|| FIVE ||

19.2K 581 12
                                    

Chris' POV

Napakaingay talaga ng matandang yun! Hindi ba siya nagsasawa sa kabubunganga saken?

Araw-araw pinapatawag niya ako sa bwiset na opisina niya!

Sawang-sawa na ko sa boses niya!

Bwiset!

Dumagdag pa yung sira-ulong babae na yun. Acting like she's the boss! They're all the same! Looking down at us, treating us like some kind of garbage.

Akala mong laging nakaspeaker yung bunganga sa sobrang lakas.

Bwiset!

Basta't tandaan nila na isang maling galaw nila ay malilitikan sila saken kahit sino pa sila.

"Chris, anu na nangyari?" tanong saken ni Chester habang naglalakad kami papunta sa tambayan namin.

Lumayas kami dun sa bwiset na classroom na yun dahil nagmamagaling nanaman yung nakakabadtrip naming presidente.

Dami niya kasing alam eh! Nakakabwiset.

"The usual." Yung binubugangaan ako ng ilang oras even though he knows I'm not listening, and I don't plan to anyway.

Lagi naman siyang humahanap ng butas sakin eh.

That stupid old man.

Kahit na hindi naman ako ang may kasalanan, ako pa din ang sisisihin niya.

That's the kind of person he is.

Ang may kasalanan naman talaga ng lahat ay yung 3-A na yun, kungdi sana niya dinamay sila Daichi, hindi sana mangyayari sa kanya yun.

Naiisip ko pa lang, hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Nakakabadtrip talaga.

Papasok na sana kami sa kanto kung saan papunta sa coffee shop namin nang bigla kaming harangin ng limang dagdag na pamwiset.

"What the hell do you need from me?" tinatamad na tanong ko.

"Chill lang bro, kailangan lang naman naming gumanti dun sa ginawa mo sa kasama namin." Mayabang na sabi ni Raven, ang isa pa naming kaaway na taga Austin High School, isang public high school na medyo malapit lang sa school namin.

"And then?" humikab ako na parang inaantok na kausap sila, ang sarap kasi mang-inis ngayon ehh.

"Eh mayabang pala 'to eh" susuntukin na niya sana ako nang biglang may humarang sa harap ko at pinigilan siya.

"Alam mo naman siguro ang mangyayari sayo kapag ginawa mo yan diba?" pinigilan ni Daichi ang kamao ni Raven at saka hinihpitan ang hawak dito.

Napangisi ako.

Pinilit ni Raven na bawiin ang bwiset niyang kamay pero hindi niya magawa.

But then, sumingit bigla si Nathan. "Daichi." At hinawakan ang kamay niya.

Binitawan ni Daichi ang kamay ni Raven at umatras.

This is no fun.

Saka sila nagtakbuhan palayo, pero nag-iwan sila ng mensahe habang papaalis "Bukas! Alas-otso ng umaga sa isang abandonadong warehouse sa pier, kahit ilan pa dalin mong alipores mo!" tsaka sila tuluyang nawala sa paningin ko.

Pagkalayas nila, tumuloy na din kami papuntang tambayan namin. Pero bago yun, tiningnan mun ako ni Nathan ng masama.

"What?" sabi ko sa kanya.

Delinquent High [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon