|| TWO ||

25.6K 716 29
                                    


"Nathan" sumagot ang isang lalaking nakaupo sa isang lamesa ng armchair katabi nung leader. "Please bring him to the clinic." Yung tinutukoy niya ay yung binubugbog kanina.

"Okay." tumalon mula sa upuan yung Nathan na sinabi at pinasan niya sa likod niya yung kaninang lalaking nabugbog atsaka na siya umalis.

Ahh! Oo, naalala ko na, siya pala yung teacher na pinagtanungan ko kanina, kaya pala mukhang tamad na tamad ehh, kung ganito ba naman ang klaseng tinuturuan mo, siguradong tatamadin din ako ehh.

"New student!" sigaw nung teacher, teka, tinatawag niya yata ako. "Introduce yourself please."

"Sweatpants! Ikaw yung tinutukoy!" sigaw ni Christopher sabay bato sa akin papel na lukot. Tch! Bwiset! Pero syempre, hindi ko na pinatulan dahil baka kung ano pa magawa ko.

Pumunta ako sa harap at nagpakilala.

"Ako si Maria Teresa Alvarez, pero pwede niyo akong tawaging Riza or Riz, kahit ano."

"Pwede bang Sisa?" sigaw nung isa.

"Ha?" tanong ko naman. Bakit Sisa?

"Crispin! Basilio! Nasaan na kayo?" biglang tumayo ang isang estudyante at saka nag-acting na parang nababaliw. Kasunod nito ang pagtawanan nila ng malakas, kung hindi lang binambo ni Sir yung lamesa sa harap ko, hindi pa sila titigil eh.

Pagtapos ay sinenyasan ako ni Sir na magpatuloy "Ehem. Isa akong transfer student at gusto ko sanang magkaroon ng madaming kaibigan at makasama silang maranasan ang saya ng pagiging isang high school student. Pero mukhang imposible dahil hindi naman kayo nakikinig sa....kin." bigla akong napatigil dahil napansin ko na walang nakikinig, lahat sila nagdadaldalan, nagbabatuhan ng papel at gumagawa ng kung anu-anong kaguluhan.

Nakakainis.

Tiningnan ko lang silang lahat ng masama, pero wala pa ring nangyari, wala kahit isang tumigil.

Hinawakan ko ang lamesa ng teacher sa magkabilang dulo. Saka ko ito binuhat at binagsak ng sobrang lakas, sabay nito "Magsitahimik kayo!"

Napatingin silang lahat sakin, mga mata nilang hindi makapaniwala ay nakatitig lang sakin.

"Hoy mga orangutan! Hindi ba kayo marunong rumespeto! Alam niyo naman sana na dapat nakikinig kayo pag may nagsasalita sa harapan diba? Kung ayaw niyong making, Bumalik na lang kayo sa zoo kung saan kayo nararapat!"

"Kala ko ba gusto mong magkaroon ng kaibigan? Eh bakit nanghahamon ka na agad ng away?" Nakangiting tanong nung mukhang, pero yung nakakainis na ngiti yung pinakita niya saken. "May iba ka pa bang sasabihin?" naparalisa ako, nakangiti pa din siya, halatang nangiinis pa din.

Pinagtawanan pa nila ako.

"Ehh wala namang magkakagusto sayo ehh!" sigaw nung isang mukhang gung-gong. Maswerte ka, hindi pa kita kilala.

"Oo nga!" sang-ayon pa nung isa. Aba!

"Wala ka man lang kastyle-style!" Isa pa 'to ah.

"Atsaka, bakit ka nakapang P.E? Wala naman tayon P.E. ngayon ahh? O baka naman ayaw mong nagsusuot ng palda kasi lalaki ka?" Nagtawanan ulit sila! Sumosobra na 'to ahh, pag ako di nakapagtimpi, baka makalbo ko lahat ng nandito!

"Ehh bakit kayo nasa school? Hindi ba dapat nasa zoo kayong lahat? Hahahahah!" Pramis! Ako lang tumawa diyan, lahat sila nakatingin sakin na parang gusto na nila akong lapain, kaya naman tumahimik na ako at bumalik sa upuan ko. Nasa gitna sa bandang harapan yung saken at nakalayo lahat ng upuan nila sa akin, yung parang nakapa-half circle sila tapos nakalayo sila saken.

Delinquent High [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon