|| FOURTEEN ||

16.7K 546 24
                                    

Sasaya siguro ako kung binuhat na lang ako ni Christopher kung saan man kami pupunta ngayon. Pero hindi ehh, kanina pa kaya ako tumatakbo nuh, ang hirap naman ng ganito. Yung kakaladkadin ka papunta sa lugar na hindi mo naman alam kung saan.

"Nandito na tayo." Sa wakas, huminto na din kami, saan ba ito?

Inangat niya ang kanang kamay niya, sinundan ko naman ito ng tingin, napahinto ako nang makita ko kung saang direksyon huminto ang kamay niya.

Unti-unting namuo ang ngiti sa labi ko.

"Nandito lang pala kayo eh." Nakita ko sila Jasper at Chester, magkatabing nakaupo at umiiyak, pero hindi naman yung halos maghalumpasay na sa lupa sa sobrang lungkot. Mahina lang, pero halatang malungkot sila.

Tumingin ako kay Leader, tumingin siya sa akin at tumango. Senyas na gawin ko na and dapat kong gawin. Tumango lang din ako bilang sang-ayon sa kanya.

"Kaya ko to." at yun na nga, umalis na ako sa tabi ni Chris at naglakad papunta sa kambal, nag-ingat ako para hindi nila ako mapansin.

Sa pagkakaalala ko nabanggit ni Tita na lagi silang kinakantahan ni Elena kapag nalulungkot sila.

Nako nako! Maswerte kayong dalawa, maririnig niyo na ang babaeng may pinakamagandang boses sa balat ng lupa.

Naglakad ako, dahan-dahan lang, hinanda ko ang sarili ko sa pagkantang gagawin ko, sana maramdaman nila na nandito lang ako---hindi pala,

Sana maramdaman nila na nandito lang KAMI, kaming mga kaibigan nila para sa kanila.

Alam ko na hindi ko matutumbasan si Elena, hindi ko kayang gawin ang lahat ng ginagawa ni Elena para sa kanilang dalawa, dahil ako si Riza.

Si Elena ay si Elena.

Si Riza ay si Riza.

Kaya sa pagkakataong ito, gagawin ko ang makakaya ko para matulungan ko silang dalawa.

At ang kantang kakantahin ko para sa kanila ay manggagaling sa puso ko.

Lagi naming 'tong kinakanta, mula nung dalawa pa lang sila Papa at Mama, hanggang sa nabuhay ako, maging kaming dalawa na lang ni Papa, at dumagdag yung tatlong unggoy na sila Mino, Jason at Henry.

Nagsimula ako sa first verse

It has been so long since we have talked
I hope that things are still the same
Hoping they will never change
Cause what we had can't be replaced
Don't let our memories fade away
Keep me in your heart for always

Natigil sa pag-iyak yung dalawa.

Nagulat yung dalawa habang naglalakad ako papunta sa kanila habang kumakanta, napatingin sila, muntik pa akong matawa nun ehh, panu yung pagmumuka nila hindi mo maipinta. Sobrang pula nung mga mata nila.

You made me believe
That I can do almost anything
Stood right by me
Through the tears through everything

Tinuloy ko ang kanta, nakatayo na ako ngayon sa gilid nilang dalawa.

I'll remember you,
And baby that's forever true
You're the one that I'll always miss
Never thought it would feel like this
I'll be there for you,
No matter what you're goin' through
In my heart you'll always be, forever baby
I'll remember you.

Tinapos ko ang solo concert ko sa chorus ng kanta, hindi mapigil ang luha ng dalawa.

Kanina, iyak lang---ngayon, hagulgol na.

Delinquent High [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon