After that brief eureka moment I had with Kylie, sunod naman naming pinag-usapan kung paano namin malalaman mismo sa bibig ni Warren na wala nga siyang kinalaman sa anonymous messages na natatanggap namin these past few days?
Kahit gaano ko pa kinaiinisan ang taong ito, I was still hoping na hindi siya involved sa kasong ito, or else he could get expelled for this.
"We should definitely take him by surprise, kung saan hindi niya inaasahang magpapakita tayo sa kanya. In that way, malalaman talaga natin na totoo ang kanyang mga sasabihin sa atin," Kylie suggested and we all agreed on that.
"Kung gano'n, kailangan na lang natin pag-isipan kung saan at kailan natin siya ikokorner, tama?" tanong ko.
"Yup."
Napahalukipkip ulit ako ng mga kamay ng pilit kong iniisip kung saan at kailan nga ba pwedeng ikorner ang lalaking ito. Hindi naman pwedeng basta-basta na lang kaming magpapakita sa kanya during classes, at hindi rin pwede na may mga ibang estudyanteng umaaligid sa amin kung maaari lang sana. Ayokong makatunog sila na may problemang kinakaharap ang Alpha Section ngayon.
The best place and time to corner him for me would be in front of his dormitory room after classes. That's several hours from now.
Mitch straightened his position on the bench saka nagsalita. "Should we tell others about this? I mean, we are dealing with a potential traitor here kaya mabuti na rin na alam ng iba ang tungkol sa plano natin maliban syempre kay Warren."
"I doubt kung makikipag-cooperate sila sa atin, considering how much they must be idolizing Warren," komento ko. Naalala ko kasi na madalas nakikisabay sa trip ang iba naming kaklase sa loob ng classroom.
Lahat sila... maliban lang kay Elise.
"On the second thought," muling saad ko. "Pwede tayong humingi kay Elise ng tulong sakaling kokrompontahin natin si Warren. Remember, may seismic sense siya kaya nalalaman niya kung nagsisinungaling ba ang isang tao or hindi."
"Good idea," parehong pag-agree nina Kylie at Mitch sa suggestion ko.
Now... The plan has been successfully formulated. Ang kulang na lang ay dalhin ang aming plano into action ng sa gano'n ay matuldukan na ang pagdududa namin kay Warren.
Matapos ang medyo may kahabaan naming diskusyon tungkol sa problemang kinakahap namin ngayon ay saka naman tumunog ang school bell, hudyat na tapos na ang aming break at kailangan na naming bumalik sa aming mga klase.
***
Inaasahan ko ng medyo mabablangko ako sa pa-long quiz ng aming guro para sa subject namin ngayong araw, at sa History pa kung saan ayaw ko talaga 'yung nagsasaulo ng mga pangalan, birthday, at even lovers ng mga patay na tao na matagal ng ibinaon sa limot at hindi naman masyadong significant sa mga buhay natin kung tutuusin.
Our History teacher made sure na hindi kami makakapangopya sa aming mga katabi kaya nagsipag talaga siya at nagbigay ng dalawang magkaibang sets sa aming mga estudyante niya, an effort that should be recognized by the school, I must say.
Dahil sa pangyayaring ito, ekis na agad ang balak kong paggamit ng aking tinatagong kakayahan para makaextract ng answers mula sa mga matatalino kong kasama ngayon.
Oh well, bahala na si batman. Nanliliit pa ang mga mata kong nagbabasa ng mga nakalagay na mga questions sa 30-item long quiz na pinaprint pa talaga ng teacher namin bago maibigay sa amin ngayon. Kulang pa yata ang exam na kamakailan lang nangyari kaya nagdecide siyang mas lalo kaming pahirapan ngayong araw.
Todo concentrate pa ako sa binabasa kong katanungan ng maramdaman ko naman ang pag-vibrate ng aking phone. Kung sinuman itong tumatawag, ang wrong timing niya namang pumili ng oras para tawagan or i-chat ako!
Saglit lang tumigil sa pagvibrate ang phone ko sa loob ng aking bag ng kinalauna'y bumalik na naman ito sa pagvibrate. Pilit ko munang iniignore ang paghuni ng aking phone hanggang sa nakaapat na beses na atang vibrate ng aking phone saka ko lang napagtanto na baka isa itong urgent matter.
Nabalik ang atensyon ko sa sinasagutang test paper at halos mapabuntung-hininga ako sa inis ng makita kong wala pa ako sa kalahati. Since ayaw akong tantanan ng aking phone, I tried my best to answer my test paper as fast- and efficient-- as possible.
Kulang na lang ay tumakbo ako sa desk ng aking History teacher ng bigla akong mapatayo at pumunta sa harapan para ipasa ang aking test paper.
Medyo napataas pa ng kilay ang guro sa akin, marahil ay nagtataka kung paano ko ito natapos sa loob lamang ng labinlimang minuto bago niya ito kinuha mula sa aking mga kamay at ipinatong ito sa ibabaw ng kanyang mesa.
"Pwede na ba akong lumabas sir since tapos ko na ang long quiz?" May konting sense of urgency pa sa tono ng pananalita ko na hindi ko nagawa pang ikubli.
"Sige. Maaari ka ng lumabas, Mr. Magbanua" sagot naman ng aking guro.
Nagpasalamat muna ako sa kanya saka ko kinuha ang aking backpack at nagmadaling lumabas ng aming classroom. Kinuha ko na rin agad ang aking phone na ngayon ay tumigil na sa kakavibrate at napansin ang tatlong magkakasunod na missed call mula kay Mitch at isang unread message.
So siya pala ang tumatawag sa amin kanina. Nakalimutan na niya yata na huli akong nakakauwi sa aming tatlo.
Agad ko namang binuksan ang kanyang unread message at medyo nanlaki pa ang mga mata ko ng mabasa ko na rin ito sa wakas.
"Bro! Nataong wala kaming klase ngayon sa'ming last period kaya napiling sundan ni Kylie si Warren. Kasalukuyan sila ngayong nag-uusap sa rooftop. Punta ka agad dito for immediate backup."
Ano ba ang iniisip ni Kylie at bakit niya napiling sundan si Warren? Pero tutal nangyari na ito eh wala na akong magagawa pa kundi ang sumunod na lang rito.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-dali ko namang binagtas ang kahabaan ng hallway bago makarating sa hagdan paakyat sa rooftop ng Student building kung saan eh marahil nag-uusap pa sina Warren at Kylie ngayon.
Ngunit nakakapagtaka lang ang kilos na ipinamalas ni Kylie ngayong araw. It's as if tiwala rin siya na makakausap niya si Warren.
My guess? Kylie and Warren might already know each other before without all of us knowing, thus explains her reluctance kanina ng mabanggit ang name ni Warren as our potential suspect for the anonymous message.
BINABASA MO ANG
Alpha Section
Bilim KurguAng Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan- ang Eastwood High- na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok. Subalit wala sa amin ang...