12. Childhood Crush

56 5 0
                                    

-KAREN-

"Omg beshie! Andyan na siya!"

Agad na nagningning ang aking mga mata pagkakita ko sa'king childhood crush na si Pete Cullen. Kasalukuyan pala kaming nasa cafeteria ng bestfriend kong si Ash at palihim na nagmamasid sa kakapasok pa lang na crush ko since naging kaklase namin siya ng beshie ko dito since grade 4.

Napahalukipkip namang nakatingin sa'kin ang bestfriend ko. "Hoy, 'yang puso mo. Baka... alam mo na."

Dahil sa magkaibigan na kami nito ever since childhood dahil sa magkatropa dati no'ng college ang mga magulang namin, bukod sa Alpha Students at sa'ming adviser ay si Ash lang din ang nakakaalam ng aking sikreto tungkol sa'king electric powers.

Aksidente ko kasi siyang nakuryente dati no'ng naglalaro kami which then led him sa pagkakabunyag ng aking powers.

"Ito naman, masyadong praning! May heart rate monitor ako rito." sabi ko sabay pakita ng nasabing device na nakasuot sa'king palapulsuhan.

Itong parang smart watch na nakakabit sa'king relo is called a Heart Rate Monitor. Since naka-base sa heart rate ko 'yung aking powers, whenever this thing here in my hand turns green, it means nasa normal pa ang heart rate ko.

Pero kapag 'yan naging pula na, naku... all hell will break loose. And you better run from me as quickly as you can.

Kapag naging blue naman 'yung mga numerong nagpapakita sa maliit na screen ng device na ito means nasa critical level na ang aking heart rate at kailangan ko na itong kontrolin as possible as I can.

Naalala kong binigay ito sa'kin ni mama, which has a property same with Warren which is the invention property and an alumnus of this school, para hindi na ako kailanman makaubos ng gamit sa bahay. Mukhang 70% kasi ng gamit sa bahay ay natupok ko na.

"Nag-iingat lang ho ako. Ilang beses mo na kaya ako nakukuryente dahil sa kakapantasya mo diyan sa Pete na 'yan?" nakasimangot na turan niya. Nagpeace sign na lang ako sabay ngisi.

"Sorry na agad." I quickly said. Narinig ko siyang napabuntung-hininga na lang.

"Besides, mas gwapo naman ako diyan-"

Saktong tumunog na ang school bell hudyat na tapos na ang aking two-hour break at sa kanya naman ay one-hour break.

"Oh ayan, mukhang ang school ay hindi rin sang-ayon sa sasabihin mo. Tara na't magmadali sa'ting regular classes."

Pagkasabi ko no'n ay tumayo na kami agad at nagmadaling itinapon ang aming pinagkainang styro-box sa basurahan bago umalis ng cafeteria. Magkaklase kami kasi nito dati sa section 1 bago ako nalipat sa Alpha Section. Pero sa regular classes ko ay nakakasama ko na siya. Pati rin 'yung childhood crush ko.

Kaya ko parating inaabangan ang aking regular classes eh, hihi..

***

Kasalukuyan nang nagkaklase ang aming History teacher na si Mr. Delgado sa gitna pero ang mga mata ko'y nakapokus sa binatang nakaupo sa harapan ko ngayon. Buti na lang talaga at tila umaayon sa'kin ang tadhana at dito pa talaga siya inassign na maupo sa harapan ko. Any minute eh pwede ko siyang mananakawan ng titig.

Tsaka, ang bango niya. Sobra! Napausad pa ako paharap para mas lalo ko siyang maamoy ng malapitan, pero sinigurado ko namang hindi ako mahahalata ng mga kaklase at guro ko rito. Buti na rin at nasa dulo ako nakaupo.

May papikit-pikit pa akong nalalaman habang nilalanghap ko ang heavenly scent na ito. Hmmm... ano kaya ang pabango niya at parang nakaka-adik amuyin?

"Karen?"

Napamulat ako ng mata ng 'di oras ng marinig ko ang pamilyar na husky voice na iyon. Oh shoot, it's him!

Alpha Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon