Pagkapasok na pagkapasok ko sa aming classroom sa room 409 ay nadatnan kong nagkukwentuhan lang ang mga kaklase ko sa kani-kanilang mga silya, as if wala silang pakialam na kinabukasan na gaganapin ang exam.
"Ano'ng meron?" natanong ko rito kay Kylie as soon as nakaupo na ako sa aking assigned seat. Alam niyo na, nadatnan ko na namang tulog ang isa naming kaibigan sa'king tabi.
"Nagchat kasi si Mr. Cruz. Sabi niya hindi daw siya makakapunta rito due to an important meeting. Pero inabisuhan niya pa rin tayo na mag-aral para sa gaganapin na exam bukas." paliwanag naman niya.
Seeing my confused look, napataas ang isang kilay ni Kylie sa akin.
"Bakit? Hindi mo ba nakita ang kanyang message sa group chat natin?" natanong niya.
Napangisi lang ako sabay lungo ng aking ulo. "Hindi eh."
Hindi ko rin naman ugaling magtsek ng messenger ko eh. Wala naman akong ka-chat kaya hindi na ako masyadong nagsasayang ng aking oras doon.
Imbes na sayangin din ang oras ko gaya ng ginagawa ng mga kaklase ko rito, minabuti ko na lang na buklatin ang isa kong textbook at nagsimula nang magbasa. Hindi pa ako gaanong nakakapagsimula ng marinig ko ulit magsalita itong babaeng nasa harapan ko.
"Bakit nagsosolo kang mag-aral dyan? Pasali naman. Gisingin mo na rin 'yang si Mitch para makapag-aral tayo as a group." suhestyon niya. Ibinaba ko ang binabasa kong libro at tumango.
Tumingin ako sa aking kanan at kinalabit ng ilang beses itong si Mitch. Sa pangpitong kalabit ko sa kanya eh buti naman at nagising na siya. Kinalaunan ay sinimulan na rin naming bumuo ng isang study group at nag-aral sa loob ng classroom.
"Oh? Tingnan niyo nga naman, nag-aaral ang estudyante mula sa pang-huling section."
Asar akong napaangat muli ng tingin. Unang bumungad sa akin ang nakakabadtrip na pagmumukha ni Warren habang nakatayo ito mula sa kanyang upuan sabay halukipkip ng kanyang dalawang braso sa kanyang dibdib.
Dahil sa kanyang sinabi ay siyang ikinatawa naman ng ilan ko pang kaklase sabay tingin sa aking direksyon.
"Losers remain being losers, how much you try hard." ani no'ng maarte naming kaklase.
'Wala ka nang pag-asa brad." sabat naman no'ng isa sa mga kambal.
Pinilit kong dedmahin ang kanilang pinagsasabi at magconcentrate sa kanilang mga pinagsasabi. Pero ayaw akong tantanan ng mayabang na Warren na ito.
"Sasha's right. Losers remain being losers, how much you try hard." he said with a smirk.
Pinili ko pa ring manahimik pero napakuyom ako ng isa kong kamao. Napansin yata ito ng mga kaibigan ko kaya narinig kong sumigaw itong si Mitch.
"Ang sabihin niyo, tamad lang kayo mag-aral." bwelta nito.
"Yeah right. Baka nga maungusan pa kayo nitong si Cedric dahil sa sobrang katamaran niyo mag-aral. Mahina naman kayo kung gano'n." pagsali rin ni Kylie sa usapan.
I heard that Warren sneered. "Me, being defeated by that loser?"
Kita kong sinamaan ako ng tingin ng jerk na ito kaya hindi rin ako nagpatalo at sinamaan ko rin siya ng tingin pabalik.
"Himala kung maituturing kung matatalo ako ng hunghang na ito pagdating sa exam. You all know I've always got the upper hand." the jerk continued.
Saglit kong nakita na nag-iba ang ekspresyon sa mukha ng epal na ito no'ng magawa kong mag-smirk sa kanyang harapan.
"Talaga ba, Warren?" I asked in a mocking tone. "We'll see about that."
Napa-ooohhh naman ang mga nakikinig sa'min, dahilan para patahimikan sila ng mayabang na ito.
BINABASA MO ANG
Alpha Section
Ciencia FicciónAng Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan- ang Eastwood High- na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok. Subalit wala sa amin ang...