"Pres!" nagulat ako ng bigla akong salubungin ng isang mahigpit na yakap ng mga gunggong pagpasok na pagpasok ko ng room. "Bakit di ka pumasok kahapon?" sigaw ni Josef sa tenga ko, dahilan para bigla kong takpan ito ng kamay ko at ilayo ang mukha ko sa kanya.
"May sakit ako Josef." pagdadahilan ko, kasabay nun ang pag-acting ko ng medyo matamlay para di naman halatang nagsisinungaling lang ako.
"Talagaba?"
"Weh?"
"Dinga?"
"Tinatablan ka pala nun, kala ko takot sayo yung virus."
Sige, maswerte ka kung sino man yung nagsalita na yun sa bandang likod dahil di ko alam kung sino ka, kungdi kanina ka pa nakalambitin sa bintana.
"Miss ka na namin Pres." si Chester.
Awwwang sweet.
"Oo nga, walang panget na nag-uutos samin." panira naman oh.
"Ayos ka na ba?" tanong ni Daichi, sabay salat sa noo at leeg ko.
"Mm, ako pa! Walang sakit ang makakapigil sakin!" naman ang sagot ko sabay ngiti, saka lakad ko papunta sa upuan ko.
Sa tabi ng upuan ko, nandun na nakaupo si Zion. Pagkaupo ko ay tinanong niya agad ako kung anong problema. Hindi niya siguro alam yung ginawa ni Rian.
Speaking of. Bakit naman kaya wala siya dito ngayon?
Pero bakit ba tinatanong ko. Mas ok nga yun eh, para makabonding ko man lang yung mga gunggong sa huling araw ko dito.
Tama, huling araw ko na dito. Aalis na ako bukas ng umaga kaya naman pag-uwi ko kahapon galing sa park, andami kong iniyak. Kaya medyo masama din ang pakiramdam ko ngayon, pero syempre hindi naman nila pwedeng malaman yun kaya dapat hindi ko ipakita na may problema.
"Pres, may game kami mamaya, inaya kaming magpractice match nila Xeron at Ivan, hindi naman kami tatanggi dun kasi baka sabihin pa nun di namin sila kayang talunin kaya ayaw namin, kaya naman pumayag na kami." nagkumpulan ulit sila sa paligid ko saka nabanggit ni Jasper yun.
Tiningnannila ako na parang may gusto pa silangipahiwatig. "Pwede akong sumali?" pumorma ang isang ngiti sa mukha ko.
"You can play if you want." si Nathan naman. "You can bring your boyfriend along of course." tiningnan niya si Zion, sakasiyangumiti at tiningnansi Chris saglit bago bumalik ngtinginsamin.
Sinilip ko si Chris na nasa bandang kaliwa ko, medyo malayo nga lang at natatakpan kasi nakaupo ako at nagkukumpulan sila sa paligid ko; nakapikit lang at nakahawak sa isang baseball.
Tiningnan ko si Zion. "Gusto mo ba?" tanong ko, pero parang nagdadalawang isip pa yung mukha niya.
"I can't. My sister is sick, I have to take care of her." nanghihinayang yung mga mata niya pero naiintindihan ko naman. Ang hindi ko lang naiintindihan ay yung nagkasakit si Rian, di ako makapaniwala. "Maybe next time."
Napayukoako. "Pero wala nang next time." mahinang sabi ko sa sarili ko, dahilan para magtanong sila kung ano yung sinabi ko. "Wala, sabi ko ang gwapo niyong lahat."
Automatic namannangumitiangmaloko at nagyabang.
"Haha, Pres naman."
"Ngayon mo lang nalaman?"
"Ikaw talaga Pres, maliit na bagay."
"Alamko Pres."
"Gusto mo pa yata ng autograph eh."
Anghangingrabe. Dapat pala hindi na ko nagjoke, naniniwala eh.
Hindi nagtagal ay natigil na din ang daldalan naming lahat at ang kayabangan nila ng biglang dumating si Teach, pero bigla silang nagparty party ng sabihin ni Teach ang mga salitang "No classes today."
BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
БоевикWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.