-ELISE-
Sa mundong ating kinagagalawan, saka na lang natin makikita ang halaga ng isang bagay kung bigla na lang itong mawawala sa atin ng parang bula.
My life was once perfect. I had everything I need for my life to keep going, my father's love... friends... a caring best friend and a comfortable life.
Pero ang lahat ng iyon ay biglang nawala sa isang iglap lang, nang mawala ang aking kakayahang makakita.
My mom and I were caught in a seemingly tragic accident when we are on our way to the mall to treat me for my special day. Kaarawan ko kasi ng mga araw na iyon kaya napagdesisyunan ni mama na mag-ayang lumabas.
Dad that time wasn't able to come with us. Actually, parati naman siyang wala sa bahay eh. He's so busy with managing our large group of companies, but I never ever complained about that. As long as nakikita ko namang mahal niya kami pareho ni mama, that's already enough for me to not hate him.
The very first thing that greeted me when I finally woke up from my 3 week slumber is darkness, and a devastating news about my mom who didn't made it to the hospital in time. Image of her hugging me tightly and using herself as a shield just to protect me from that accident suddenly flashed back on my subconscious mind
I didn't exactly remembered what happened back there.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko that time. Pero ang nangingibabaw sa lahat ay ang takot na nadarama ko sa'king puso. Bakit ganito? Why can't I see a thing right now?
I heard my dad's voice speaking at the doctor that time, and I'm sure they were discussing about my situation that they weren't even aware na gising na ako. Masyadong malalim para intindihin ng isang siyam na taong gulang na gaya ko no'ng mga panahong 'yun ang kanilang pinag-uusapan.
Pero kung may isang bagay man akong naintindihan mula sa kanilang diskusyon, 'yun ay ang katotohanang hindi na maibabalik kailanman ang aking kakayahang makakita.
Since then, hindi na ako pinapasok sa eskwelahan at pinag-home school na lang ako dahil nga sa aking sitwasyon. At parang mga dahong unti-unting nalalagas sa isang puno, unti-unti ring nawala ang mga importanteng bagay sa'king buhay.
My best friend didn't visited me even just one bit, nor nde na nagparamdam along with the rest of my friends, na halos itinuring ko ng mga kapatid sa school, ni hi o kamusta man lang ay wala akong natanggap. And eventually, naramdaman ko rin ang paglayo ng loob sa akin ni dad.
In the darkest days of my life, I had nothing but myself. Nagkulong ako sa aking kwarto ng ilang buwan, at lalabas lang tuwing oras na para sa'king home school sessions. Sa mga araw ding iyon, tinuruan ko ang self kong tumayo sa sarili kong mga paa even though walang kahit sinuman ang gumagabay sa'kin para ako'y muling makakita.
That's when I realized a bitter lesson na you really can't trust a person but yourself.
Araw-araw, sa apat na sulok ng aking kwarto, paulit-ulit kong sinusubukan na makalakad muli ng tuwid kahit na wala akong makita sa aking daraanan. Hindi rin naman nauwi sa lahat ang paghihirap kong matuto, dahil may nadiskubre akong mahalagang bagay tungkol sa'king sarili.
Nakabuo ako ng isang teorya na kung saan pwede kong gamitin ang vibration na aking nadarama mula sa lupang aking tinatapakan na siyang konektado sa lahat ng bagay na nasa sa'king paligid kahit na may suot akong sapin sa'king mga paa.
Ginamit ko ang kaalamang ito para muling makakita at muling mamuhay ng normal.
No'ng mapansin ng aking ama ang kakaibang kakayahan kong makakita, do'n niya sinabi sa'kin na ititigil na niya ang aking home school sessions at i-e-enroll niya ako sa eskwelahang pagma-may ari rin namin, at iyon ay ang Eastwood High under sa isang kakaibang section na siya rin mismo ang nag-organisa...
Ang Alpha Section.
No'ng una, nagtataka rin ako kung bakit biglaan niya akong i-e-enrol sa aming eskwelahan, at sinubukan ko siyang tanungin tungkol doon. Hindi niya ako sinagot, pero sa halip ay sinabihan niya ako ng kailangan kong gawin.
Dito ko rin nalaman ang tawag sa kakaibang kakayahan ko, o property kung tawagin. At ito'y kilala sa tawag na Seismic Sense.
"Gusto kong manmanan mo ang bawat galaw ng iyong mga kaklase. Alamin mo kung may mga kakaiba silang ginagawa laban sa paaralan."
Naalala kong sabi niya dati. Siyempre, bilang isang masunuring anak na walang hinangad kundi ang muli siyang mahalin ng kanyang ama, minabuti kong sundin ang kanyang pinag-utos ng walang pag-aalinlangan.
Nakaramdam ako ng saya sa totoo lang, nang una akong makatapak sa labas ng paaralan ng Eastwood High. It's as if bumabalik na ulit sa normal ang aking buhay.
Ngunit alam kong hindi na magiging posible ang bagay na iyon... dahil simula ng makalabas ako mula sa madilim kong buhay, napagdesisyunan ko na ring ilayo ang aking sarili mula sa kahit sino. Ayaw ko na mangyari ulit ang dati. Ayoko ng ipaikot ang aking sarili sa ibang tao.
Tama nang umasa na ako sa aking sarili simula sa araw na ito.
Pero kahit na gano'n, hindi pa rin ako nilulubayan ng malas sa aking buhay. Kaliwa't-kanang pambu-bully ang aking naranasan mula sa kamay ng apat kong kaklase sa section 1. At kahit na sabihin ko man ito kay dad, alam kong hindi naman siya magkaka-pake roon at sasabihan lang akong tumayo sa sarili kong mga paa.
Walang sinumang nakakakita kung gaano ako nagdurusa sa buhay ko ngayon...
"Hoy, tama na 'yan."
Until a certain person came across my life...
Napakurap ako no'ng narinig ko ang ma-awtoridad na boses na iyon. There, I saw a guy na kauna-unahang nakakita sa pagdurusang nararanasan ko sa impyernong eskwelahan na ito.
"Here... tulungan na kita."
Bahagya pa akong natulala ng ilahad niya ang kanyang mga kamay pagkaalis ng mga umaapi sa'king mga kaklase ko. The moment na naglapat ang aming mga palad, I felt something weird inside me.
Most especially, no'ng mga oras na iyon, agad ko siyang kinakitaan ng kakaibang kakayahan. Isa rin kasi sa nagagawa ng aking kakayahan ay ang maka-sense ng ibang property though wala akong kakayahang makaalam kung ano'ng eksaktong property meron ang lalaking ito.
Kaya no'ng makarating na kami sa clinic at no'ng makabisita si Mr. Cruz doon, agad kong inabisuhan ang naturang guro tungkol dito and thus ang siyang naging rason sa pagkakalipat ng binatilyong ito sa Alpha Section.
Naku-curious man ako tungkol sa kanya ay minabuting itago ko na lang ito sa'king sarili.
But that is when my dad gave me another order, days after that incident...
"I want you to befriend someone ng sa gano'n ay makakuha ka ng kahit ano'ng impormasyon tungkol sa kanya. O kung hindi man, just stay close to him... " Ipinatawag pa talaga ako rito ni dad sa kanyang opisina para sa panibagong iuutos niya sa'kin.
"Sino po iyon dad? " tanong ko, na para bang isang alipin na handang sumunod sa kanyang amo.
"Him." My dad placed a picture of a familiar guy sa ibabaw ng kanyamg table. Nakangiti itong nakatingin sa camera habang kinukunan siya rito para sa aming magiging school ID
'Di ko pinahalata ang bahagyang panlalaki ng aking mga mata ng maramdaman ko kung sino ang nasa litrato na iyon. Kung natatandaan kong mabuti ang kanyang pangalan...
... it's Cedric Magbanua.
---
Author's Note:
Sorry kung medyo natagalan ako sa pag-a-update. Kontrabida lang kasi itong migraine ko eh. Ito talaga ang number one hindrance sa aking pagsusulat, hehehe.
Anyway, kung havey sa inyo ang chapter na ito, don't forget to vote and leave a comment. Happy reading.
BINABASA MO ANG
Alpha Section
Science FictionAng Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan- ang Eastwood High- na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok. Subalit wala sa amin ang...