21. Study Group

32 5 0
                                    

-CEDRIC-

Tila nanghihina ako ngayong nakahiga sa isang sulok ng isang 'di pamilyar na kwarto kung nasaan ako kasalukuyan. Sinubukan ko pang tipunin ang aking lakas para lang maimulat ko ang aking mga mata, at nang magawa ko na nga rin sa wakas ay iginala ko ang aking tingin sa buong paligid.

Tama nga ako, wala nga ako sa aking dorm room ngayon. Kung saang kwarto man ito ay hindi ko iyon masasabi. Agad na bumungad sa'kin ang mga dingding nitong pinintahan ng kulay kahel, ibang-iba sa aking kwarto na pininturahan ng kulay bughaw.

No'ng inilibot ko pa ang aking mga mata ay nakita ko sa parehong gilid ko sina Mitch at Kylie na parehong walang malay. Kumunot naman ang aking noo ng makita kong parehong nakagapos ang kanilang mga kamay sa kanilang likuran habang mahimbing pa ring natutulog.

Susubukan ko sanang igalaw ang aking mga kamay para tulungan sila pero agaran ko ring naramdaman na parang nakatali ang dalawa kong kamay sa aking likuran, dahilan para kumunot ang aking noo.

Ano'ng ibig sabihin nito? Bakit ako nakatali? Paano kami napadpad sa ganitong sitwasyon?

Marahan kong ipinikit ang aking mga mata upang alalahanin ng mabuti ang naging sitwasyon namin bago nito. Series of images soon flashed back at the back of my memory.

Oo nga pala, nasa science laboratory kaming lahat no'ng biglang may mga nagsipasok na mga lalaking pawang mga nakaitim at bigla kaming dinakip, as if may ginawa naman kaming kasalanan.

At kung hindi ako nagkakamali, ang huling taong naaninag ko bago pa ako mawalan ng malay ay walang iba kundi ang adviser naming si Mr. Cruz.

Nakaramdam ako ng pagkabahala ng makita kong gumalaw 'yung doorknob ng pintuang nasa malapit lang sa kung saan kaming nakahigang tatlo kaya minadali kong ipikit ulit ang aking mga mata para magkunyaring wala pa ring malay.

Pagkabukas nga ng pintuang iyon, agad akong nakarinig ng dalawang boses-lalaki the moment na nakapasok na sila sa loob ng silid na ito. Pareho kong kilala kung sino ang nagmamay-ari ng dalawang boses na ito!

"Ano naman ang balak ninyo director sa tatlong nahuli nating estudyante?" rinig kong tanong ng adviser naming si Mr. Cruz.

"Tell me, William, marami na ba silang alam tungkol sa nakaraan?"balik-tanong naman ng kausap niyang director ng Eastwood High.

"Sa tingin ko ay hindi pa gaano, director."

"Gano'n ba? Bweno, I can't lose my Alpha students anymore, especially this lad."

Kahit nagtutulug-tulugan ako ay ramdam kong nakaturo ang isang hintuturo ng director sa aking direksyon.

"But sir, hindi pa natin alam sa ngayon kung ano ang kanyang kapangyarihan. Or kung meron nga siyang taglay na kapangyarihan." sabi ni Mr. Cruz. See, even ang aming adviser ay nag-aalangan sa akin.

"Believe me William, if my daughter says so, then this lad indeed has powers.." sagot naman ng director.

There was a moment of silence before I heard the director spoke again.

"We are not sure of his background yet, but I may have an idea kung sino ang mga magulang niya." turan nito na siyang ikinagulat ko.

I tried my best to contain my surprise para hindi ako mahuling nagtutulug-tulugan dito. Pero kasi... all my life, I never knew my parents, nor had meet them. Si lolo Juls lang talaga ang kilala at itinuturing kong kamag-anak.

"One of which managed to escape from our hands...na hanggang ngayon ay tinutugis pa rin ng aking mga tauhan."

Halos manlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Posible kayang... buhay pa ang isa sa mga magulang ko?

Alpha Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon