"Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ni Zion nang makita niya ang lalaking walang malay sa lapag. Tumakbo siya palapit sakin. "Ayos ka lang ba?" Pero nagulat siya nang makita niya ang picture na hawak hawak ko.
Nakayuko lang ako, hindi ako sumasagot.
"What happened?" Tiningnan ko siya sa mata, halata ang pag-aalala sa mukha niya at nakuha ng atensyon niya ang hawak hawak kong litrato nang bigla ko itong lukutin. Pagkatapos ay kinuha niya ito mula sa akin. "San monakuha 'to?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya.
"Wag mo na akong sabayan, aalis ako mag-isa." Sabi ko kay Zion, napatingin siya sakin ng magsalita ako. Halata ding napansin niya na galit ako.
Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko, saka niya ibinaba ang mukha niya sa lebel ko. "Calm down."
"Calm down?" Muntik na akong maghalumpasay sa tawa sa narinig ko na yun. "Hindi mo kasi sila kilala kaya kaya mong sabihin yan."
"No I don't. Pero you have to compose yourself." Mahina niyang sabi.
Nainis ako bigla, inalis ko ang kamay niya sa ulo ko at saka ako naglakad paalayo, napahinto lang ako ng bigla siyang magsalita. "Paano?!" Galit na sigaw ko. "Kaibigankosila! Hindi ako pwedeng maglaro lang dito habang alam kong nasa panganib ang buhay nila!"
Hindi ko alam, bigla na lang tumulo ang luha ko. Naiisip ko pa lang ang mga kaibigan ko, hindi ko na napipigilan ang pag-iyak.
Hindi naman kailangan mangyari 'to eh. "Dahil sakin." Pahinto hintong sabi ko sa pagitan ng mga iyak ko. "Dahil-sakin-kaya-sila-------" napatigil ako.
Napatigil ako dahil bigla niya akong niyakap. "Shh. Don't cry. Everything's going to be fine." Hinimas niya ang ulo ko.
Hindi ko nahanap ang lakas para pumiglas.
Sa sobrang dami ng nangyayari, ang kailangan ko na lang ngayon ay isang taong magpapagaan ng loob ko.
"Zion."
"Hmm?"
"Salamat." Ilang minuto siguro kaming nakatayo doon at walang nagsasalita. Tahimik.
Ganito sana ang buhay na iniisip ko kasama si Christopher.
Pero hind pwede.
"Pres!" Nagulat kaming dalawa ni Zion nang biglang may tumawag sakin. Automatic naman na napalayo ako sa pagkakayakap naming dalawa at napatingin sa direksyon kung san nanggaling ang boses.
"Kayo pala, kala ko umuwi na kayo." Bigla akong niyakap nila Daichi saka ako ininspeksyon na parang may sakit.
"Ayos ka lang ba Pres?" binaling niya ang tingin niya kay Zion na parang binabantaan ito at bumalik ulit sa akin. "May ginawa bang masama 'tong lalaking 'to sayo?" Nag-aalalangtanongni Chester.
Napakamot ako ng ulo. "Haha, wala naman. Ayos lang ako." Sagot ko. Overprotective masyado, daig pa si Papa eh.
Pero dahil sa sinabi ko na yun, mas lalo pa nilang tiningnan ng masama si Zion.
"Zy!" Ok na sana ang lahat kung hindi lang nagsalita si Rian. "What the f-ck are you doing here?" Lumapit siya samin, kasamasi Christopher. Napatingin ako sa kanya pero iniwas lang niya ang tingin niya.
"I told you, binabantayan ko ang girlfriend ko." Saka niya ako hinatak palapit sa kanya at inakbayan ako. Dahilan para mapatinginsi Chris samin, at syempre yungmasama.
Pumiglas siya sa pagkakahawak ni Rian at naglakad papalapit samin. Huminto siya sa harap namin at tinitigan ako saglit bago tumingin kay Zion.
"Teka, Pres umiyak ka ba?" Biglang tanong ni Josef, dahilan para mapatingin kami sa kanya. "Bakit namumula yung mata mo?"
BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
ActionWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.