-Author's Note-
Warning: Before proceeding, I'll give you a warning muna na you may eventually see some R-18 scenes on this chapter. Pero dahil matigas ang ulo mo at sadyang maku-curious ka ay alam kong magbabasa ka pa rin. But yeah, you've been warned ha. Wag ka na lang papahuli sa mama mo. Charot.
---
-SASHA-
Enough na sa mga boring na kwento tungkol sa isang loser na hindi man lang malaman ang kanyang powers, or tungkol sa mga lousy na babae na may mga boring na kakayahan. Kung ika'y nakaabot hanggang sa chapter na ito, then you are at the right place. *winks*
Okay, let's start...
First of all, I'm Sasha Vasquez, the most popular girl all throughout Eastwood High. Akalain niyo nga namang freshman student pa lang ako, yet nasa listahan na agad ako ng Most Hot Female Students In Eastwood High according sa school publication ng eskwelahan namin which is known as Eastwood Legacy.
Ni hindi ko nga kailangang gamitin ang property ko para lang mapasama diyan eh. As what I have mentioned before, natural na akong maganda.
From Alpha Section's Dormitory Building, napilitan akong maglakad papunta sa Student Learning Building kung saan nakalagay ang classroom ng Alpha Section sa pang-apat na palapag. Wala pa nga akong ginagawa ay tinginan na agad sa akin ang mga boys at nakasunod ang mga tingin nila habang pakembot kembot akong naglalakad.
One perk of being an Alpha Student is that you can choose any hairstyles you want, how many earrings you want to wear, and can place makeup on your face nang hindi nasisita ng matandang bruhang si Ms. Reyes. So I'm looking extra gorgeous today with my brunette-colored hair na pinakulayan ko lang, natural-looking makeup all thanks to my Maybelline makeup set, and to my sassy nail art all done by yours truly.
Nasa hallway na ako ng building at paakyat na ako sa pang-apat na palapag ng makita kong andaming tao yata na nakaharang sa'king daraanan. All these stupid beings blocking my way!
Well, hindi na ako masyadong mangroblema para diyan at baka magka-pimples ako ng 'di oras. With just a snap of my finger, my pheromone poperty was instantly activated. All of them stopped whatever they are doing and suddenly looked at me.
"Could you please move a bit? Nakaharang kayo sa daraanan ko eh." mataray kong sabi. Oo na, mataray na kung mataray but who cares anyway?
As expected, ginawa naman nila ang gusto ko. Sa isang iglap lang, agad silang bumuo ng dalawang magkahiwalay na linya, leaving a space in between for me to walk. I bat my heavy curly lashes at them and gave them my sweetest smile.
Paakyat na sana ako ng hagdan ng may isang bukod tanging nilalang na may lakas ng loob na tawagin ang napakaganda kong pangalan.
"Sasha!"
Kahit ayoko siyang tingnan ay napilitan na lang akong lingunin siya, you know for my image's sake para hindi naman ako masabihan na snob ng aking dearest fans. Bumungad agad sa'kin ang kaklase ko sa section 1 sa aking regular classes na si Joshua Estefan.
Isa lang naman siya sa mga libu-lbo kong fans dito sa school. Take note naka-off na ngayon ang aking property. Hay naku, perks of being maganda nga naman.
"Hello Ms. Beautiful. Ang ganda na agad ng umaga ko, makita ka lang." nakangiti niyang sabi sabay bigay sa'kin ng isang red rose. Yuck, ano ba namang klaseng pick-up line 'yan. May mas bago pa ba diyan ha?
"Aww, thank you." pa-tweetums kong sambit and bat my lashes at him.
Nagulat naman ako ng makita kong nanakawan niya sana ako ng halik pero agad ko siyang pinigilan.
BINABASA MO ANG
Alpha Section
Science FictionAng Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan- ang Eastwood High- na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok. Subalit wala sa amin ang...