Kinabukasan, nagising ako ng sobrang sabog ang aking itsura.
Wala akong masyadong tulog habang binabagabag ako ng aking konsensya tungkol pa rin sa nangyari sa dalawang estudyanteng nagpakamatay sa ibabaw ng admin building.
Habang nakahiga pa rin ako sa aking kama, wala sa sarili akong napatingin ako ng 'di oras sa magkabila kong kamay.
Totoo nga bang...ako ang may gawa no'n?
Ano ba talaga ang abilidad na meron ako?!
***
Kinalaunan, napagpasyahan ko na ring maghanda para sa mga upcoming exams ko na hindi pa natapos kahapon. Nakatulala lang ako sa aking mga test papers, tila nabablangko ang aking utak kahit na pinagsumikapan ko namang aralin ang lahat ng ito.
Ahh, ano ba Cedric! Maghulos-dili ka nga riyan! May exams ka pang poproblemahin! You can't afford to distract yourself!
Throughout the entire day, pinilit kong magfocus sa pagsagot sa aking mga exams, at iniiwasang mapagawi ang aking tingin tungo sa ngayo'y mga bakanteng upuan no'ng dalawang estudyanteng isinumbong ko kahapon kay Ms. Santos.
No'ng sumapit na rin sa wakas ang aming break, nakita kong nagchat sa akin si Kylie na samahan silang magmeryenda ngayon sa cafeteria. And with that, agad din akong dumiretso doon after my exams para makipagkita sa kanila ni Mitch.
"Hey? Are you okay?" pambungad na tanong agad ni Kylie no'ng makita niya ang aking balisang itsura.
"Yeah--" I plastered a fake reassuring smile on my face. "--I'm fine."
Sinimulan ko na rin kainin 'yung meryenda na inabot sa akin ng cafeteria staff, pero kahit ano'ng gawin kong paglimot ay sadyang hindi ko magawa. Mas malala pa ito kesa sa breakup eh, not that nagka gf na'ko sa buong buhay ko or what.
"May bumabagabag talaga sa'yo eh. I can sense it." Hindi pa rin pala ako tinantanan ni Kylie at nakatingin pa rin siya sa'kin. "Come on now, spill it."
Even Mitch looked at me with a worried look on his face.
"Mamaya. This is not a good place to talk about it." I replied, which made them even more confused but chose to remain silent.
After no'n ay pinilit naming magkaroon ng isang matiwasay na meryenda.
***
"You did what?!"
Sabi na nga ba eh magpapaka-hysterical itong si Kylie matapos kong maikwento sa kanila ni Mitch ang tungkol sa nangyari sa akin kahapon. Present pa rin ang mga pasa na natamo ko mula sa dalawang iyon sa aking mukha kaya agad nila akong pinaniwalaan.
Kasalukuyan kaming nasa loob ng library para sa aming Alpha Students. Since wala namang masyadong namamalagi rito, ay dito ko na rin napagpasyahang sabihin sa mga kaibigan ko ang natuklasan ko kahapon.
"Keep your voice down Kylie. Maya niyan may makarinig sa iyo eh." saway naman ni Mitch sa kanya. Nag-sorry naman agad itong kaibigan namin sa inasal niya kanina.
"I was just...shocked... to know you have that great property within you." saad naman ng dalaga.
"The problem is, I can't confirm it yet what it is called, or if what happened on those two students is a just a mere coincidence only," I stated.
And with that, tinalikuran kami bigla ni Kylie at agad na nagtungo sa shelf kung saan nakalagay ang mga libro na naglalaman ng mga topiko about our properties. Isa-isa niyang pinasadahan ng tingin ang kada libro, hanggang sa ang kanyang hintuturo ay tumigil sa isang libro na may itim na pabalat.
BINABASA MO ANG
Alpha Section
Science FictionAng Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan- ang Eastwood High- na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok. Subalit wala sa amin ang...