Ang sakit! Parang nahuhulog yata ako ah!
"Chief! Ano pong nangyari?"
Nang idilat ko ang mga mata ko, nakita ko sa harapan ko sila Mino, natatarantang nakatitig sa akin, at ako naman, nakabulagta na sa lapag.
Nahulog pala talaga ako.
Panaginip?
Bangungot kamo.
Napabuntong hininga na lang ako. "Buti na lang panaginip. Akala ko totoo, jusme pag nagkatotoo yung baka hindi ko kayanin at tumalon ako mula sa bubong."
"Ano po yun?" tanong ni Mino.
"Ah wala lang."
Imagine, si Christopher Salazar at ako? Naghaha---li--? Yuck! Hindi ko nga makuhang sabihin eh!
"Ok lang kayo?" tinulungan ako ni Mino para tumayo pero kaya ko naman mag-isa.
Hanggang sa kumakain na kami pero ang pumapasok pa din sa isip ko ay yung bangungot ko kanina.
Habang naliligo, nagbibihis, naglalakad papuntang school, yun pa rin ang nasa isip ko. Bakit ba ayaw maalis sa isip ko nung bwisit na halik na yan?
Riza! Umayos ka!
"Ahhh! Nakakainis! Hindi ako nakakuha ng tickets para sa concert ng Infinite! Kasama pa naman nila si IU! Nakakainis!" narinig kong sabi ng isang schoolmate ko sa mga kasama niya habang naglalakad ako sa hallway.
Nakakainis? Nakakainis? Kainis? Kiss?
"Oo nga, napakabilis naman kasing maubos ehh!"
Napakabilis? Bilis? Kiss?
"Ahhhh! Putek! Kadiri naman oh!" Ahh! Kung anu-ano na ang iniisip ko, badtrip!
"Hoy! Manahimik ka nga! Wala tayo sa bundok" napatigil ako nanag marinig ko ang isang pamilyar na boses galling sa likod.
At dumating na nga sila.
"Christopher." Harap ko sa kanila.
"Yo Pres!" sabay na sigaw nung kambal.
Pero hindi nawala ang tingin ko kay Christopher.
Nakangisi lang siya, kasunod nun ay naglakad na sila at nilagpasan ako, pero hindi nawala sa akin na hindi mapansin yung mga tao sa paligid. Nakahinto sila habang tinitingnan ng masama si Chris at ang mga kasama niya.
"Ayan na sila."
"Ang hilig talagang gumawa ng gulo."
"May itsura nga, basagulero naman."
"Hindi na natuto, dapat ma-expell na yang mga yan dito."
"Mga basura ng school."
"Kung hindi lang siya anak ng----" napatigil yung isang babaeng nagsasalita nang makita niyang nakatingin ako ng masama sa kanya. Napandin din ako nung kasama niya kaya naman hinatak na siya paalis.
Mga chismosa talaga.
Naglakad ako kasunod nila, hindi pa rin nahinto ang mga bulungan sa paligid. Kaya naman lahat ng makita kong nakatingin ng masama sa kanila, pinandidilatan ko ng mata at tinitingnan ko ng masama.
"Sino ba yun?"
"Bes, ang sama nung tingin nung babae na yun sakin."
Sus! Nagbulungan pa, eh rinig na rinig ko naman.
Habang tinitingnan ko yung isang babae, hindi ko na namalayan na may nakabangga na pala ako. Nakatalikod lang siya, pero ilang segundo lang ay humarap na din siya sa akin.

BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
ActionWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.