"Welcome to Alpha Section."
Pagkasabi ni Mr. Cruz ng mga katagang ito ay kunot-noo kong pinasadahan ng tingin ang kaharap kong guro at ang babaeng dinala ko rito sa clinic na napag-alaman ko kaninang isa palang bulag.
Tiningnan ko sila na para bang nasisiraan na sila ng bait.
"Nagbibiro lang kayo, 'di ba?" nag-aalangan kong saad sabay tawa ng pagak.
"Mukha ba akong nagbibiro, Mr. Magbanua?" balik-tanong ni Mr. Cruz sa'kin sa isang seryosong tono.
"No. It can't be!" 'Di makapaniwala kong sabi.
Lalapitan sana ako ni Mr. Cruz kaso agad akong humakbang paatras.
"Nagkakamali kayo! Hindi ako matalino para mapabilang sa section niyo. Ni hindi nga ako ang top 1 sa section namin." dagdag ko pa.
"Alpha Section is not just about wits Mr. Magbanua..." ani ni Mr. Cruz
"But it's about that 'something special' that you possess, as what Elise here said a while ago." dagdag paliwanag pa niya.
Napailing ako ng ilang beses sabay lungo ng aking ulo. Kahit sinasabi niya 'yan sa'kin ngayon, still hindi pa rin ako kumbinsido na maging parte ng Alpha Section.
Iniisip ko pa rin na nagkakamali lang sila ng pinili, na hindi talaga para sa'kin ang last spot na 'yan. Iniisip kong isang masamang biro lang ang lahat ng ito.
Hindi ko na nakayanan at bigla ko na lang binuksan ang pinto sa'king gilid at walang sabi-sabing lumabas sa clinic na 'yon.
***
Napamulat agad ako ng aking mga mata nang maramdaman kong may tumatapik ng aking magkabilang pisngi. Nang tuluyan na akong magising ay natagpuan ko ang aking sarili na nasa kwarto namin at kasalukuyan akong nakahiga sa'king kama.
S-So panaginip lang ang lahat ng iyon?
"Hay salamat naman at nagising ka na rin!" rinig kong sabi ni Andrew. Pansin ko naman ang hawak-hawak niyang isang basong tubig sa kanyang kanang kamay.
"Whoa! Para sa'n 'yang baso na 'yan ha?" natataranta kong sabi sabay turo do'n sa baso.
"Ahh ito? Ibubuhos ko lang naman sana sa'yo 'to in case na hindi ka pa magising. KANINA PA KAYA KITA GINIGISING!" pahayag niya naman sabay turo sa wall clock na nakasabit kaharap ng hinihigaan namin.
Kinuha ko naman ang glasses ko sa gilid ng aking unan at no'ng sinuot ko ito ay agad na nanlaki ang aking mga mata. Sh*t! Lagpas seven na pala ng umaga! Male-late na naman ako sa aking first period!
Sa puntong ito ay bumaba na sa'ming double deck itong si Andrew kaya nagmadali naman akong bumangon at bumaba na rin sa'king higaan para makapag-ayos. Pansin ko ngang naka-uniporme na itong kaibigan ko pero ang alam ko eh 8:00 am pa ang klase nito. Psh, early bird talaga as usual.
***
Nagmistulan naman akong si Flash sa kakatakbo sa kahabaan ng aming hallway. Hay naku, masisinghalan na naman ako nito ng matandang dalaga naming adviser sabay sabing hindi na ako aangat ng section kahit na kailan. Paulit-ulit niya na lang akong sinasabihan ng gano'n ma nasanay na rin ako at namemorize ko na ang kanyang dialogue.
Nang makarating na rin ako sa aming classroom sa wakas ay nagmamadali ko namang binuksan ang pinto tsaka pumasok ng dahan-dahan. Bumungad agad sa'kin si Ms. Santos na nakatayo na pala malapit sa board at naglelecture. Napahinto siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa aking direksyon. But this time, himalang hindi na niya ako pinagtaasan ng kilay.
BINABASA MO ANG
Alpha Section
Ciencia FicciónAng Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan- ang Eastwood High- na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok. Subalit wala sa amin ang...