10.1 Torn Pages (Part One)

71 3 0
                                    

"Nakikita kong... kamukha mo ang isa sa kanila."

Hindi ko namalayang napaawang na ang aking bibig pagkarinig ko sa kanyang sinabi. W-What does that mean?

"A-ano'ng ibig mong sabihin do'n Kylie?" curious kong tanong.

Pero bago pa niya masagot ang tanong ko, napansin ko na biglang nanginig ang buong katawan niya kaya bigla kaming nagpanic ni Mitch.

"Kylie!" sabay naming sambit ni Mitch. At makalipas lang ang ilang segundo, nawalan na ng malay ang aming kasama.

Dali-dali ko namang binuhat si Kylie sa'king mga braso at mabilis namin siyang isinugod ni Mitch sa school clinic.

Makalipas lang ang ilang segundong paglalakad ay narating na rin namin ang nasabing clinic at dali-dali kong inihiga si Kylie sa isa sa mga kama. Si Mitch naman ang tumawag sa school nurse para asikasuhin ang aming kasama.

Nakatayo lang kami ni Mitch sa gilid habang pinapanuod namin ang nurse na kunan si Kylie ng kanyang blood pressure. Makalipas lang ang ilang sandaling paghihintay ay humarap na ito sa'min with a worried look on her face.

"Biglaang tumaas ang blood pressure ng inyong kasama, marahil ay dulot ng matinding stress. Pero since kumalma na siya ay agad din itong bumaba at bumalik na sa normal. Just make sute to not sress her out, okay?" payo no'ng nurse.

"Opo." sabay naming sagot ni Mitch.

Pagkaalis ng nurse ay agad na kaming lumapit kay Kylie, na ngayo'y gising na pala sa kanyang kinahihigaan.

"Kylie! Ayos na ba ang kalagayan mo ngayon?" nag-aalalang tanong ko. Tumingin siya sa'kin at ginawaran ako ng isang ngiti.

"Ayos lang ako Cedric. This normally happens everytime na ginagamit ko ang aking kakayahan." mahina niyang sambit. Agad naman akong nabahala sa kanyang sinabi.

"So that means maaaring kada property na meron tayo ay may kaakibat na side effects?" kunot-noo namang tanong ni Mitch.

"Posible. Though hindi ko alam sa iba, pero sa'kin meron talagang kaakibat na side effect." pagsagot naman ni Kylie.

Napaisip naman ako do'n. Kung sakali mang may kakayahan ako, nakakabahala naman kung mayroon iyong kaakibat na side effects.

Maya-maya pa'y narinig naming lahat ang pagtunog ng school bell, hudyat na patapos na ang aming two-hour break at kailangan na naming dumalo sa'ming regular classes.

"Dude, kailangam na nating pumasok, although gusto ko sana ngayong magbulakbol." turan ni Mitch. I quickly looked at him in disbelief. Totoo bang nakikipag-usap ako ngayon sa top 1 ng section 1?

From Mitch ay nalipat ang tingin ko rito kay Kylie.

"Sige Kylie, tutuloy na kami sa'ming klase. Pasensiya na kung napagamit ka ng iyong kakayahan ng 'di oras." pagpapaalam ko at paghingi ko na rin ng paumanhin sa kanya.

Gustung-gusto ko talaga siyang tanungin ngayon tungkol do'n sa kanyang nakita kanina pero I know now's the right time.

"Ayos lang 'yon. Sige na, magmadali na kayong pumasok at baka mahuli pa kayo sa inyong mga kaklase." sabi naman ni Kylie.

Matapos ng saglit naming pag-uusap ay tinalikuran na namin siya at nagtungo sa may pinto. Subalit bago pa man maabot ni Mitch ang doorknob ay kusa namang bumukas ang naturang pintuan at pumasok mula rito ang aming adviser na si Mr. Cruz.

Medyo nagulat pa ako nang makita ko siya rito.

"I heard what happened to your friend kaya naparito ako para itsek ang kanyang kalagaya. After all, I am your adviser." Mr. Cruz immediately explained bago pa kami makapagtanong kung ano'ng ginagawa niya rito.

Alpha Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon