Nakakainis talaga.
Bwiset kayo! Eh kung lumalaban naman kasi kayo ng patas, hindi ko naman kayo pipigilan kanina ahh. Isa lang sa loko-lokong kambal na yun ang naglagay saken nito, sila lang naman ang nakahawak sa likod ko kanina ehh.
"Unggoy pa kamo!" tinuro ko yung kambal. "Ehh kung sinasapak ko kaya kayong dalawa ng wala na kayong masabi ha! Mas mukha pa kayong unggoy kesa sa-----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng maramdaman ko ulit na nakatitig sakin ng hindi ko malamang ekspresyon ang orangutan na 'to. "sa----sa----Sabi ko ang cute cute mo Chester o Jasper. Ansarap pisilin ng pisngi mo ohh! Cuuute! Haha" pinisil pisil ko pa yung pisngi niya at syempre nagpacute din ako para hindi mahalata na nais ko nang ingudngod yung pagmumukha niya sa blackboard kanina.
"Yuck! Kadiri! Bitawan mo nga ako Pres!" grabe naman, kung makalayo parang hindi ako naligo ah.
"WHOOOOH!Hindi naligo si Pres!"
"Ano? Ako? Hindi naligo? Eh kung gusto mo kayan ikiskis ko sa pader yang pagmumukha mo ng hindi ka na makangawa!" sana ang gusto kong sabihin, pero nagtimpi na lang ako kahit mahirap. Pero Pramis! Pag ako, napuno. Mata lang nila ang walang latay!
"Enough!" sigaw ni Nathan, napatingin ako sa kanya at ganun din siya sakin. Pero ilang segundo lang ay iniwas niya ang tingin niya at bumalik ng tingin sa papel na hawak hawak niya. "Tuloy na natin ang pagpapakilala.!"
Class Officers:
President : Riza Alvarez
Vice President: Christopher Salazar, the leader.
"Huwag niyong sasabihin na kami ang nagnominate sa kanya ahh!" sigaw nung kambal.
Secretary: Nathan Fernandez
Treasurer: Josef Kyron Castro, Wala siya ngayon dito.
Srgt.at arms : Chesper and Jasper Villafuerte,
Fundraising Officers: Bobby Gomez and Benedict Ishan Cruz
Escort: Daichi Kimimaru
"We have a bit of a problem here." Bulong ni Nathan, pero medyo malakas pa rin kaya narinig naming.
"Ano yun Nathan?" tanong ng isa sa kambal.
"Anong problema?" yung isa naman.
"Muse." sagot ni Nathan habang nakatingin pa din sa papel niya at halatang nag-iisip.
"Oo nga, walang babae sa room natin."
Excuse me?
"Wag na lang kaya tayo mag-muse?" suggest nung isa sa kambal.
"Oo wag na lang siguro."
Medyo nakakairita na ah. Kung magsalita sila parang hindi ko naririnig ah. Mga bwiset 'to.
"Ano bang tingin niyo sakin?" tinitigan ako nung tatlo, yung parang nagtataka pa. "Hindi ba ako---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang may nagsalita sa may direksyon ng ibang kaklase namin.
"Daichi? Bakit?" tanong ng katabi niyang lalaki.
"Our muse----" tiningnan niya yung tatlo sa harap ng ilang Segundo saka tumingin sakin at tinuro ako. "will be her."
Nagulat ako sa sinabi niya. Nakanganga silang lahat sa hindi malamang dahilan. Nakatitig lang ako sa kanya, hanggan sa umupo na siya at dumukdok.
Ano bang nangyari?
Nagtagal ang katahimikan, nakanganga pa din sila, hanggang sa magsalita si Nathan. "Ok, might as well do that." Nagsulat si Nathan sa papel, napatingin naman yung kambal sa sinusulat niya.
BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
AcciónWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.