"Chief, ayaw niyo po bang sabihin sa kanila na aalis na kayo?" nag-aalalang tanong ni Henry habang nag-aayos ako ng mga gamit ko.
Napangiti ako sa sinabi niya, pero yung ngiti na yun, may halong kalungkutan. "Hindi Henry." tinitigan ko siya. Hindi ko kaya. Yumuko ako at bumalik sa pag-aayos ng gamit. "Baka pag nakita ko sila, hindi ko na mapigilan ang sarili ko na wag umalis."
"Pero Chief--'' napatingin ako kay Henry nang natahimik siya. Nagulat ako nang makita ko si Papa sa likuran niya at nakahawak sa balikat nito.
"Papa." Mahinang sabi ko, nakangiti pero malungkot. Dahan dahan siyang lumapit sakin at saka ako niyakap, nun na din nagsimulang tumulo ang mga luha ko. "Papa."
"Shh." Saka niya hinimas himas ang likod ko. "Maayos din ang lahat."
"Hindi ko sila kayang iwan Papa."
"Alam ko anak."
"Mahal ko sila Papa."
Mahal na mahal.
Chris' POV
"L, bakit mukha kang masaya ngayon?"
"Oo nga Chris, kanina ka pa nakangiti diyan."
"Creepy."
Napangisi ako sa mga sinabi nila, pero hindi ko na lang sila pinansin.
"Para ka nang si Pres, leader. Bigla na lang ngingiti na parang tanga." Mas lalo akong napangiti nang sabihin nila yun. "Hala! Nababaliw na din si Chris!" narinig ko pang dagdag nila. If I was my normal self, I would've smacked Jimson on the face and tell him to piss off, but things are quite different today.
I'm really feeling good today.
Tumingin ulit ako sa pintuan. Tch. Nasaan na nga ba yung baliw na babaeng yun? Hindi naman siya nalelate nang ganito katagal dati.
Tsk. Bakit ba late siya?
"Daichi! Wala pa si Riza?" inangat ni Ichiro ang ulo niya at tumingin sakin. Tumingin siya sa orasan niya at nagtaka.
"Wala pa ba siya?"
Psh! Would I be asking that if she was here. Tsk.
"Christopher!!!! Lumabas ka dito Christopher!!"
"Shhh." Pinatahimik ko silang lahat nang marinig ko ang sigaw ng pangalan ko mula sa labas.
Sino nanaman bang bwiset ang tumatawag sa pangalan ko. At isang tao lang ang pwedeng tumawag sa pangalan ko ng buo. At yun ay yung babaeng baliw lang.
Tch. Napilitan akong tumayo mula sa upuan ko at tingnan sa labas kung sino yung gumagawa ng bwiset na gulo dun.
Pero mas lalo lang akong nainis nang makita ko kung sino yung sumisigaw. "What the hell is your problem Ivan!" sigaw ko.
That guy really pissess me off.
"Get down here you b-stard!"
What the f-ck! Did he just call me a b-stard? Bakit ba napakadaming bwiset ngayon.
"Teka Chris, saan ka pupunta?" galit kong hinampas ang pinto pagkabukas nito saka ako nanggagalaiting bumaba ng building at dumiretso kay Ivan, saka ko siya hinablot sa kwelyo at nilapit sakin.
"What the f-ck are you doing, making a scene here." tiningnan ko siya ng masama, usually, lahat ng titingnan ko ng masama, maduduwag at magmamakaawa para sa buhay nila, but this one here today is different.
As expected of my brother, imbes na matakot, tiningnan din ako ng masama.
After the long staring game, binitawan ko na din siya at tinulak palayo saka ko siya tiningnan. "What the hell is wrong with you?" I asked, not trying to hide my irritation.
BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
ActionWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.