17. Forms of Properties

40 4 0
                                    

"Forms of properties." 

Nakasunod lang ang mga mata namin sa aming adviser na nagsisimula ng magdiscuss sa gitna. Ang kanang kamay niya'y kasalukuyang nagsusulat sa whiteboard at nang matapos na niyang maisulat ang katagang sinabi niya kani-kanina lang, agad din siyang humarap sa'min.

"Since hind natin masyadong na-discuss ang tungkol dito, hayaan niyo akong mas i-elaborate pa ang ibig nitong sabihin." ani pa nito.

Lahat kami ay nanatili pa ring tahimik habang matiyaga naming hinihintay magpatuloy ang aming guro. I wonder kung makakatulong ba ang topic namin sa araw na ito para malaman ko na rin sa wakas kung may taglay nga ba akong kapangyarihan o wala.

"May tatlong forms ang bawat properties. Properties that belong in the first form are those that can be used for a long period of time but in relative low levels of power. Meaning ang mga properties dito ay hindi gaanong need ng malakas na pwersa for their powers to work. Ito rin ang pinaka-safe among the three."

"Second form, on the other hand, can be used for a higher level form of power compared to the first form. However..." Bahagyang napatigil si Mr. Cruz at isa-isa kaming pinasadahan ng kanyang tingin.

 "There is a limitation under this form. Each time the property is being used, the user's power shorten also until that time comes na mawawala na ng tuluyan ang kanyang property at muli siyang babalik sa pagiging isang normal na tao with his memories erased automaticallly once mawawala na sa kanya ang kanyang powers."

Natigil naman ako sa pagte-take down notes ng mga kasalukuyang idini-discuss ni Mr. Cruz at bahagyang nanlalaki ang aking mga mata na napatingin sa aming guro. Posible rin palang mawala ang property ng isang tao kapag nagamit na niya ang lahat ng kakayahan nito hanggang sa huling sandali.

"Last but not the least... the third form. Kumpara sa dalawang form na nabanggit ko kanina, third form properties can be used with an excessive amount of power as much often as the user desires. But then again, ika nga nila... great power comes with great responsiblity." 

"Kahit na malalakas ang mga properties na kabilang sa pangkat na ito, may tinatawag pa rin tayong limitasyon. Each time kasi that the user uses his or her property, especially in a large amount of power and if he or she uses their powers more often, the user's body deteriorates which can cause an early death to him or her. "

Narinig naman naming lahat ang maarte naming kaklase na napasinghap sa kanyang mga narinig. Kahit ako nga rin dito ay hindi rin makapaniwala na such form do exists in real life. Akala ko lang kasi sa movies or animes ko lang ito nakikita.

Again, hindi ko naman maiwasang mapaisip tungkol sa nakatago kong kakayahan, at kung saang form ba ako belong. Kung meron nga akong kakayahan, sana naman sa first form ako nabibilang or pwede na rin sa second form.

Basta huwag lang sa pangatlong form. Gusto ko pang mabuhay ng matagal.

"Marahil ay nagulat kayo sa inyong mga narinig. Pero, as what I've said, kapag inabuso ninyo ang paggamit ng inyong kakayahan, 'yun ang magiging mitsa ng maaga niyo ring pagkamatay. Pero kung nag-iingat na naman kayo parati, I'm sure hinding-hindi iyon mangyayari sa inyo." 

Napangiti ang aming class adviser sa buong klase while giving his reassurance para somehow ay hindi kami gaanong mag-alala tungkol sa aming narinig.

"Do you have any questions bago ko kayo idismiss?" Napagawi ang tingin ni Mr. Cruz sa kanyang wristwatch. "Maya-maya'y oras na para sa inyong two hour break."

No'ng una ay wala munang umimik sa'min at akala ko nga ay masyado na silang nagmamadaling magbreak kaya walang gustong magtanong, pero kinalaunan ay nakita kong napataas ng kamay itong classmate ko na may telekinesis property.

Alpha Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon