19. First Encounter

37 3 0
                                    

-CEDRIC-

Pumipikit-pikit pa akong pumasok sa room 409 habang ang isang kamay ay nakatakip sa aking bibig para humikab na rin. Kahit matagal na rin akong nakapasok sa section na ito ay tila hindi pa rin sanay ang aking katawan na gumising ng ganitong kaaga.

"Good morning Cedric!"

Pagakaupo ko sa aking assigned seat ay humarap naman sa akin itong si Kylie at binati ako ng punung-puno ng energy, as usual. Sinubukan ko namang makipagsabayan sa kanya by plastering a smile to my face.

"Good morning Kylie."

Matapos ko siyang mabati, matik na napagawi ang aking tingin sa aking kanan at nakita ang nakaidlip na namang si Mitch sa kanyang upuan. Kita niyo nga naman ang lalaking ito, akala ko magbabago na ito pero gano'n pa rin pala.

Napangiti ulit ako nang mapag-isip isip ko na nadiskubre na rin pala ng kaibigan kong ito ang nakatago niyang kakayahan. Samantalang ako rito, wala pa rin akong kaalam-alam kung ano 'yung sa'kin...

O kung may kakayahan nga ba talaga ako.

...

"Hindi ako kailanman nagkamali sa mga nararamdaman ko sa'king paligid."

...

Bigla tuloy sumagi sa aking isipan 'yung sinabi dati ni Elise no'ng nagkasalubong kami sa daan no'ng nakaraang araw.

Kung totoo nga ang kanyang sinabi noong araw na iyon... then that means hindi talaga siya nagkamali sa pagpili sa'kin. Baka nasa sa'kin nga talaga ang problema.

"Oh, ba't parang bigla ka diyang nalungkot?" I snapped out of my thoughts nang marinig ko ang boses nitong si Kylie. "Iniisip mo na naman ba kung ano ang iyong property?"

Grabe, kahit saglit pa lang kami nito nagkasama, napaka-observant na niya sa akin at sa aking mga ikinikilos.

"Yeah." tipid kong sagot.

"Take your time. Huwag mo masyadong madaliin." Kylie gave me her reassuring smile. "Sooner or later, lalabas din 'yan, okay?"

Dahil sa kanyang sinabi ay napangiti na rin ako at napatango.

"Okay."

Matapos nang saglit naming pag-uusap ni Kylie ay agad din kaming umupo ng maayos ng makita naming magbukas ang pinto at iniluwa nito ang aming class adviser na si Mr. Cruz.

"Good morning class." pagbati niya sa'min sabay ngiti. 

"Bago tayo dumako sa ating discussion para sa araw na ito, nais ko munang magbigay ng isang anunsyo." Lahat ay natahimik sa tinuran ng aming guro. "Nakapili na ang school director ng magiging batch leader para sa inyong batch."

Nawalan na agad ako ng interes sa kanyang i-a-anunsyo. Alam ko naman kasi na wala akong panama sa pagiging isang batch leader.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan bago muling magpatuloy si Mr. Cruz sa kanyang i-a-anunsyo.

"At ang kanyang pinili ay si Warren Santiago." 

Okay, hindi na 'yun nakakagulat para sa'kin at pati na rin sa buong klase. Kita ko namang napasmirk 'yung mayabang kong kaklase as his name was mentioned.

"As the elected batch leader, please go here in front and state your thoughts."

Pagkatawag sa kanya ni Mr. Cruz, hindi naman nag-alangang napatayo itong si Warren at nakapamulsang naglalakad papunta sa gitna. 

"Bilang isang batch leader, ang aking hangarin lamang ay ang tulungan kayong mahasa ang kanya-kanya nating property..." panimula niya. "Pero paano naman natin 'yan magagawa kung ang ilan sa atin ay tamad? Kagaya ng isa diyan, natutulog sa kanyang silya."

Alpha Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon