|| THIRTY FIVE ||

13K 434 14
                                    

Pinanuod kolangsiya habang naglalagay ng bala sa loob ng baril niya. "Ano bang gusto mong gawin natin?" naglakad siya papalapit sakin, hinawakan ang baba ko at itinaas ito para makaharap sa kanya. "Unahin ko ikaw habang nanonood sila o unahin ko sila habang nanonood ka?" binawi ko ang mukha ko sa pagkakahawak niya at tinitigan siya ng masama.

"Pag nakaalis ako dito, lagot ka saken," Nakakainis! Delikado ang buhay ng mga kaibigan ko pero wala akong magawa.

"Nakakatawa ka talaga." Binalikan niya yung upuan niya sa harap ng computer at pinagtawanan nanaman ako. "Look at you! Makatayo nga hindi mo magawa eh."

Ilang minuto lang ang nakalipas nang may marinig kami ulit na sigaw galing sa taas, pagkatapos ay dumating na sina Daichi, Nathan, Chester at Jasper. Naiwan siguro sila Jason, Henry at Josef para bantayan yung hagdan papunta dito. At yung iba naman, nilalabanan yung mga iba pang bantay.

Nagulat sila nang makita akong duguan. "Pres!" Agad tumakbo papunta sakin yung apat pero tinutukan ako ng baril ni Evan sa ulo bago pa nila yun magawa. Tumayo si Evan sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. "One more step and I shoot."

"Bastard." Sabi ni Nathan. "Pakawalan mo siya!"

"Sorry, no can do." Ngumiti siya ng nakakainis at tinuro yung screen kung nasaan pinapakita si Christopher. "Unless, gusto niyo ding mamatay ang Leader niyo."

"Chris!" sabay sabay na sigaw nila, makikita mo sa mga mukha nila ang sobrang gulat.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Daichi.

"Itong area na kinuuupuan ng Presidente niyo, ito ang trigger ng mga baril na nakatutok kay Christopher sa loob ng kwarto na yun. Kaya naman pag nawala ang weight sa area na 'to, automatic na mapuputol ang string at mahihila yung gatilyo ng baril. And with that, mamatay si Christopher."

Tch. Kailangan bigyan ko sila ng pagkakataon para makuha yung baril na gamit ko kanina. Pero paano ko naman kaya gagawin yun? Hindi ako pwedeng umalis dito, hindi din ako pwedeng magsalita dahil alam kong babarilin niya sina Daichi.

Isip Riza.

Isip.

Ah!

Tumingin ako kay Daichi, napatingin din siya sakin nung gumalaw ako. Hindi naman ako nakikita nung bwiset na Evan dahil nasa harapan ko siya at sa apat siya nakatingin. Sinenyas ko kay Daichi yung baril, at mukhang nagets naman niya agad kung ano yung gusto kong iparating.

I'll have to give them a few seconds to attack.

"Evan." Napatingin siya sakin, ngumiti ako sabay sipa sa paa niya, dahilan para ma-outbalance siya. Tumakbo naman kaagad si Chester at Jasper pasugod samin. Nakarecover kaagad si Evan at saka niya pinagba-baril yung dalawa.

"Ilag!" sabay ngumisi yung dalawa habang tumatakbo, saka sila yumuko at nagtinginan. Lumagpas ang bala sa kanila at bumanda ito sa pader papunta sa mga screen. 

"One!" sigaw ni Chester saka siya tumayo at pinagpatuloy ang pagtakbo papunta habang si Jasper naman ay dumiretso sa kaliwa. Patuloy ang pagbaril ni Evan sa dalawa, patuloy din naman ang pag-iwas ng dalawa sa mga ibinabatong bala nito, hanggang sa maubusan na ng bala si Evan.

Halatang kinabahan si Evan dahil napansin ko ang pagnginig niya habang dali-dali niyang pinapalitan ng magasin ang baril niya. "Shit!"

Nagtinginan ang kambal, saka sila tumango sa isa't isa. 

"Shit!" takot niyang tiningnan si Chester na halos nasa harap na niya.

"Two!" Nang makalapit na si Chester kay Evan, hinawakan niya ang kamay nito at pinalipit para mabitawan ang baril, "Three!" saka sumulpot sa likod si Jasper at nilock ang kamay niya sa dalawang kamay ni Evan.

Delinquent High [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon