18. Hyper Senses

41 4 0
                                    

-MITCH-

Hello sa inyong lahat! Ako nga pala si Mitchelle Joey Navarro, a.k.a Mitch, labing-anim na taong gulang, at ang pinaka-poging miyembro ng Alpha Section.

Joke lang.

Isang panibagong araw na naman ang dumating sa paaralan ng Eastwood High. Pero nakakapagtaka naman kung bakit hindi ko pa rin nadidiskubre kung ano ang nakatago kong kakayahan unlike ng mga kaklase ko.

Oh wait, hindi pala ako nag-iisa. Kasama ko pala si Cedric dito mwehehehe.

Pero kung may napapansin man akong kakaiba sa'kin, 'yun ay ang hindi ako makatulog agad sa gabi. Teka, wala naman doong kakaiba ah. Siguro pati kayo rin diyang nagbabasa nito ay nahihirapang makatulog sa gabi.

Parang naririnig ko na boses ng nanay ko mula rito. "Kaka-selpon mo 'yan!"

Anyway, mag-a-ala sais na pala ng umaga. Humihikab-hikab pa akong umaakyat sa hagdan ngayon patungong ikatlong palapag ng building. Panira naman kasi itong first period class namin, bakit kailangan pang 6:30 ng umaga pa kami pumasok.

Wala sa sarili akong umaakyat ng hagdan ng may masagi akong braso kaya bumalik ulit ako sa katinuan.

"Sorry." sabay naming bigkas ng nakabunggo ko. 

Napaangat naman ako ng tingin at halos manlaki ang aking mga mata ng makita ko ulit ang isang napaka-pamilyar na babae sa akin. Kung may pinagbago man ito, iyon iyon ay ang tumangkad siya ng kaunti, at ang dating nakapigtails niyang blonde hair ay nakalugay na ngayon, with matching curls pa sa dulo.

Pansin ko rin na naka-pin sa kaliwang bahagi ng dibdib nito ang isang silver-plated na badge na may roman numeric: II .

"Abby?!" gulat kong sambit.

Kita kong kumunot pa muna ang kanyang noo bago niya pa ako makilala. 

"Mitch?!" gulat niya ring sambit.

Abigail Marquez... siya lang naman ang childhood crush ko ever since nagtagpo ang aming mga landas dati no'ng bagong lipat siya sa aming neighborhood sa tinitirhan ko dating subdivision.

Tandang-tanda ko pa noon kung paano nagconfess ang maharot na sampung-taong gulang na si ako sa kanya dati... na para bang kahapon lang kung maituturing.

***

-Flashback-

"Happy birthday Abby!" masayang bati ng sampung taong na si ako sa kaka-sampung taon lang din no'n na si Abigail sabay bigay ng aking regalo sa kanya.

Nasa pool side kami ng mga oras na iyon. Nagpa-party kasi ang kanyang mga magulang sa kanilang exclusive resort  sa kanyang ika-sampung kaarawan.

Tipid naman siyang ngumiti sa'kin. "Thanks."

Pagkakuha niya ng regalo mula sa'kin, akmang aalis na sana siya para puntahan ang kanyang mga kaibigan ng bigla kong hawakan ang kanyang kanang palapulsuhan.

"May... gusto ka pa bang sabihin Mitch?" awkward niyang tanong tas inilayo ang kanyang tingin sa'kin.

"I've always wanted to say this, pero nauunahan ako parati ng kaba eh..." panimula ko. Tiningnan niya ako nang may halong pagtataka sa kanyang mukha.

"Pero hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito." Humugot muna ako ng sangkaterbang lakas ng loob bago magpatuloy. "I like you, Abigail Marquez."

Hindi ko naman namalayang napalakas ang pagkakasabi ko no'n, na ang lahat ng mga ando'n no'ng mga oras na iyon ay natigil talaga sa kanilang mga ginagawa at napatingin sa aming dalawa.

Alpha Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon