|| THIRTY SIX ||

13.8K 453 41
                                    

Ang sakit ng katawan ko. Teka, ano na bang nangyari sakin?

Beep Beep Beep

Yun lang ang narinig ko, hirap na hirap akong gumalaw at idilat ang mga mata ko.

Ano yun? Huling naalala ko bago ako mawalan ng malay ay si Christopher.

Ah! "Christopher!" Bigla akong napabangon kung saan man ako nakahiga, pagdilat ko ng mga mata ko, puro puti ang nakita ko.

Shit! Namatay ba ako? "Aray!" Shemay naman! Nun ko lang naramdaman yung sakit ng tiyan ko, dahilan para mapahawak ako dito.

Ay oo nga, nabaril nga pala ako. Isa na din pala dun ay nagugutom na ako, sobra.

Pero teka! Kung patay na ako, diba dapat wala nang sumasakit sa katawan ko? At saka kung patay na ako, bakit nagugutom pa ako? Ibig sabihin nito, hindi pa ako patay.

Napabuntong hininga ako. "Buti na lang." saka ako bumalik sa pagkakahiga ko, sakto namang bumukas yung pinto, napatingin naman ako dun.

May isang panget na gunggong ang sumilip mula sa labas, halatang gulat na gulat siya ng makita ako.

Bigla niyang sinara yung pinto pero hindi siya pumasok, rinig na rinig ko yung pagsigaw niya sa labas, halata ding tumatakbo siya nun dahil sobrang lakas nung yapak niya na hanggang dito ay nabibingi ako.

Pero bakit naman kaya tumatakbo yun? Para namang bata.

Napangiti ako ng konti.

Ilang segundo lang ang nakalipas ay may narinig akong dagundong sa labas, hindi nagtagal ay bumukas na din ang pinto at nagluwa ng mas madaming gunggong. Tapos hindi ko na lang namalayan ay punong-puno na ng tao sa loob ng kwarto ko.

Tinitigan lang nila ako, walang nagsasalita.

Ano bang problema ng mga gunggong na 'to?

"Magsalita nga kayo, hindi ako sanay na tahimik kayo eh." Pang-inis na sabi ko. Hindi naman yata umepekto sa kanila dahil biglang nanluha yung mga mata nila. Tapos maya maya ay nakayuko na sila at nagtatakip ng mga mukha.

Umiiyak?

"Ano bang problema? Tumigil nga kayo!" tumigil naman sila at tumingin ulit sakin. Ano ba yan! Naaalala ko tuloy yung naramdaman ko nung unang araw ko sa school, nung pinagtitinginan nila ako. "Hindi bagay sa inyo umiiyak! Dun na kayo sa zoo kung iiyakan niyo lang ako!!" Sigaw kong panloko, hindi naman ako sanay na umiiyak ng ganito 'tong mga orangutan na 'to eh.

"Pres naman eh!" Angal nung iba.

"Ngunit may sakit ka, nanggaganyan ka na! Sabi na nga ba dapat dinala ka na namin sa Mental Hospital eh."

"Oo nga, baliw ka kasi eh."

"Wag ka ngang lalapit samin! Nandidiri kami sayo, baka mahawa kami ng kabaliwan mo." Sabay sabay silang nagtawanan.

Napangiti ako.

Osige, dahil tumatawa na silang lahat, hindi ko na papatulan.

"P-Pres. Masakit pa ba?" tanong nung isa.

"Alin? Ito bang sugat ko?" tinuro ko yung mga tama ko. "Hindi na, nandito na kayo ehh, wala na yung sakit." Saka ko sila nginitian.

Nagsimula ulit silang magsiiyakan, sunod na ginawa nila ay yumakap saken.

Teka! Teka! "Hoy! Tumigil nga kayong lahat! Baka kayo pa maging dahilan kung bakit ako mamamatay eh! Konting space naman please." Muntik na akong di mkahinga eh. Dinumog ba naman yung may sakit, mga bata talaga oh!

Delinquent High [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon