1.The Divided System

254 10 2
                                    

CEDRIC

Minsan ba napapatanong din kayo sa inyong mga sarili kung ano ba talaga ang silbi natin sa mundong ito?

Siguro para sa'kin, bilang kasalukuyang freshman student sa paaralan ng Eastwood High, ang panandaliang silbi ko sa mundong ito sa ngayon ay maging isang mabuting mag-aaral nang sa gano'n ay mapakinabangan naman ako someday ng mundong ating kinagagalawan.

Pero hanggang doon na nga lang ba ang magiging silbi ko?

*Toink!*

Suddenly, natigil ako sa pagdungaw sa bintana ng aming classrom malapit sa kinauupuan ko at nabalik agad ako sa kasalukuyang nangyayari ng may naramdaman akong matigas na bagay na tumama sa'king noo. No'ng pinulot ko ito, napag-alaman kong isang maliit na piraso ng chalk lang pala ito.

Which means...

"Huwag na huwag niyong tularan 'yang si Mr. Magbanua. Hindi nakikinig sa klase at parang may sariling mundo! Ang mga estudyanteng gaya niya ay hindi na makakaangat pa ng section sa mga susunod na taon!"

Napagawi ang aking tingin sa naghihimutok ngayong adviser at Science teacher naming si Ms. Minchin, este si Ms. Santos. Tila nag-uusok ang magkabilang butas ng ilong nito habang nakatingin sa'kin.

At ang mga sipsip ko namang mga kaklase ay tatawa-tawang napapalingon sa'king direksyon. I rolled my eyes mentally.

Maya-maya pa ay napatigil sila sa kakatawa ng marinig naming lahat ang pagtunog ng school bell. Inayos muna ng aming guro ang kanyang sarili bago muling magsalita.

"That's it for today's class. You're dismissed."

Pagkarinig namin ng naturang paborito naming phrase galing sa'ming guro ay nagsitayuan na ang aming mga kaklase at nag-ayos ng kanilang gamit habang ako nama'y pa-cool na isinukbit ang isang strap ng aking bag sa'king likuran at inunahan na silang lumabas.

Oras na para sa pinaka-paborito kong subject, at iyon ay ang recess.

Allow me to introduce myself to you habang naglalakad lang ako rito sa hallway papuntang canteen. Ang pangalan ko'y Cedric Magbanua, labing-limang taong gulang, at isang freshman student sa tanyag na eskwelahan sa buong Pilipinas, ang Eastwood High. Hindi ako gano'n katalino, pero ang eskwelahang ito ay sikat sa pagkakaroon ng mga pinaka-matatalinong estudyante sa buong bansa. Even foreign students are studying here as well.

Siguro nga sinuwerte lang akong makapasok dito. Mukha lang akong matalino dahil sa nakasuot ako ng glasses, pero ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na hindi lahat ng nakaglasses ay matalino. May iba na malabo lang talaga ang mata, gaya ko.

"Bro! Kanina pa kita hinahanap!"

As soon as nakarating na ako sa cafeteria, agad kong namataan ang kababata kong si Andrew Dela Torre na nakaupo sa pinaka-unang mesa't-upuan na makikita ko pagkapasok. Agad naman akong pumunta sa kanyang kinaroroonan.

Again, hindi ako matalino, but my childhood friend here is. Ever since elementary eh consistent na siyang nasa top 1 ng aming klase. At ngayong nag-enrol kami rito ay 'di na ako magtataka pa kung napabilang man siya sa section 1.

"Alam mo namang huling pinapa-break ang mga tulad kong nasa last-section, 'di ba?" Sinamaan ko naman ito ng tingin pero nagpeace sign lang ang loko.

"Anyway, kukuha lang muna ako ng pagkain." sabi ko ulit tsaka nagtungo sa mahabang pila para sa mga estudyanteng nasa section 6, my section.

Kagaya ng ibang eskwelahan siguro, ang paaralan ng Eastwood High ay sumusunod sa kanilang so-called 'divided system' na kung saan ang bawat estudyante kada taon ay nahahati sa anim na sections: Section 1 being the highest of them and section 6, of course, being the lowest.

Alpha Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon