20.1 The News Article (Part One)

39 3 0
                                    

-CEDRIC-

Saktong pagkalabas ko ng aking dorm room ay siyang paglabas din ni Mitch sa sarili niya ring kwarto. Oo nga pala, magkatabi lang kami ng kwarto nito.

"Good morning!" masigasig niyang bati as soon as mapagawi ang kanyang tingin sa akin. Kasing hyper niya si Kylie kung bumati.

"Good morning din sa'yo." pagbati ko rin sa kanya sabay ngiti.

Matapos ang saglit naming pag-uusap na 'yon ay sabay na kaming naglakad paalis sa'ming dormitory at papunta sa student learning building.

Pagkarating namin doon ay agad naman kaming sinalubong ng mga estudyanteng nakatambay sa hallways, dalawang lalaki at isang babae. Nang matingnan ko ang kanilang mga pins, napag-alaman kong galing ang mga ito sa sections 1-3.

"Hello sa inyo. Ikinagagalak naming imbitahan kayo na sumali sa aming sports club. Lubos naming ikakasaya kung may sasaling alpha student sa'ming pangkat." anyaya no'ng isang lalaking estudyante na may kulay auburn na buhok at mukhang kakagising lang dahil sa ayos ng buhok nito.

Napakamot na lang ako sa aking batok. Halata namang hindi ako mukhang sporty yet nakatanggap kami ng imbitasyon para sumali sa sports club.

"Ah eh... pass ako." I politely declined, then afterwards ay itinuro ko 'yung kasama ko rito. "Siya, baka gusto niyang sumali."

Kita ko ring napakamot ng kanyang ulo itong kasama ko.

"Pass din ako guys. Hindi ako mahilig sa sports eh." sabi niya. Sabi na eh hindi rin siya sporty gaya ko.

"Awwww okay lang 'yun." ani no'ng kasamahan nilang babae na may shoulder-length na pulang buhok . "Pero if may kilala kayo sa section ninyo na mahilig sa sports, rekomend niyo ang aming club ha."

"Sige. Maasahan niyo 'yan." tugon naman ng kasama ko sa kanyang energetic na tono.

Matapos no'n ay nagsimula na ulit kaming maglakad. Kaso bago pa talaga kami makapunta sa hagdan ay sunud-sunod ang mga club invitation na natatanggap namin galing sa mga estudyanteng abala sa pangre-recruit sa hallway.

Ilang beses rin namin silang nireject bago na kami tuluyang nakaakyat ng hagdan hanggang sa makarating na rin kami sa wakas sa aming classroom.

"May idea ka ba kung ano ang nangyayari ngayon at bakit andaming nangre-recruit na estudyante sa hallway?" kunot-noong tanong ni Mitch kay Kylie no'ng makaupo na kami sa aming silya. Pagkarating namin ay nakaupo na sa kanyang assigned seat itong kaibigan namin.

"Ah! 'Yun ba? Natural na 'yun since malapit na ang school festival ng eskwelahan." sagot naman ni Kylie. Pati ako ay nagtaka na rin.

"May school festival din pala ang Eastwood High. Kasali rin ba diyan ang section natin?" natanong ko.

Alam niyo na, katulad no'ng Family Day, hindi allowed na sumali ang Alpha Section due to confidentiality.

"Oo naman noh. Pwede tayong sumali sa mga clubs. In fact nakasali na ako eh." With her statement, nakuha niya agad ang aming atensyon ni Mitch.

"Talaga? Ano naman 'yun?" sabay pa talaga naming tanong ng katabi ko. Mukhang ang usapang club na ito ang siyang naging dahilan kung bakit nanatiling gising pa rin ang lokong ito.

"Journalism Club."

Bago pa kami makapagreact ay may umepal sa aming usapan.

"What a lame club naman 'yan. Sabagay, baduy din 'yung members do'n kaya bagay na bagay ka roon." pagsingit ni Sasha sabay tayo at humarap pa talaga sa'min.

"Oh bakit, may sinalihan ka na ring club ha?" tanong ni Mitch.

"Of course, ako pa." Inayos niya muna ang kanyang buhok pagilid bago ulit nagsalita. "That would be in theater club."

Alpha Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon