Isang araw matapos kong maibunyag sa lahat tungkol sa aking natatanging kakayahan, tinawag ni Mr. Cruz ang aking atensyon sa harap ng iba ko pang mga kaklase bago niya simulan ang kanyang pagtatalakay.
"Mr. Salviejo wants to see you in his office after your classes." pahayag nito.
Ha? Ang school director?
Ah! Muntik ko ng makalimutan ang tungkol sa kanyang ipinangakong premyo para sa kung sinumang makakakuha ng pinakamataas na marka sa aming special exam.
"Oh. O-okay po, sir." nahihiya ko pang turan saka ako umupo ulit.
Hindi ko naman napalampas ang pagkakataong makita ang mapangkutyang tingin sa akin ng aking epal na kaklase na si Warren. Minabuti ko na lamang na huwag itong pansinin at ituon na lang ang aking atensyon sa topikong idinidiscuss sa amin ng aming guro.
Nang tumunog na ang school bell hudyat para sa aming 2-hour break schedule, as usual ay sabay kaming nagtungo nina Kylie at Mitch sa cafeteria at masayang kinain ang aming meryenda para sa araw na ito.
"Ano ba ang gusto mong hilingin mula sa school director, Cedric?" natanong ni Kylie matapos lunukin ang kanyang kinakain.
Napatigil ako sa pagsubo ng aking kinakaing sandwich at napatingin muna sa kanya.
"Hindi ko nga rin alam. Hindi ko naman pinag-isipan ang bagay na iyon tutal hindi ko rin naman inaasahang mananalo ako sa naganap na competition eh." tapat kong pagsagot sa kanyang katanungan.
Agad namang umimik si Mitch.
"How about hilingin mong patalsikin 'yang Warren na 'yan mula sa Alpha Section, para everybody happy?" suhestyon niya.
Hindi ko mawari kung seryoso ba ito sa kanyang pahayag o sadyang nagbibiro lamang ito.
"Hindi pwede. Mas matagal siyang naging parte ng Alpha Section kesa sa akin. Hindi naman siguro basta-bastang mapapatalsik iyon, ano?" I said as a matter of fact.
Natahimik bigla si Mitch at napaisip din sa aking sinabi.
Nag-isip pa ako ng ibang mga pwedeng hilingin mula sa direktor. Pero wala talaga akong maisip eh.
Ano kaya ang magandang hingin na hindi lamang ako ang makaka-benepisyo, kundi pati na rin ang iba pang mga estudyante ng Eastwood High?
Kinalaunan ay tumunog na rin ang panghuling bell na hudyat ng break schedule para sa mga nasa lower sections 5-6. Pansin ko ang iba sa kanila ay nakikilala ko sa itsura at ang mga ito ay halatang kanina pa naghihintay ng kanilang break.
Either wala silang kain kagabi or nagskip ng breakfast ang mga 'yan. Naaalala ko kasi na noong nasa panghuling section din ako, konti lang ang rasyon ng pagkain para sa kagaya namin. Hindi siya nakakasapat para sa isang meal.
Kaya naman ako'y naaawa na tumingin sa kanilang mga kalagayan sa ngayon.
Suddenly, an idea struck me real hard!
That's it... Mukhang alam ko na kun ano ang aking hihilingin!
Kagaya nga ng sabi ni Mr. Cruz kanina, pagkatapos ng aming panghuling subject para sa araw na ito ay agad kong binagtas ang hallways para makaalis sa general student learning building at ako'y dumiretso na ng admin building kung saan matatagpuan ko ang office ng school director sa panghuling floor ng building.
Pagkapasok ko ng elevator sa nasabing building ay agad ko nang pinindot ang numerong diyes bago tuluyang nagsara ang mga pinto ng elevator at nagsimula na itong umaandar paakyat ng building.
Habang naghihintay sa muling pagbubukas ng elevator ay tila inensayo ko muna ang mga dapat kong sasabihin sa aming school director sa oras na kami ay magkita sa kanyang opisina.
BINABASA MO ANG
Alpha Section
SciencefictionAng Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan- ang Eastwood High- na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok. Subalit wala sa amin ang...