27. Finders Keepers

48 2 0
                                    

"Finders keepers."

Nagpantig ang aking mga tenga pagkarinig ko sa mga sinabi ni Sasha. Nasa kabilang dulo sila ng mga lnaglalagablab na apoy na pumapagitna sa amin habang unti-unti na silang naglalakig papalapit sa aming flag. Nang tuluyan na nga nila itong nakuha ay may gana pa silang iwagayway ito sa aming harapan sabay napatawa pa ang lider ng kabilang grupo.

"Diyan na kayo, losers." ani pa nito bago ulit tumawid sa kabilang dulo at naglakad papalagpas sa'min. Napasinghap naman ako ng hangin nang mapagtanto kong wala na nga talaga akong choice kundi ang gamitin ang aking kakayahan laban sa kanila.

Ipinikit ko muna ang aking mga mata bago ako humugot ng sandamakmak na lakas ng loob, saka ko lamang ito iminulat sabay sabing, "Tumigil kayo sa paglalakad!"

Matapos kong masabi ang mga katagang iyon, para naman silang nagmistulang remote-controlled robot na biglang nagsitigil sa paglalakad sa kanilang mga kinaroroonan. Kahit ako ay nagulat din. Ngayon ko lang nalaman na may kakayahan din akong kumontrol ng tao kahit medyo malayo ang aking pagitan at ng aking target.

"What the heck is happening around here?!" frustrated na sabi ni Sasha. Kita kong pinilit niyang gumalaw pero tanging bibig at mata niya lang ang tangi niyang makokontrol.

Wala naman akong inaksayang oras at lumapit ako sa kanilang kinaroroonan at kinuha ang flag mula sa kanila tsaka ko na sila inutusan na gumalaw muli.

"Finders keepers." pang-asar ko pang tugon kay Sasha bago ngumisi ng mapang-asar.

"Grr.. You're annoying!" she bursted out before I noticed her snap her fingers. "Ibigay mo 'yan sa'kin, ngayon din." ani nito sa kanyang mapang-akit na boses, pero malas niya at hindi ako tinatablan ng kanyang pheromone powers.

"Fine, hindi ka pala tinatablan ha." Saka siya napatingin sa kasamahan ko at nagsabing, "Elise, paki-kuha naman ng flag para sa akin oh. Sige na."

Tila umepekto naman agad ang kanyang property sa aking kasama na siyang dahilan bakit ito unti-unting lumalapit sa akin at nagtangkang kunin ang flag na siyang itinataas ko para hindi niya maabot.

"Elise, tumigil ka ngayon din!" sabi ko rito ng nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata. That made her stop in an instant and made Sasha's mouth literally drop.

"What the heck... isa kang telepath?!" hindi makapaniwalang-tanong nito. Telepaths, according din doon sa librong nabasa namin sa library tungkol sa aking kakayahan, ay another terms for mind-controllers o ang mga taong may taglay na mind-control property.

"Kelan pa?" dagdag pa nito.

"N-ngayon ko lang din nalaman--" nag-aalangan ko pang tugon dito.

"Now Karen!" Hindi pa ako natatapos sa aking sasabihin ng biglang lumapit sa akin ang kaklase naming may electric powers at bigla akong hinawakan sa'king kanang kamay, dahilan para magnisay ang buo kong katawan at bumagsak sa damuhan. Dali-dali naman nitong kinuha ang flag mula sa'king kamay at mabilis silang tumakbo papalayo sa'min.

Geez! Andaya nila!

Tinulungan naman akong makatayo ni Elise at sumigaw ng "Dali! Sundan agad natin sila!" before siya naunang tumakbo para agawin ulit ang aming flag mula do'n sa dalawa. Napa-facepalm na lang din ako at sumunod sa kanya kahit na medyo ramdam ko pa rin ang kuryente na dumadaloy mula sa'king katawan na siyang dahilan kung bakit hindi ko magawang gamitin ng maayos ang aking property. Ang tanga ko kanina!

Sinusubukan ko silang patigilin but for now, I think my ability works on short distances muna. Saka ko na mapag-aaralan gamitin ito in a long-range manner kapag nahasa ko na ito ng husto.

Nagpatuloy ang aming habulan hanggang sa nakalabas na kami ng tuluyan mula sa kakahuyan at papalapit na sana sila aming guro na si Mr. Cruz ng makasalubong din namin sina Warren at Dwayne na kasalukuyan ring tumatakbo papunta sa'ming guro. Nanlaki pa ang mata nito ng makitang hawak-hawak ni Sasha ang aming flag.

"Dwayne, gawan mo ito ng paraan!" sigaw nito sa kasama.

"But-"

"Just do it!"

Kahit labag man sa kalooban ng binata ay huminto ito sa kakatakbo saka nito itinaas ang kanyang kanang kamay at pinalutang ang aming kaklase na si Sasha. Kinalaunan ay ibinagsak niya rin ito ng dahan-dahan ng may kalayuan mula sa aming guro para manguna si Warren. Akmang pipigilan pa sana ni Karen si Dwayne pero huli na ang lahat no'ng naibigay na ni Warren ang aming flag kay Mr. Cruz, dahilan para manalo ang aming grupo sa category na ito.

***

Kinagabihan, we had our first official bonfire camp together with my classmates, our adviser and our school director. We formed a large circle at sa gitna nito nakatayo ngayon si Mr. Cruz as he announces the result our Group Category Exam.

"Since Warren and Dwayne were the first one to give the enemy's flag to me, that only means Group 2 won in the group category and will advance to the individual category tomorrow morning."

Napatigil muna ito sa pagsasalita na siyang nagbigay daan para maghiyawan ang mga kasamahan ko sa aming grupo. Nanatili naman akong tahimik habang naiisip ko na naman ang kapalpakan ko kanina.

"And whoever wins the individual category tomorrow will also have the highest mark on this grading's exam plus a special request to be granted by our school director himself." pagpapatuloy ng aming guro.

Napaisip ako dahil do'n. Kung sakaling ako ang mananalo sa paligsahan na ito, ano kaya ang aking hihilingin mula sa direktor?

"Alright! That ends my announcement. You can have fun all night as long as matutulog tayo sa ating curfew which is 10 in the evening, that is three hours from now."

Matapos sabihin iyon ni Mr. Cruz ay umalis na ito sa kanyang kinaroroonan at umupo sa isa sa mga kahoy na kasalukuyan naming inuupuan sa ngayon. Nagpasahan kami ng marshmallows at ini-roast namin ito sa naglalaglab na apoy sa gitna namin

"Buti na lang at mabilis kong nagawan ng paraan 'yung kaninang insidente, or else..." pagbasag ni Warren sa katahimikang namuo ng ilang segundo saka siya napatingin sa'kin. "Baka matalo pa tayo kanina kung nagkataon."

I clenched my fist in annoyance. Hindi talaga nito pinalalagpas ang pagkakataon na ipahiya ako sa maraming tao ano? Pero kahit papaano ay may sense ang kanyang sinabi. Dahil sa kapalpakan ko ay muntik pa kaming matalo kanina, hays.

I felt a warm hand placed above mine kaya napaangat ako ng tingin. Napangiti ako pagkakita sa aking katabi na si Kylie na nakangiti rin sa akin pabalik.

"Huwag mo nga siyang pakinggan." ani nito. "Just do your best tomorrow."

"Oo nga Cedric." pagsang-ayon naman ng katabi ni Kylie na si Mitch. "Ipakita mo diyan kung ano ang kaya mong gawin."

"What are you all saying there, losers?" rinig pa naming sabi ni Warren pero tinawanan lang siya ni Mitch.

"Wala ka na don!"

***

Later on, we started to pack up para matulog sa gabing ito. Habang naglalakad ako papunta sa aking tent, narinig ko namang sinusuyo nI Dwayne ang kanyang kausap na si Sasha na mukhang nagtatampo dahil sa ginawa nito kanina. Napailing na lang ako at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.

Nasa tapat na sana ako ng aking tent ng makita ko ring napadaan sa aking harapan si Warren para pumunta sa kanyang tent. Papasok na sana ako nang marinig ko itong nagsalita na siyang ikinatigil ko.

"Enjoy your last moments being an Alpha Section..." turan nito sabay smirk sa kanyang kinaroroonan. "Dahil sisiguraduhin kong I will have your ass kicked out once ako ang nanalo sa paligsahan na'to at makakakuha ng special request from the director."

Hindi na niya hinintay ang aking tugon at bastusan akong tinalikuran saka pumasok sa kanyang tent. That made me furious habang papasok naman ako sa sarili kong tent. Tsk, that egoistic jerk.

Kagaya niya, hindi rin ako magpapatalo bukas...

Alpha Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon