10.3 Torn Pages (Part Three)

66 7 0
                                    

-THIRD PERSON-

Kasalukuyang nagpapatrolya ang guard sa bawat palapag ng Engineering department building, katapat lang sa building ng Science and Technology department para itsek kung may mga nagkalat pa bang mga estudyante ng may makasalubong siya sa daan. Hawak ang kanyang flashlight ay naglalakad siya sa kahabaan ng hallway na ito.

"Kuya guard, hindi ka pa ba magpapahinga?" tanong ng nakasalubong niyang lalaki, na parang pamilyar sa kanya pero nakalimutan niya lang ang kanyang pangalan.

"Ah sir, ikaw pala.." saad nito though hindi niya pa rin alam kung sino itong kinakausap niya. "Pabalik na nga ako sa'king station, ito na lang 'yung hindi ko pa natsetsek."

"Ah gano'n ba? Tamang-tama pababa na rin ako. Sabay na lang ako sa'yo." ani nito.

Hindi naman nag-alangan si kuya guard at hinayaan niya lang ang guro na ito para sabayan siya sa kanyang pagbaba sa naturang building, subalit no'ng nakababa na sila ng tuluyan mula rito ay biglang napahinto sa paglalakad ang kasama niya at napagawi ang kanyang tingin sa katapat na building.

"Sir? May problema ba?" nagtatakang tanong nito sa kasama.

"Ah wala. Sige kuya, mauna ka na lang po muna. May nakalimutan pala akong puntahan." tugon naman ng naturang guro.

Kahit nagtataka man ay nagkibit-balikat na lang itong si kuya guard at hinayaan ang guro sa gusto nitong gawin. Nagtuloy na siya sa kanyang pagbaba habang ang guro na ito ay napatingin sa direksyon ng building, habang naglalakad kasi ito kanina ay bigla siyang kinutuban ng kakaiba, ... na para bang may nagsasabi sa kanya na may mga tao pa sa isa sa mga rooms nito.

Lalung-lao na sa Science Lab.

Nagdalawang-isip pa siya no'ng una kung titingnan niya ito or hindi, baka kasi guni-guni niya lamang ito. Pero wala namang masama na itsek ang buong lugar. Kaya dali-dali na siyang nagtungo sa building. Pagkaakyat niya sa ikalawang palapag ay agad niyang naisipang puntahan ang Science Lab.

Pagkarating niya rito ay nakita niya namang walang tao sa bandang hallway katapat nito. Tsinek niya rin ang doorknob at nakita niyang naka-lock naman. Tatalikod na sana ito ng kinutuban ulit siya kaya muli itong napalingon at napagdesisyunang buksan ang nasabing kwarto.

Bitbit ang susi ng room na ito, since may access siya sa mga rooms as an admin of the school, ay isinuksok niya na ito sa keyhole ng pinto. Pagkarinig niya ng tunog sa kabilang bahagi ng pinto ay pinihit niya na ang doorknob at nagmadaling pumasok sa loob.

*Click clack...click clack*

Tanging ang mga yabag ng kanyang leather shoes lang ang umalingawngaw sa apat na sulok ng laboratory. Iginala niya ang kanyang tingin sa buong paligid, at ng nakitang nasa gano'ng ayos pa rin ang lahat ng bagay rito ay napabuntung-hininga siya.

"Maaari ngang guni-guni ko lamang iyon." ani nito sa kanyang sarili.

Bago siya lumabas ng lab ay biglang napagawi ang kanyang tingin sa malaking cabinet na nakadisplay sa pinakadulong sulok ng lab sa may kaliwa. Pinanliitan niya ito ng tingin at dahan-dahan siyang humakbang papunta roon.

Ilang hakbang na lang sana at mararating na niya ang kinaroroonan no'n ng biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya nalipat ang kanyang atensyon dito. Tumigil siya sa kanyang paglalakad at kinuha ang kanyang phone na nasa bulsa ng kanyang kulay itim na slacks.

"Hello? Yes director...Opo, parating na ako diyan... May inasikaso lang ako saglit.... Sige, sige I'll be there in five minutes." Pagkatapos ng huling statement ay ibinaba na niya ang kanyang phone at ibinalik ito ulit sa kanyang bulsa.

Tinalikuran na niya ang nasabing cabinet at nagmadaling lumabas ng naturang laboratory dahil pinagmamadali na siya ng school director sa opisina nito. Inilock niyang muli ang pinto ng lab bago na siya tuluyang umalis.

Alpha Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon