36. At The Rooftop

23 3 0
                                    

Cedric

Nagmamadali akong tumakbo sa pinakamataas na palapag ng building para agad kong maabutan sina Kylie at Warren na kulang na lamang eh maglagablab ang swelas ng mga sapatos. Narinig ko nga rin ang pagsita ng isang guro sa'kin na hindi ko kilala sa pangalan sa aking likuran ng madaanan ko siya sa ikatlong palapag ng gusali. Ngunit sa aking pagmamadali ay minabuti ko na lamang na huwag siyang pansinin.

Madaming palaisipan ang tila tumatakbo kasabay ng bilis ko sa aking utak. Ano ba ang iniisip ni Kylie at bakit kinompronta nya ng mag-isa ang tinuturing naming primary suspect behind sa anonymous sender ng mga text messages na iyon? What if siya nga iyon at marinig niya ang mismong akusasyon sa aming kaibigan? Baka may gawin siya sa aming kaibigan ng hindi niya inaasahan.

Pero ang ipinagtataka ko sa lahat, bakit parang handa si Kylie na ipagtanggol si Warren? Sa tono kasi ng mga salita niya sa amin, mukhang kumbinsidong-kumbinsido na talaga siyang hindi si Warren ang hinahanap naming anonymous sender.

"Cedric! Bakit tila nagmamadali ka yata? Sa'n ka pupunta?"

Bigla akong napatigil sa pagtakbo ng marinig ko ang pamilyar na boses ng aking kaklase sa Alpha Section na si Dwayne Gonzales sa oras na nakarating na ako ng ikaapat na palapag ng gusali na siyang nagtataglay ng telekinesis property.

Surely, ang maamong mukha niya agad ang unang tumambad sa akin na may kaakibat na mala boyish na ngiti. Ang perpektong set ng mapuputi niyang ngipin ay nakalabas habang siya ay nakangiti ng ganyan.

"Dwayne, good timing!" sabi ko sa tono ng nagagalak. Napakunot lamang ang kanyang noo sa aking biglang inasal.

"What's the rush, bro? Teka, nakita mo ba si Sasha? Sabi niya hintayin ko siya rito sa library pero limang minuto na akong naghihintay ngunit wala pa rin--"

"Hindi ko siya nakita," biglaan kong pagsingit bago niya pa sayangin ang oras ko sa pagbanggit sa kanyang girlfriend na hindi ko rin feel pag-usapan.

"Listen, tumawag sa akin si Mitch kamakailan lang... saying na kinompronta ni Kylie si Warren sa rooftop about nga ro'n sa anonymous sender na kakabanggit lang sa atin ni Mr. Cruz!" dagdag ko pa. Salamat naman at mukhang nakuha ko na rin sa wakas ang kanyang buong atensyon.

"'Di nga? Kung si Warren nga ang suspek, maaaring malagay siya sa peligro!" saad ni Dwayne. 

"Samahan mo ako sa rooftop then. Kakailanganin ko ng mas marami pang backup just in case may gagawin ang lalaking iyon."

Speaking of backups though, sakto ring nakasalubong din namin si Elise, ang kanyang usual na walang buhay na mga mata ay napadpad ang tingin sa aming direksyon. Sa likuran niya naman ay ang may pagka-energetic naming kaklase na si Karen, who had the electric property. Ang kanyang bilog na mukha ay may nakaukit na ngayong malapad na ngiti ng makasalubong niya kami sa daan.

"Hi! Sakto, kakasabi ko lang kay Elise na we should hangout altogether sometime! You know, since tayo tayo lang din ang ipinanganak ng ganito sa buong eskwelahan at maswerteng mapadpad sa section na ito, you see?" nakangiti pa ring saad ni Karen habang si Elise naman ay obviously annoyed sa presensya ng babaeng ito. Wari ko ay pilit na nakikipagkaibigan nitong si Karen dito sa isa na ayaw magpaistorbo.

"Siguro sa susunod na lang guys. Right now, I have an urgent matter going on," sambit ko sa tonong nagmamadali.

"Ha? Bakit naman? Anong meron-- Dwayne, andyan ka pala! Hindi kita agad nakita," saad ni Karen, ang kanyang mapupungay na mga mata ay nakatutok na ngayon kay Dwayne na ngumiti lang ng tipid sa kanya.

"No time to explain," sagot ko. Bakas na rin sa tono ko ang unti-unti kong pagkairita sa sitwasyon namin ngayon. "Kung gusto niyo sumama, fine. Elise, kakailanganin nga pala namin ang ability mo kaya kung maaari ay sumama ka sa amin?"

Hindi ko man lang narinig na umimik ang kaklase kong si Elise, bagkus ay tiningnan niya pa rin ako ng walang kaemosyon-emosyon pero nakita ko naman siyang tumango seeing how important the situation must be judging by the look in my face.

Wala na kaming sinayang na oras pagkatapos no'n. Apat na kami ngayong umaakyat sa pinakamataas na palapag ng gusali kung saan naroroon ang pintuan patungo sa rooftop. At nang makarating na kami roon, agad ko namang nakita ang kaibigan kong si Mitch na nakatayo sa may harapan nito.

"Cedric! Buti na lamang at andito ka na. Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko--- oh, buti may bitbit ka ring additional na backup sakaling magkagulo."

Nabaling naman ang tingin ni Mitch sa mga kasama ko sa aking likuran at binigyan sila ng isang tipid na ngiti bago niya muling ibalik ang atensyon sa akin.

"Kanina ko pa actually napapansing tila may balak si Kylie na hindi niya kailanman kinokonsulta sa atin, lalung-lalo na no'ng nagmamadali siyang umalis ng aming classroom. Siyempre mabilis ko lang din natrack kung saan siya papunta since dinig na dinig ko ang bawat paggalaw ng kanyang mga paa.

"Sakto rin palang hindi pumasok si Warren sa mga oras na iyon, which is weird since hindi naman 'yun madalas nagka-cut ng klase, at nagulat na lang ako ng umakyat bigla si Kylie sa rooftop. Ang mas malala pa, narinig ko rin ang boses ni Warren na nasa loob din ng pinto," dagdag pa ni Mitch.

Nang matapos na sa pagpapaliwanag ang binata, agad na gumalaw si Cedric sa kanyang kinatatayuan at lumakad papunta sa pintuan. Ngunit ng akmang bubuksan niya na ito, malas niya na lang at natagpuan niya itong naka-lock.

"Si Warren ang naglock niyan bago ko pa man sila maabutan sa rooftop," napasinghal ng konti si Mitch ng sabihin ang mga iyon. "Maaaring nakatunog siya na may sumusunod kay Kylie kaya niya iyon nagawa, parang ayaw niyang may istorbo."

"Well, ano pa ang hinihintay natin? Hingin natin ang susi sa janitor ng eskwelahan!' sigaw ni Cedric. Nasorpresa siyang malaman na hindi man lamang ito naisipang gawin ni Mitch or ng utak niya sa sobrang pagmamadali na makapunta rito.

"Listen, Cedric, narinig ko ang lahat ng pinag-uusapan nila okay?" Mitch suddenly said bago pa man makababa ulit ng hagdan.

Napatigil naman sa paghakbang si Cedric habang ang iba nilang mga kaklase ay napatingin kay Mitch, nag-aabang ng kung anumang sasabihin niya sa kanilang lahat.

"At sa tingin ko... hindi siya ang hinahanap nating anonymous sender."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alpha Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon