Masaya ako ngayon, sobrang masaya ako ngayon.
Ilang linggo na din ang lumipas magmula nang sugudin namin ang bahay nila Daichi pero hindi pa din nawawala ang saya ko.
Pano naman kasi, binabati na ako ng mga gunggong tuwing umaga saka bago kami magsiuwian. Madalas may mga banat pa din sila na nag-uudyok sakin na sipain ko na sila kahit pinipigilan ko na pero nawawala na lang agad lahat yun tuwing babatiin nila ako at ngingiti sila.
"Hoy mga panget! Huwag muna kayong aalis! Pinatatawag lang ako ni Teach." Sigaw ko sa kanila para makuha ang atensyon nila. "Dito lang kayo, lilinisin natin ang buong building na 'to pagbalik ko!" tumingin dila sakin saglit, pagkatapos ay nagsibalikan na sa pangggugulo.
Hay nako, angpanget kong kaklase, parang nakawala nanaman sa zoo.
Pagkatapos nun, umalis na agad ako at pumunta sa faculty.
"Pakibigay na lang 'to dun sa kambal kapag nakita mo sila." Inabot saken ni Teach ang dalawang magkaibang kulay na envelope.
Isang blue at isa namang red.
"Ok po." Kinuha ko ito at bumalik na sa room namin.
Nagtaka ako bigla nang malapit na ako sa room, parang may mali.
Bakit wala akong naririnig na ingay? Napatakbo ako agad sa room at pagbukas ko nito, napayuko na lang ako. "Mga bwiset kayo!!!!"
Wala nanaman sila, iniwan nanaman nila ko.
Ganun ba sila katakot maglinis?
"Kung ayaw nila ehh di wag. Ako na lang mag-isa ang maglilinis dito."
As usual, nakapang P.E nanaman ako. Hindi ko naman masuot-suot yung uniform ko dahil lagi akong tumatakbo ehh. Tsaka yaan mo na yun, ang ikli ikli nung palda. Ayoko naming isuot yung ganun kaikli.
Binaba ko na ang bag ko at kinuha ang walis, nagsimula na akong maglinis. Winalis ko ang lahat ng kalat sa sahig, napuno na nga yung isang malaking basurahan sa sobrang dami nung kalat ehh.
Sunod naman inayos ko yung mga upuan. Pinunasan ko yung mga lamesa at yung blackboard, pati na rin ang mga bintana.
Pagkatapos nun, naisip ko nang pinturahan ang mga pader.
"Wag!" may boses na nanggaling sa pinto. "Dapat ilabas mo muna yung mga lamesa at upuan Pres. bago mo pinturahan." Pagtingin ko, nakita ko si Daichi at Josef, hingal na hingal sila.
"Bakit kayo nandito?" gulat na tanong ko sa kanila.
Tinaas nila yung hawak hawak nilang balde na may lamang, pintura?
"Hindi ba halata? Magpipintura kami." Pumasok sila at binaba ang bag nila, nakasuot na din sila ng P.E, uniform. "Tinatamad pa kasi kaming umuwi, kaya naman naisipan naming magpalipas ng oras dito sa room." Nangngitian silang dalawa. " Sakto nakita ka naming naglilinis, tapos mali pa yung pagpipintura mo." Natatawang sabi ni Josef.
"Kaya naman napagkasunduan naming na tulungan ka." Dagdag ni Daichi.
"Kasi, you need help from the masters!" nagtinginan ulit silang dalawa saka ngumiti sa isa't-isa, saka ako tiningnan at pinagtawanan.
"Ano kayo, tagapintura ng pader?" sarkastikong sabi ko, saka ako tumawa. "May pa-masters masters pa kayo diyan, yabang niyo ah." Sinimulan kong maghakot ng upuan at lamesa papalabas, sinunod ko ang payo nila dahil totoo naman.
Baka malagyan ng pintura yung mga gamit.
"Ano ka! Hindi mo ba alam na champions kaming dalawa ni Daichi sa mga Painting Competions! We are masters!" pagyayabang nung isa. Nagsimula na din silang maglabas ng mga gamit.

BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
AzioneWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.