|| TWENTY ||

17.2K 500 22
                                        

"Alicia! Nasaan na si Alicia!" sigaw ni Sherry, umiiyak. Makikita mo sa mata niya ang pagluluksa sa nawawala niyang anak.

Nagprapractice nga pala kami ngayon para sa play namin.

"Baliw." Mahinang sabi ni Nathan, dahilan naman kung bakit napatingin si Sherry sa kanya ng masama.

"Anong sabi mo?" galit na tono niya.

"Wala, sabi ko ang galing galing mong umacting."

"Sipain kita diyan ehh, kasama kaya kita sa part na 'to! Yayakapin mo ko tapos hihimasin mo yung likod ko tapos papatahanin mo ko!" sigaw ni Sherry, haha, masanay na tayo ahh, ganyan kasi siya talaga kapag naiinis ehh.

"WhooH!" nagsigawan yung mga kaklase ko nang gumalaw si Nathan sa kinatatayuan niya. Tiningnan ko si Nathan, nakatulala at napanganga kami sa ginawa ni Nathan.

Niyakap niya si Sherry at hinimas ang likod nito.

"Shhh, tahan na. Makikita din natin si Alicia, wag kang mag-alala. Mahahanap din natin siya kahit na baliktadin pa natin ang buong kaharian, gagawin ko, kaya wag ka na umiyak. Ayokong nakikita kang umiiyak." pinunasan ni Nathan ang kunwaring luha sa mga mata ni Sherry, at ang pang-huli---isang killer smile.

Wala nang nagawa si Sherry kungdi umatras. "I-Ikaw! Wag kang lalapit saken!" natawa kaming lahat ng biglang mamula ang mukha niya.

Sus! Kinikilig lang yan eh.

"Sabi mo umacting din ako ehh." Malamyang sagot ni Nathan, ngayon ko lang nakita si Nathan na gumanito ahh.

Napangiti ako. "I smell something fishy."

"Ahh, Pres." nawala ang ngiti ko nang kalabitin ako ng isa sa kambal.

"Bakit?"

"Baka naman Pres, yung naaamoy mo eh yung isda na pinabaon sakin ni Mama kanina." paliwanag ni Chester, pinigilan ko na lang ang sarili ko na maglumpasay sa sahig sa tawa dahil sobrang seryoso nung mukha niya nung sinabi niya yun.

"Chester, lapit ka pa ng konti." nag-bakit siya pero hindi ko sinagot. Ang sagot na lang na natanggap niya ay isang malakas na batok. "Hindi yun yung ibig sabihin ko."

"Excuse me!" sigaw ni Sherry pagpunta niya sa harap. "Magprapractice na tayo nung unang scene, pero bago yun, may ipapakilala muna ako sa inyo." Sigaw ni Sherry sabay sigaw sa labas ng pinto ng room namin. "Ethan! Liena! Pasok na kayo." Bumukas ang pinto at nagluwa ng dalawang sobrang cute na mga bata. Yumakap kaagad sila kay Sherry, at nang makita nila si Daichi, sumigaw silang dalawa.

"Ichiro! Namiss kita!" sigaw nung batang babae, Liena yata.

"Ichiro!" si Ethan naman, nakipagbro-fist kay Daichi.

Nakangiti si Daichi. Ang saya naman.

"Sila ang gaganap sa roles nila Alicia at Aeros nung bata pa sila." Tumingin siya sa paligid, pinagmasdan yung mga kaklase ko. "Ikaw at Ikaw!" turo niya sa dalawang gunggong kong kaklase. "Kayo ang gaganap na kidnapper." Nag-apir naman yung dalawa.

Pinigilan ko ulit yung tawa ko.

Natuwa pa silang maging kidnapper.

"Yung unang scene ay yung, makikidnap yung dalawang bata----ahh, Ethan at Liena, dun kayo sa gitna, naglilibot kayo at may biglang susulpot na dalawang lalaki na hinahanap si Aeros at dapat kukunin siya, pero gagawa ng paraan si Alicia at papatakasin si Aeros. Pag nakaalis na sila Alicia at ang mga kidnapper, dadating ako at ang panget na lalaki na yun." Tinuro niya si Nathan.

"Ano?" inis na sabi ni Nathan.

"Wala, sabi ko maghanda ka na at magsisimula na ang practice."

Uy, may barkong lumalayag ahh.

Delinquent High [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon