Dalawang araw akong hindi nakapasok sa school dahil nagkasakit ako pagkatapos nung pangyayaring yun.
Hindi din naman nakakatulong sa pag-galing ko yung eraser ng blackboard na nakaipit sa pinto ng classroom at kapag binuksan ito ay mahuhulog sa ulo mo na may kasama pang chalk.
Kung wala lang siguro akong sakit eh nagwala na ako dito sa classroom na 'to. Yung kambal nanaman ang may pakana nito, sigurado ko.
Tinitigan ko ang pagmumukha ng mga bwiset kong kaklase na nakatingin lang din sakin at sako ko pinagpag sa ulo ko ang chalk na naiwan pagkatapos ay saka ako nagpatuloy sa paglalakad papunta sa harap sa desk ng teacher.
"Oy Pres! Bakit ka absent kahapon at nung isang araw?" tanong nung isa sa kambal.
"Nagkasakit ako." Seryosong sagot ko.
"Wow Pres! Tinatablan ka pala ng sakit?" sabi nung isa pang kambal. Nais ko na sana siyang ingudngod sa pader kungdi lang nanghihina ng konti yung katawan ko ehh. Hindi pa din kasi nawawala ng tuluyan yung sakit ko.
"Kinausap ako ni Teach kanina, malelate daw siya kaya kukuhanin ko muna ang attendance." Sunod na nakuha ko ang mga sigawan at batuhan ng papel.
Pero dahil wala akong ganang makipag-away sa kanila, nagsimula ko nang kunin ang attendance.
"Abalos, Jeremy" walang sumagot kaya naman napilitan akong sumigaw kahit na hindi ko kaya. "Abalos, Jeremy." Napatigil ang lahat.
"Present." Napatingin ako dun sa lalaking sumagot, nginitian ko siya pero bigla siyang nandiri.
Bwiset, ayaw pang pagbigyan, kitang may sakit nga eh.
"Alcantara, Marc Daniel."
"Present."
Alvarez, Riza. Present
"Azurin, Lester "
"Present."
"Buencamino, Justin Oriel"
"May sakit po! Absent ngayon." Sigaw ng isang lalaki na hindi ko pa alam ang pangalan.
Absent.
"Cruz, Benedict Ishan."
"Present." Sagot nung lalaking nagsalita kanina.
Patuloy lang ako sa pagcheck ng attendance, napansin ko na kaunti lang ang absent habang tinitingnan ko.
Ang gaganda pa ng pangalan nila.
Ako naman Riza. Plain Riza. Pero okay lang, hindi mahirap isulat.
Haha.
"Salazar, Christopher" napatigil ako dahil walang nagsalita. "Nasaan si Christopher?" wala pa ring sumagot, lahat sila nakatingin lang sa akin. "Daichi" tinawag ko si Daichi na nakadukdok sa lamesa sa gilid.
"Wag mong gisingin yan Pres! Magagalit yan! Nung ginising ko siya dati muntik na niya kong ma-ospital ehh, si Chris lang ang sinu----" naputol ang pagdadaldal ni Jasper o Chester nung biglang itinaas ni Daichi ang ulo niya at nagsalita.
"Bakit?"
Tiningnan ko yung kambal. "Talaga lang?" at nangiti ako. Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Daichi. "Nasan si Christopher?"
Tumingin siya saglit sa orasan niya saka siya nagsalita. "Naglalakad na siya ngayon papunta dito at nasa 2nd floor at saktong 6:59 bubukas na ang pinto at papasok na siya dito sa room."
"Paano mo naman nasabi Ichi?" tanong ng isa sa kambal. "Oo nga, manghuhula ka ba?" dagdag pa nung isa.
"Hindi niyo ba napapansin? Hindi nalelate si Chris, lagi siyang saktong 6:59 pumapasok."
BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
ActionWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.