-CEDRIC-
Naalimpungatan ako sa wagas na tunog ng aking alarm na umaalingawngaw sa apat na sulok ng aking kwarto. Well, kasalanan ko rin 'yun dahil sa kinabitan ko lang naman ang phone ko ng bluetooth speaker in case hindi ako magising agad.
Alam niyo na, wala na akong matalik na kaibigan na taga-gising ko.
Niligpit ko na agad ang aking higaan at kinuha ang aking towel pagkatapos para pumasok na sa banyo, pero napagawi ang aking tingin sa may pinto ng 'di oras ng may narinig akong kumatok doon.
"Oh. Hi Mitch." sabi ko pagkakita ko sa'king kaklase pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Pumupungas pa ito sa'king harapan.
"Hindi naman sa nagrereklamo, pero at least I advise na huwag kang gagamit ng bluetooth speaker 'pag nagpapa-alarm." pikit-mata niyang sabi, halatang gusto pang matulog. "Muntik na kasi akong atakihin sa puso ng dahil sa'yo."
"Oh..." nahihiya kong tugon sabay kamot ng aking batok. I never knew magkatabi lang pala 'yung kwarto namin. "Pasensya na."
"It's okay. Sige, balik na ulit ako." nag-wave muna sa'kin si Mitch bago na siya umalis at bumalik sa kanyang kwarto.
Isinarado ko na rin ang aking pinto at naglakad papunta sa banyo. Ang weird naman, hindi ko naman sobrang nilakasan 'yung volume ng aking alarm at sinigurado ko namang wala akong mabubulabog na dorm-mates.
Well I guess, sensitive lang talaga siya sa sounds.
***
Kasalukuyan na akong naglalakad sa may ground floor patungo sa hagdan para makaakyat na ako sa 4th floor ng mapansin ko ang pagkaabala ng lahat ng estudyanteng naririto. Lahat sila ay tila nagkukumahog at naglalakad back and forth while some of them are on their phones.
O...kay? Ano kayang meron ngayon?
"Good morning Cedric!"
Napalingon ako sa'king kanan at bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Kylie habang nakatingin sa'kin. Himala at nakasabayan ko siya papunta sa room 409.
Suddenly, naaalala ko na naman ang isang weird na pangyayari tatlong araw na ang nakakalipas.
All of a sudden, biglang nawala ang kanyang memorya, na parang bula! Tatlong araw ko na rin siyang kinukulit na alalahanin ang mga nakita niya no'ng nagpunta kami sa Science Lab no'ng isang araw, pero kahit ano'ng gawin niya ay wala talaga siyang maalala.
Sa huli ay sumuko na rin ako sa kakakulit sa kanya and just kept my curiousity to myself.
"Good morning Kylie." pagbati ko rin sa kanya. Hindi pa rin naaalis sa'kin ang pagtataka sa mga nagaganap ngayon sa paligid kaya mabuti pa'y tanungin natin itong kasama ko.
"Alam mo ba kung ano ang nangyayari ngayon sa school?" nagtatakang tanong ko.
Tiningnan niya ako na para bang nanggaling ako sa planetang Mars. "Hindi mo ba alam? Everyone is aware of the Family Day celebration happening today. Nakasaad iyon sa events section sa'ting student handbook."
"Ohhh..." sambit ko, saka napakamot sa'king batok. "Sorry naman, hindi lahat nagbabasa ng student handbook gaya mo."
'Yung totoo nga, nakalimutan ko na kung saan ko iyon nailagay. Sssshhh...
"Kaso, sadly, Alpha Section doesn't participate on that kind of event. It's only for regular students from sections 1 to 6." dagdag pa nito. Kumunot naman agad ang noo ko.
"Ha? Bakit naman?" sabi ko.
"I don't know. For privacy purposes I think. Some parents do not know of our properties that we possess..." Saglit siyang napahinto at napatingin sa baba. "... gaya ko na lang for example."
BINABASA MO ANG
Alpha Section
Science FictionAng Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan- ang Eastwood High- na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok. Subalit wala sa amin ang...