29. No More Hiding

36 3 0
                                    

Natagpuan na rin namin sa wakas ang aming target, yet ang susunod naman naming poproblemahin ay kung paano siya kukunin.

Well, buti na lang at marunong akong umakyat ng puno kahit na papaano. Bago ko ito tuluyang akyatin ay napatingin muna ako sa kasama ko.

"May nararamdaman ka bang tao sa paligid, Elise?" tanong ko.

Naalala ko lang kasi ang nangyari kahapon na nakasunod pala sa amin si Sasha at Karen. Ayoko nang mangyari ang pagkakamali kong iyon.

"Wala naman akong nasasagap sa ngayon." turan niya.

"Ah, mabuti naman kung gano'n."

Matapos kong masigurong wala ngang tao sa paligid namin ay tuluyan ko nang inakyat ang puno ng Acacia at kunin ang flag.

Expert siguro akong maituturing sa pag-akyat ng puno simula noong bata pa ako, pero ang parati kong problema ay 'yung pagbaba naman.

Dahan-dahan ang naging pagkilos ko habang pababa ako mula sa puno bitbit ang kulay bughaw na flag sa aking kanang kamay. Buti na lang at hindi naman ako nalaglag at nakalapag ako ng maayos at kumpleto pa ang mga buto ko.

"Tara na't balikan natin si Mr. Cruz para maibigay na natin itong flag." nakangiting saad ko sa aking kasama, pero hindi man lang siya ngumiti pabalik.

Marunong kaya itong ngumiti?

Anyway, nagsimula na ulit kaming bumalik sa dinaanan naming ruta, at kita ko ang pamumutla sa pagmumukha ni Elise ng makita ulit ang hanging bridge na kailangan namin ulit daanan.

"Buhatin ulit kita, huwag kang mag-alala." alok ko.

Gagawin ko na sana ang bagay na iyon ng marating na namin ang bukana ng tulay ng biglang magsalita itong kasama ko.

"Teka, may paparating sa ating kinaroroonan."

At bago ko pa man isipin kung sino iyon, nakaramdam ako ng isang kakaibang pwersa na siyang bumalibag sa akin ng biglaan.

Ang sunod ko na lang na nakita ay ang sarili kong nakahandusay na sa sahig habang may isang lalaking naglalakad papunta sa akin.

Si Dwayne...

"Pasensya ka na Cedric ha, pero kailangan kong gawin ang lahat para manalo." sabi nito sabay kuha ng flag mula sa akin.

Mula sa paghawak niya sa bitbit kong flag ay nag-isip na agad ang utak ko kung ano ang dapat kong gawin.

Oras na siguro para ipakita ko na ang nakatago kong kakayahan.

Papalayo na sana sa akin ang naturang binata ng hawakan ko bigla ang kanyang kamay na nakahawak sa mismong flag.

"Tumigil ka." utos ko.

Kagaya ng isang remote-controlled na robot ay agad siyang sumunod sa aking inutos. Kita kong agad siyang nanigas sa kanyang kinaroroonan na ang tanging nakakagalaw lang ang kanyang mga mata at ang kanyang bibig.

"A-ano'ng nangyayari sa akin?" 'Di makapaniwalang turan nito habang pilit na igalaw ang kanyang mga kamay o binti.

"Pasensya ka na rin Dwayne." sabi ko sabay kuha ng flag mula sa kanya.

"Matapos ang paligsahan na ito ay maaaring bumalik ka sa camp. Or pwede ka ring gumalaw sa oras na sa tingin mong ikaw ay nasa panganib " utos ko ulit.

Bigla siyang pumisik pero kinalaunan ay bumalik ulit siya sa pagiging frozen. Nagsimula na ulit kami ni Elise sa paglalakad patawid sa hanging bridge, with me na buhat-buhat ang nagmamaktol na dalaga.

Pagkatawid na namin ay siyang agad kong pagbaba sa kanya. Sinamaan niya muna ako ng tingin bago ito tuluyang nauna sa paglalakad.

Napailing na lang ako sa kanyang inasal at saka sumunod sa kanya.

Alpha Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon