2. Something Special

122 7 2
                                    

Isang nakakabagot na araw na naman dito sa paaralan ng Eastwood High. Wala pa rin namang pinagbago sa buhay ko. Gano'n pa rin, nasa last section pa rin ako.

Kasalukuyan pa rin akong nakikinig sa boring na lecture ng matandang dalaga naming adviser. Talak ng talak sa kanyang kinaroroonan pero halata namang wala talagang nakikinig.

Finally, no'ng magdismiss na ang aming guro ay nagmamadali naman akong lumabas ng classroom at agad na tinungo ang aming cafeteria para makipagkita kay Andrew as usual.

"Bro, may sasabihin ako sa'yo." pambungad niya sa'kin as soon as nagtungo ako sa kanyang table at umupo sa tabi niya. Sa aking kanang kamay ay hawak-hawak ko ang aking meryenda for the day: ang walang kamatayang macaroni soup.

"Mukhang interesting 'yan ha." masayang tugon ko tsaka ko inilapag ang aking glasses sa mesa tas sinimulan nang lantakan 'yung meryenda ko. Mahirap na kasi nagfa-fog ang aking glasses kapag suot-suot ko ito habang kumakain nang mainit na sabaw.

"Interesting talaga. Dahil kamakailan lang... lumipat sa Alpha Section ang kaklase kong si Mitch." masigasig niyang balita sa'kin. Nilunok ko muna 'yung nginunguya kong macaroni bago ako magsalita.

"Ha? Eh akala ko ba yearly 'yung pag-iiba natin ng sections depende sa makukuha nating average every end of the academic year. Tapos nasa 2nd grading pa lang tayo ngayon." kunot-noo kong pahayag tapos muling sumubo ng another spoonful of the soup.

"'Yan nga rin 'yung akala ko. But this is a special case. Si Mitch kasi ang aming top 1 sa section namin kaya hindi na nakakapagtaka pa kung malilipat man siya sa section na 'yun." sabi niya. Parang alam ko na kung saan patungo ang usapang ito.

"Aaahh..." I just shrugged and continued eating.

"You know what this means?" Visible pa rin ang sigla sa boses nito habang tinatanong niya ito sa'kin. Sinimot ko muna 'yung laman ng styro cup bago ko siya muling tiningnan.

"It means kung mag-aaral tayo ng mabuti, may tyansa rin tayong mapabilang doon. Tama ba?" walang buhay kong saad.

"Mismo! 'Di ba ang laking motivation na 'yun para magpursige? Imagine kung makakapasok ka roon, hindi mo na kailangang magtiis sa sopas na parati mong kinakain." sabi niya.

"Hey! Ano'ng masama sa kinakain kong sopas?"

"Wala naman. Ang gusto ko lang sabihin ay hindi mo na kailangan magtiis. Minsan, hindi rin masamang maghangad ng sobra, 'di ba?"

By the end of his statement eh napailing na lang ako. Kung gusto niya talagang maging isang Alpha Student, sige push niya 'yan. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya ako kailangang idamay?

"Bro, kung gusto mong pumasok sa Alpha Section, sige lang. Pero it's not necessary na isama mo ako sa iyong plano. Hindi ako ikaw, okay? I get it na kinakaawaan mo ako ngayon, pero 'wag mo namang ipamukha sa'kin oh."

Hindi na ako nakapagtimpi pa at nasabi ko tuloy 'yung nasa utak ko. Natahimik lang siya kaya muli akong nagsalita.

"May pupuntahan pala ako ngayon. Sige bro, see you around."

Matapos kong sabihin 'yun ay kinuha ko na ang aking glasses, sinuot ito, at agad na akong tumayo at naglakad paalis. Huminto muna ako saglit sa nadaanan kong trash bin at tinapon ang hawak-hawak kong styro cup at plastic spoon bago nagpatuloy sa paglalakad.

***

Ang totoo niyan wala naman talaga akong pupuntahan. Gusto ko lang muna lumayo sa kaibigan ko at sa usapin tungkol sa Alpha Section na 'yan kahit panandalian lang.

Lately kasi napapansin ko kay Andrew na wala na siyang ibang bukambibig kundi ang paano makapasok sa section na iyan. I mean, I get it that they have some exclusive privileges from the school, but is it really worth it?

Alpha Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon