34. Eureka Moment

22 0 2
                                    

CEDRIC

Salamat sa nagsend ng anonymous message galing sa isang anonymous sender, mukhang kailangan ko ngayong ilihis muna ang atensyon ko mula sa pagplano kung papaano mapapasakamay 'yung blue envelope na 'yun-- na sa tingin ko ay siyang magiging susi sa lahat ng misteryo na nababalot sa aming section-- to focusing on the problem at hand.

Kung seryoso nga ang taong ito sa kanyang banta na magsisiwalat siya ng mga sikreto upang lantaran nang ibuking sa publiko ang sikreto ng mga gaya naming biniyayaan ng mga kakaibang abilidad, then this might be our last peaceful day staying in this school and probably ang huling araw naming maging isang normal na mamamayan sa bansang ito.

Paniguradong kapag nabuking ang aming sikreto sa publiko, tiyak na katatakutan na rin kami ng mga ibang estudyante rito. Ngayon lamang sumagi sa isipan ko ang rason ng eskwelahan kung bakit mas pinili nilang ilihim ang aming existence sa iba.

Remembe Abigail Marquez? 'Yung babaeng nagnakaw ng ID ni Mitch at ang nagtangkang magsiwalat sa sikreto ng Alpha Section, kung legit man ang kanyang i-a-upload sana no'n sa social media.

Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon kung saan tinawag niya kaming freak. At hindi rin malayong 'yun din ang magiging tingin sa amin ng iba pa sakaling madiskubre nila kung sino kami at ano ang totoong purpose ng Alpha Section.

Kaso... hindi ba't 'yun din naman ang plano kong gawin sa huli sakaling mapasakamay ko na ang envelope na iyon? Kapag i-e-expose ko kung anumang laman ng naturang envelope sa publiko para mapatalsik ang school director sa kanyang posisyon, kaakibat din no'n ang pagsisiwalat ko ng aming existence sa lahat.

Marahil nga ay hindi ko masyadong napag-isipan ang gagawin kaya hindi ko nagawang pag-isipan muna ang magiging consequences ng action ko sa hinaharap. Mabuti na nga lang ay wala pa akong ginagawa.

Should I thank the anonymous sender then for making me realize these things? Pfftt...

*Poke*

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng may naramdaman akong daliri na sumundot sa aking pisngi, dahilan para mapaangat ako ng tingin mula sa textbook na aking binabasa. Kasalukuyan kasi akong nasa bench area ngayon kaharap ng maliit na school park (kung saan ko natagpuan dati si Elise at ang kanyang mga bullies) at nag-aaral para sa nalalapit naming long quiz sa fourth subject ko.

Yes. Tama ang nabasa niyo. Nag-aaral po talaga ako kapag kinakailangan or else baka ma-expel ako ng 'di oras sa eskwelahang ito kapag hindi ko na-meet ang required minimum average by the end of the academic year.

At ngayong nasa Alpha Section pa ako, feeling ko mas dumoble pa ang pressure na pag-igihin ko ang aking pag-aaral.

Going back to the present time, bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Kylie habang nasa likod niya naman ang kaibigan naming si Mitch na kumakain pa ng dalang chichirya.

"Naks, tutok na tutok sa binabasa nating textbook ah," Kylie teased, making me chuckle a bit.

"Walang choice eh. I can't afford to fail," Napabuntung-hininga na lamang ako habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ang mahal pa naman siguro ng binayad ni Lolo Juls sa pang-enrol sa'kin dito kaya dapat lamang na pag-igihan ko rin ang pag-aaral kahit na wala minsan sa bokabularyo ko ang salitang iyon.

Babalik na sana ako sa pagbabasa sa aking textbook ng bigla kong maalala ang bigla nilang pagsulpot dito.

"Teka, maiba nga ako. Ano'ng ginagawa niyo rito ni Mitch?"

Mukhang nag-alangan pa si Kylie kung dapat ba siyang magsalita or aalis na lang at hahayaan ako sa aking pagre-review. Pero sa huli ay nanaig ang kagustuhan niyang mag-share ng bumabagabag sa kanyang isipan kaya naman ay nagsalita na rin siya kinalaunan.

"Nakatanggap ka rin ba ng isang text message galing sa isang anonymous sender?"

Pagkabanggit ng naturang insidente, ang lahat ng konsentrasyon ko sa pagri-review ay tila ba naglaho ng parang bula at napalitan ito ng pagkasabik ko na pag-usapan ang recent events sa Alpha Section.

No'ng makita ni Kylie na parang nagshift ng 180 degree ung atensyon ko mula sa nire-review ko, agad niya ring iwinagayway ang kanyang mga kamay sa ere at tila umiiling ng ilang beses.

"Mamaya na natin pag-usapan 'to. Mas importante kung mag-review ka muna. Pasensya na sa abala!"

Ngunit hindi na ako makapagpokus sa nirireview ko kaya minabuti ko na lang na pakinggan ang kanyang panig about sa kasong ito.

"Nah, hayaan mo na. Mag-iisip na lang ako ng ibang paraan para makapasa mamaya sa long quiz."

Tumaas naman ang isang kilay ni Kylie habang may pagka-judgmental ng konti ang ipinukol na tingin sa akin ni Mitch.

"Kung iniisip niyo na gagamitin ko ang property ko para mandaya, nagkakamali kayo ng akala." Pagri-reassure ko naman sa kanila.

Siguro kaapg desperado na lang talaga akong makapasa saka ko iyon gagamitin. De biro lang.

Sinenyasan ko naman sina Kylie at Mitch na umupo kasama ko sa bench na siya namang ginawa nila. Sinara ko muna 'yung aklat na binabasa ko kamakailan lang saka nagpukol ng tingin sa kanilang dalawa.

"Any insights on the anonymous message that we all received from our mystery sender?"

Rinig ko namang napahalakhak ng medyo may pagka-sarkastiko itong si Mitch bago siya nagsalita.

"Sa tingin ko ay hindi na misteryo para sa atin kung sino ang sender na ito," Nagpause muna sa pagsasalita si Mitch no'ng makitang wala nang laman ang kinakain niyang chichirya.

Balot naman ng pag-a-alinlangan si Kylie sa naging akusasyon ni Mitch. Kahit hindi niya man sabihin ang pangalan, mukhang iisang tao lang ang agad na papasok sa aming isipan.

Si Warren Santiago...

"Alam nating may pagka-arogante at mayabang 'yung si Warren. Pero paano naman tayo nakakasiguro na siya nga ang nagpapadala sa atin ng message?"

Medyo nag-a-alinlangan nga rin ako kung nasa karakter ba ni Warren na gawin iyon. Buhay namin ang magbabago rito sakaling lumabas nga ang sikreto tungkol sa amin.

"Aside from that, hindi rin natin alam kung kailan talaga balak isiwalat niyang anonymous sender ang tungkol sa atin sa publiko, 'di ba?" dagdag sabi pa ni Mitch.

Napapahimas na rin ako ng aking baba. "Kailan nga ba ang tamang oras upang makapaghakot ng maraming audience 'yung sender..."

Isa rin yan sa mg palaisipan ko ngayon. Kung ako ang nasa sitwasyon ng sender, kailangan kong makahakot ng maraming audience ng sa gano'n ay effective ang plano kong siraan ang aming secret organization.

Wait... Kung audience kamo ang hanap ng anonymous sender na ito, iisang araw lamang ang naiisip kong pwedeng isagawa ng sender ang kanyang binabalak!

Napaangat ako bigla ng ulo ng may mapagtanto ako. Sakto namang napaangat din ang ulo ni Kylie ng napagtanto niya rin ang nasa isipan ko ngayon habang si Mitch naman ay walang kamuwang-muwa sa nangyayari sa aming dalawa.

Dalawang salita lamang ang parehong lumabas sa mga bibig namin during our eureka moment.

"School Festival!"

Alpha Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon