Eastwood High- Ito ang pinaka-tanyag na eskwelahan sa aming bayan ng Alfonso at pati na rin sa buong Pilipinas. Ito ay sa kadahilanang ang lahat ng mga henyong kabataan sa bansa ay dito pinag-aaral ng kanilang mga magulang.
Katulad siguro ng ibang eskwelahan, ang paaralan ng Eastwood High ay may sariling divided system na kung saan nahahati ang bawat estudyante sa anim na sections. At ako, na pinalad lang na makapasok dito, ay nabibilang sa panghuling section.
Ang bawat estudyante ng Eastwood High ay may iba't-ibang pagtrato, at ito'y nakadepende sa section na kinabibilangan namin. Pero kung may maswerteng section man sa eskwelahang ito in terms of privileges, ito na yata ang kilalang Alpha Section sa buong campus.
Ang Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok.
Subalit wala sa amin ang talagang nakakaalam ng mga sikretong bumabalot sa naturang section maliban lang sa mga kasapi nito...
At dahil sa isang 'di inaasahang paglipat ko sa section na ito, nagsimulang magbago ang takbo ng buhay ko.
Ang pangalan ko'y Cedric Magbanua, isang freshman student. At ito ang aking kwento tungo sa pagtuklas ko sa mga misteryong bumabalot sa aking pagkatao, sa mga taong nasa paligid ko, sa buong Eastwood High...
At siyempre, sa Alpha Section.
***
Author's Note:
Again, welcome to the world of Eastwood High!
First time ko lang magsulat ng ganitong klaseng story. Ang series na "The Gifted" ang inspirasyon ko para rito. Other inspirations for the plot came from some other sci-fi/mystery-thriller books/animes/movies/kdramas that I've read/watched.
This story doesn't focus on romance thingy.
This is written in TagLish
Updates are every Fridays and Saturdays.
Hindi ako professional writer so typos, grammar and spelling errors may be present sa storyang ito.
Happy reading! :)
BINABASA MO ANG
Alpha Section
Science FictionAng Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan- ang Eastwood High- na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok. Subalit wala sa amin ang...