang ang iba naman, dalang-dala sa performance at tuwang tuwa sa nakikita nila.

"Ikaw!" tinuro ako nung pangit na lalaking mukhang leader nila. Ikaw ang pinunta namin dito, Demon Prin----" naputol ang pagsasalita nung lalaki nang biglang nagsimulang maglakad ng dahan-dahan papunta sa kanya si Chris.

Walang ibang tunog na maririnig sa buong paligid kungdi ang mga yapak ni Christopher habang papalapit siya sa grupo ng mga lalaking nagtangkang manira ng palabas namin.

Nakatingin lang sila kay Chris, kitang-kita sa mukha nila ang takot. Sa leader naman nila, yabang. Tumawa siya sa harapan ni Christopher. "Hindi ako natatakot sayo."

Huminto si Christopher sa harap niya, ilang pulgada lang ang layo sa unggoy. 

"Tsk.Tsk.Tsk." umiling si Chris, humakbang siya paatras ng konti, saka siya ngumisi. Pagkatapos ay bigla niyang inatras ang kanang paa niya at binigyan ng isang turning long kick yung boss ng mga unggoy.

Nagsigawan ang mga manonood.

Sweet.

Sapol sa mukha. 

Nagulat kaming lahat sa ginawa niyang yun, nakatulala lang kami at nakangangang nakatingin sa kanya. 

Yung leader naman ng mga unggoy, wala ng malay at nakabulagta na sa sahig.

"B-Boss!" sigaw nung mga alipores nung lalaking panget. "A-anong ginawa mo sa boss namin!" sigaw nung isa kay Christopher. Hinawakan nila ang dugo sa mukha nung lalaki, "Wag kang mag-alala Boss, ipaghihiganti ka namin!"

Tumayo silang lahat at sabay sabay na sumugod kay Christopher. "Ahhh!" sigaw nung naunang sumugod. Sinuntok niya si Christopher pero pinigilan niya ito ng kanang kamay, sunod na ginawa niya ay pinalipit niya ito, tapos binitawan niya ang kamay at sinuntok sa mukha.

"Shit! Nagkagulo na." sunod na sumugod si Jasper.

Sumunod na din sila Nathan, Chester, Josef at Daichi.

Napayuko na lang ako, napayuko sa galit. Hindi nagtagal, pumasok na din sa eksena yung mga orangutan. Mas lalo akong nagalit.

Sinisira nila ang play! Sobrang dami ng kalaban, pero hindi nila matalo talo yung anim kahit na ang dami –dami nilang sumusugod.

Ano bang ginagawa nila? Mag-aaway na nga lang sila, sa harap pa ng madaming tao. Naiinis ako. Sobrang naiinis ako. "Humanda ka Demon Princess!" itinaas ko ang ulo ko, pagtingin ko sa harap ko, may isang lalaking sumusugod sakin na may hawak na kutsilyo.

"Pres!" sigaw nung mga gunggong. Kutsilyo? Ha! Niloloko mo ba ko? Sa tingin niyo ba, gagana sakin yang kutsilyo niyo na yan? Minamaliit niyo ba ko?

"Lagot ka na!!!!---------" napahinto siya, napahinto ang lalaking sumugod sakin, ang dahilan, pinigilan ko ang kutsilyo niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kutsilyo niya hanggang sa magdugo ang kamay ko, pinilit niyang kunin ito pero hindi ko pa rin binitawan. Tinanggal ko ang kamay ko sa kutsilyo pero hinawakan ko ang pulso niya gamit ang dumudugong kamay ko.

Delinquent High [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon