Nasa library pa rin kami nina Mitch at Kylie, na pareho akong pinipilit ngayon na gamitin ang aking kakayahan. Siyempre no'ng una, ayaw ko, since hindi pa naman kumpirmado kung ako nga ba talaga ang may kasalanan sa pagkamatay sa dalawang estudyante na iyon, pero sa huli ay napagdesisyunan ko na rin na sundin ang suhestyon nilang dalawa.
Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko, 'di ba?
"Utusan mo si Kylie na sumayaw." Nagulat naman ako no'ng biglang lumapit sa'kin si Mitch at bumulong malapit sa tenga ko. I just looked at him in disbelief.
"Sige na." pag-udyok niya pa lalo. Ito talagang lalaking ito oh, dinadamay ako sa kanyang kalokohan.
Well, pasensyahan na Kylie...
Hinawakan ko na ang palapulsuhan ng babaeng nakatayo sa harapan ko, na ngayo'y nakapikit ang kanyang mga mata.
"Sumayaw ka ngayon sa harapan namin." utos ko. What the heck ang mga pinaggagawa ko ngayon.
Nagsimula namang humagalpak sa tawa si Mitch no'ng nagsimula nang sumayaw ng mala-hiphop dance si Kylie sa'ming harapan. Pero...woah, may talent naman siya sa pagsasayaw eh. Siraulo lang talaga itong lalaking katabi ko ngayon.
"Okay huminto ka na." Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata habang sinasabi ito, na siyang malugod niya namang sinunod. Napangisi lang ako no'ng tumingin ito sa akin ng matalim tas ang nalipat naman ang tingin niya sa aking katabi, and there was a smirk formed on the corner of her lips.
Lumapit si Kylie sa akin at bumulong din sa kabilang tenga ko. "Ipag-moonwalk mo 'yang si Mitch." suhestyon niya.
Siyempre, para maging fair para sa kanilang dalawa, sinunod ko rin ang utos niya. Nagbabadya na akong hawakan ang kamay ni Mitch no'ng bigla niya itong inilayo.
"Teka, ano ba 'yang inutos niya ha?" tila kabado niya pang tanong.
"Basta, akin na 'yang kamay ko." Hindi ko naman sinasadyang utusan siya na agad niya ring sinunod. Pagkalapit ng kanyang kamay ay agad kong ibinigay ang utos ni Kylie.
"Mag-moonwalk ka sa harapan namin." utos ko na siya naman niyang sinunod.
Humagalpak din ng tawa itong si Kylie pagkakita niya kay Mitch na sinunod ang utos ko. Phew, buti na lang talaga at walang librarian na nakabantay dito, or else lahat kami ay malalagot sa aming kinatatayuan.
Makalipas ang ilang segundo ay pinatigil ko na rin si Mitch sa kanyang ginagawa, pero si Kylie ay hindi pa rin nahimasmasan sa kanyang pagtawa.
"Grabe Kylie, tawang-tawa ka talaga riyan ha." pagpuna naman ni Mitch. Sa puntong ito ay tumigil na rin siya sa kakatawa at tumikhim muna bago sumagot.
"Siyempre, pwede mo ng palitan si Michael Jackson." biro niya. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.
Pero agad ding nawala ang kasayahan ko no'ng mapagtanto ko na rin sa wakas kung ano ang tunay kong kakayahan. Hindi pa rin ako mapakali sa trahedyang nangyari dahil sa akin... Ni hindi ko nga malaman kung isa ba itong gift na ipinagkaloob sa'kin...
.... or isa ba itong curse.
"Ngayong alam na natin ang iyong kakayahan, ano na ang plano mo ngayon? Well, kailangan malaman ng adviser natin ang tungkol rito. I'm sure matutuwa iyon." Pagbasag ni Kylie sa saglit na namuong katahimikan.
"Hindi niya dapat malaman ang tungkol dito." Agaran kong sabat sa kanya. "Or kahit sinumang kaklase natin sa ngayon."
"Bakit naman?" kunot-noong tanong naman ni Mitch. "Mayroon kang sobrang cool na kakayahan. Bakit ayaw mong ipagmayabang... lalo na do'n sa Warren na iyon?"
BINABASA MO ANG
Alpha Section
Science FictionAng Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan- ang Eastwood High- na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok. Subalit wala sa amin ang...