Pagkatapos ng aking klase sa last period ay agad akong dumiretso sa'ming dormitoryo. Muli ay nagulat na naman akong makitang andito na si Andrew sa kanyang higaan at abala sa pagtingin sa kanyang laptop. Nang maramdaman niya ang aking presensya ay agad nalipat ang kanyang tingin sa'kin.
"Bro! Andyan ka na pala! So, kamusta ang unang araw sa Alpha Section?" pambungad niyang tanong sa'kin. Sabi ko na nga ba at magtatanong siya sa'kin.
"Ayos lang naman , I guess." kibit-balikat kong sabi bago tinungo ang kinaroroonan ng aking higaan.
"So ano na bang pinag-aaralan niyo so far?" muli nitong tanong na siyang dahilan para matigilan ako sa paglalakad.
Biglang sumagi ulit sa utak ko 'yung rule #3 ni Mr. Cruz. Bawal ipagsabi sa kahit kanino ang lahat ng mga matututunan ko sa klase sa kahit na kanino and that means pati na rin sa bestfriend ko. Ngunit hindi naman siguro masamang ibahagi ko sa kanya ang nabuo kong teorya about sa Alpha Section, 'di ba?
"Wala pa kaming nadi-discuss so far sa totoo lang. Pero..." Bahagya akong napatigil sa pagsasalita ng ilagay ko na ang aking bag sa'king higaan.
"Pero?" curious niya namang tanong.
Matapos kong mailagay ang aking bag ay naupo muna ako sa sahig katapat niya in a criss-cross manner tsaka ako muling magsalita.
"Pero malakas ang kutob kong nag-aaral sila about psychic powers, something like that." seryoso kong pagkakabigkas, pero tinawanan lang ako ng aking kausap.
"Psychic powers? Seryoso ka ba diyan?" natatawa niya pa ring tugon. Sabi na eh hindi rin siya maniniwala sa mga pinag-iisip ko rito.
"Kalimutan mo na nga. Kahit ako nga eh hindi ko rin maintindihan ang mga pinag-iisip ko rito." naiiling kong sabi sabay kamot sa'king batok.
"Bro sa mga movies lang 'yun nangyayari okay? Gaya nitong pinapanuod ko ngayon." sabi niya sabay pakita sa'kin ng kanyang laptop screen.
Natigilan ako at napatitig sa kanyang laptop screen ng makita kong nanunuod pala siya ng pelikulang Darkest Minds ngayon. Ito 'yung isa sa mga paborito kong pelikula.
Pero what if... what if mangyari talaga ito sa totoong buhay at may isang grupo rin ng mga taong may ganitong mga kakayahan kagaya ng mga tauhan sa pelikula?
Muli akong nailing at pinilit na kalimutan ang mga pinag-iisip ko rito.
"Siguro nga tama ka bro." pagsang-ayon ko na lang at napatingin sa kawalan.
Hay naku... ano na ba itong mga pinag-iisip ko ?
***
Kinabukasan ay agad na akong nagpunta sa room 409 para sa special training class namin with Mr. Cruz. Ngayon ko lang ito napagtanto pero ang weird ng pangalan ng aming klase. Special training class namin 'to, pero para saan exactly?
"Good morning Cedric."
As usual eh sinalubong na naman ako ng isang masiglang bati mula kay Kylie kaya bumati rin ako sa kanya. Pagkatingin ko naman sa'king kanan ay as usual ding nadatnan kong tulog sa kanyang silya itong si Mitch.
"So may nabuo ka nang teorya tungkol do'n sa tanong ni Mr. Cruz?" tanong sa'kin ni Kylie. Inayos ko muna 'yung rim ng aking glasses bago nagsalita.
"Wala pa rin eh." tugon ko, still denying the fact na may kabaliwan na akong naiisip kasalukuyan.
"'Wag kang kabahan. Sigurado akong pati 'yung iba nating mga kaklase ay wala ring sagot tulad natin." pagre-reassure ko na lang sa kanya.
Isa-isa ko namang tiningnan ang iba ko pang mga kaklase pero mukhang abala sila sa kani-kanilang mga gawain sa kanilang mga silya na para bang mga walang pakialam sa binigay sa kanilang takdang aralin.
BINABASA MO ANG
Alpha Section
Science FictionAng Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan- ang Eastwood High- na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok. Subalit wala sa amin ang...