Minsan ba naitanong niyo na rin sa inyong mga sarili kung ano ba talaga ang silbi ninyo sa mundong ito?
Dati, noong hindi pa ako napapabilang sa isang misteryosong grupo sa paaralan ng Eastwood High na kilala sa tawag na Alpha Section, simple lang ang magiging sagot ko para diyan.
Akala ko dati, ang tanging silbi ko lamang sa mundong ito sa ngayon ay maging isang mabuting mag-aaral ng Eastwood High ng sa gano'n sakaling makagraduate na ako sa paaralan na ito at makapagtapos na rin ng kolehiyo ay mapapakinabangan na ako ng ating lipunan.
Pero nagkakamali pala ako...
Hindi ko lubos maisip na mas mahigit pa riyan ang rason kung bakit ako nag-e-exist sa mundong ito at nakaenrol mismo sa paaralan ng Eastwood High.
Kung akala ko dati ay sinuwerte lamang ako sa pagkakapasok ko rito, pwes diyan pala ako nagkakamali.
Simula noong mapabilang na ako sa pinag-uusapang Alpha Section, nag-iba na rin ang tingin ko sa mga taong nasa paligid ko, sa buong eskwelahan at sa mismong pagkatao ko.
Dito rin ako namulat sa katotohanang dapat nang wakasan ang ganitong uri ng sistema sa buong paaralan para mapalaganap ang pagkakapantay- pantay ng bawat individual sa buong Eastwood High community.
Sa gano'ng paraan lamang maiwawaksi ang baluktot na pamamahala ng aming paaraalan, at siyang tanging paraan din para maipalaganap ang totoong kapayapaan sa buong eskwelahan kung maiaalis ang inggit at galit sa bawat puso ng kada normal na estudyante na hindi pinalad na mapabilang sa grupong ito.
Bukod doon, marami pang mga misteryong nakabalot sa mismong paaralan, at sa direktor namin.
Marami pang mga katanungan ang hindi pa nabibigyan ng eksaktong kasagutan...
Marami pang kasinungalingan ang maaari pang mailantad sa publiko...
At marami pang mga clues ang dapat kong makalap kung gusto ko ngang malaman ang katotohanan sa likod ng bawat pagkukubli ng mga partikular na indibidwal sa eskwelahang ito.
Tila ba may nagsasabi sa akin na kung sakaling matatagpi-tagpi ko na ang mga kasagutan sa aking mga katanungan, tiyak ay siyang magiging daan ko rin ito sa pagkakaalam ko tungkol sa aking tunay na pagkatao.
Kaya kung ikaw ay nakikinig dito, parati mong tatandaan ang tunay mong silbi sa paaralang ito at kung sino ka talaga-- kahit ano pa man ang mga posibleng mangyayari sa hinaharap.
Ako si Cedric Magbanua.
Isang Alpha na may taglay na mind control property.
At ito ang aking kwento tungkol sa unti-unti kong pagkakadiskubre tungkol sa mga misteryong bumabalot sa aking pagkatao, sa mga taong nasa paligid ko, sa buong Eastwood High,
At siyempre, sa Alpha Section.
---
Author's Notes:
Hi guys! I hope naenjoy niyo ang intro ng volume 2. As of now, hindi pa established ang kanyang outline so inaayos ko pa siya para sa continuous update, so it might take me a couple of days pa bago ko ito masimulan ulit! (Given na abala rin ako sa ibang writing platform, huhu.)
Every volume, by the way, has-- at least-- 30 chapters. So the whole story would have 90 chapters in total. Yet it is still subject for change pa and not yet final ang draft ko for this story.
Well, sana patuloy niyo pa ring subaybayan ang kwento ni Cedric hanggang Volume 3 :D
Thanks for reading up to this point. Matutulog na muna si ako xD
BINABASA MO ANG
Alpha Section
Ficção CientíficaAng Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan- ang Eastwood High- na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok. Subalit wala sa amin ang...