-CEDRIC-
Kasalukuyan kaming nasa dorm room ni Kylie at nag-iisip kung ano ang susunod naming hakbang tungo sa pagtuklas sa misteryong nasa likod ng nabanggit na news article.
Nakaupo kaming tatlo sa carpeted floor ng kanyang kwarto at nasa harapan namin ang nakuhang copy ng school newspaper ni Kylie do'n sa kanilang clubroom.
Napag-isip isip ko rin kanina na makakatulong sana kung maaalala niya 'yung kanyang mga nakita sa loob ng science lab noong gabing pumunta kami ro'n. Kaso sabi niya nga, nakalimutan niya na raw ang lahat ng iyon.
What if kung kaya pang i-retrieve ang mga nawalang memories na iyon? I know there's got to be a way of doing that!
So with that thought, napagdesisyunan kong harapin ang aking kaibigan, na siyang nakaupo sa aking kanan. Bumuntong-hininga muna ako saka ko binasag ang namuong katahimikan sa loob ng kanyang kwarto.
"Kylie... 'di ba sabi mo hindi mo na maaalala ang mga kaganapan no'ng nagpunta tayo sa science lab nung isang araw, tama?" panimula ko. Kita ko namang tumango ang dalaga sa aking katanungan.
"Paano kung susubukan mo ulit na alalahanin ang lahat ng mga pangyayaring iyon? Alam kong hindi basta-basta nawawala ang ating memorya..." Then ang isang daliri ko ay napaturo sa gilid ng aking ulo.
"...kundi nakaimbak lang sa subconscious part ng ating utak."
Kita ko namang nanlaki ang mga mata nina Kylie at Mitch sa aking sinabi. Kung tama nga ang aking teorya, then may posibilidad pa na maaalala nitong kaibigan namin ang mga nawala niyang alaala no'ng araw na iyon.
"At paano naman natin magagawa iyon Cedric?" tanong ni Kylie, hindi niya mawari kung ano ba ang dapat niyang gawin.
Nagkaroon ng saglit na katahimikan habang iniisip ko pa ang paraan kung paano ito mareresolba. Out of instinct, I rested one hand sa kanyang kanang balikat kaya napaangat ang tingin sa akin ng dalaga.
"Ipikit mo ang iyong mga mata..." Walang-imik naman akong sinunod ng kaharap ko saka ako nagpatuloy. "... huminga ka ng malalim, at subukan mo ulit alalahanin ang lahat ng mga nakita mo sa loob ng science lab."
Hindi naaalis ang titig ko rito kay Kylie as I observed her do the things that I've instructed her to do. Marahang napapikit ang aming kasama as she tries her best to remember the events that she saw on the science lab.
"I can't... Wala talaga akong maalala Cedric..." daing ng dalaga sabay mulat ng kanyang mga mata at napatingin sa akin. Pero hindi ko pa rin inalis ang kapit ko sa kanyang balikat.
"Try harder... I know you can do it." pang-e-encourage ko pa lalo.
Muling ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata at sinubukan ulit alalahanin ang mga nangyari. Kami naman dito ni Mitch ay matyaga namang naghihintay sa kung anumang sasabihin niya sa amin.
Matapos ang ilang minutong katahimikan, sa wakas... narinig na naming nagsalita itong si Kylie.
"M-may...isang lalaking high school student na parang kasing edad ni Cedric ang pumasok sa loob ng science lab... tas sa likod niya ay mga matatangkad na lalaki na pawang nakaitim na kasuotan." ani nito habang nakapikit pa rin.
Kita ko ang namumuong pawis sa kanyang noo na marahan niya ring pinahid gamit ang kanyang kamay.
"Sa gilid no'ng estudyante ay isa ring lalaking nakasuot din ng itim... Sa harapan nila ay isa ring lalaking estudyante na sabi kong kamukha ni Cedric na may bitbit na kulay asul na plastic envelope...tapos..."
Pansin kong ang isang kamay niya ay napunta sa kanyang bibig at marahan itong tinakpan at tila nanginginig ang buong katawan nito.
"...tapos hindi ko na alam ang ginawa nila kay Jay, basta ginapos na lang nila ito. At ang sunod ko na lang na nakita ay may kumuha sa hawak-hawak ni Jay na isang babae na hindi ko naaninag ang mukha sabay alis."
BINABASA MO ANG
Alpha Section
Science FictionAng Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan- ang Eastwood High- na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok. Subalit wala sa amin ang...